CHAPTER 16

288 100 6
                                    

Malapit na ang laro ng TOYOTAMA laban sa KADOMA kaya hindi na nagtagal si Kishimoto sa hospital. Tulad ng inaasahan nila Minami pinatawag silang dalawa sa guidance office dahil sa nangyareng gulo sa rooftop.

"Gusto kong makausap ang parents nyong dalawa kapag hindi nyo dinala ang mga magulang nyo hindi kayo makakapaglaro." seryosong sabe ni Mrs. Homan kay Minami at Kishimoto.

"Hukayin mo sa libingan ang Mommy ko at gisingin mo ang daddy ko sa pagka comotose para madala ko sa inyo ang mga magulang ko." pamimilosopo ni Minami at nag init sa galit si Mrs. Homan.

"Bastos ka rin talaga. Hindi na ako magtataka kung maraming teacher ang nagrereklamo sayo dahil sa ugali mo." bulyaw ni Mrs. Homan.

"Bastos ako mam? Yan naman ang lage nyong napapansin samin sana tinanong nyo muna kami kung kami ba nagsimula ng gulo."

"Mam wala po silang kasalanan." bungad nila Tem at Shazaki.

"Anong ginagawa nyong dalawa dito?" tanong ni Mrs. Homan.

"Gusto lang po namin sabihin at patunayan sa inyo na hindi po sila ang nagsimula ng gulo. Mam nandun po kami  ng saktan nila si Kishimoto pinagtanggol lang po ni Minami si Kishi." paliwanag ni Tem.

"Tama po sya mam. Sana po mam minsan pakinggan nyo rin ang side ng mga estudyante wag lang yung side ng ibang tao. Alam po namin malakas ang kapit nila pero paano naman yung mga taong walang kasalanan hindi ba parang unfair naman yun mam kung sususpendihin nyo silang dalawa. I'm sorry po alam kong wala akong karapatan na sabihin yun pero sana po maging patas kayo." sabat ni Shazaki at ngumiti naman si Minami at Kishimoto maging si Tem.

"Mga kaibigan mo ba sila Shazaki?" tanong ng adviser ni Shazaki.

"Opo mam." sagot nito.

"Siguro nga Mrs. Homan alamin muna natin kung sino ba talaga ang nanggulo. Kilala ko tong si Shazaki top student ko to at mabait na bata kaya alam kong nagsasabe sya ng totoo. Sige na Minami at Kishimoto pumunta na kayo sa klase nyo pati ikaw Shazaki at Tem." utos ni Ms. Camille ang advisor ni Shazaki sa class A.

"Maraming salamat mam." ngiting sabe nila Shazaki at Tem bago ito lumabas kasama sila Minami at Kishimoto.

Naghiwa-hiwalay na sila Shazaki at Kishimoto para pumunta sa klase nila at magkasama naman si Tem at Minami dahil magka classmate sila. "Salamat nga pala kanina." anya ni Minami habang naglalakad sila papunta sa room.

"Wala yun ano kaba. Alam ko naman na wala kayong kasalanan." sagot na lang ni Tem.

"Pagkatapos ng klase may gagawin kapa ba?" tanong ni Minami.

"Wala naman."

"Gusto sana kitang ipakilala kay Daddy. Gusto ko lang makilala nya yung babaeng nagpapasaya sakin ngayon." sabe ni Minami at kinilig naman si Tem.

"Talaga? Ipapakilala mo ko sa Daddy mo."

"Yun eh kung papayag ka." napapakamot na turan ni Minami.

"Oo naman payag na payag ako." natutuwang sagot ni Tem.

"Hoy kayong dalawa tama na landian." bungad ni Kelly ang class president.

Nahihiyang pumasok si Minami at Tem dahil narinig pala ni Kelly ang pinag uusapan nilang dalawa.

Pagkatapos ng klase ng dalawa nagpaalam na si Minami kay Kishimoto na hindi ito sasabay dahil pupunta sila ni Tem sa hospital kaya hinatid nalang ni Kishimoto si Shazaki.

"Minami kinakabahan ako baka mamaya biglang magising sa pagkaka comotose ang daddy mo." sabe ni Tem habang papunta sila sa hospital.

"Edi maganda." natatawang sagot ni Minami at hinampas sya ni Tem.

"Paano kung hindi nya ako magustuhan. Hindi pa naman mayaman ang pamilya ko."

"Wag kang negative." sabe nalang ni Minami.

Hindi na nagsalita si Tem dahil kinakabahan sya. First time nyang mamemeet ang daddy ni Minami kaya di maalis sa kanya ang kabahan.

Pagdating nila sa hospital pumasok na agad sila sa room  "Dad si Tem nga pala." pakilala ni Minami.

Lumapit naman si Tem at hinawakan ang kamay ng Daddy ni Minami. "Hello po tito ako nga po pala si Tem. Kamusta na po kayo? Alam nyo tito wala pong ginawa si Minami kundi asarin at awayin ako. Lage nga po syang masungit sakin nagbago nalang po nung nagtapat sya ng pag ibig sakin akala ko nga po di sya marunong magmahal kasi yun po ang sabe nya pero narealize ko na masarap palang magmahal ang isang Minami. Tito kung naririnig nyo ko pwede po bang magising na kayo kasi ayoko na pong malungkot si Minami sana po wag nyo muna syang iiwan tulad ng pag iwan ng mama ko sakin. Mahal na mahal po kayo ni Minami tito." sabe ni Tem at nagulat sya ng biglang gumalaw ang kamay ng Daddy ni Minami.

"Minami narinig nya ata ako." kinakabahan si Tem kaya tinawag agad ni Minami ang doctor.

Pinalabas muna sila ng doctor upang tignan ang Daddy ni Minami. "Minami nagising ko ata ang Daddy mo."

"Hala ka lagot ka." pang aasar naman ni Minami dahil natutuwa sya kay Tem.

Ilang minuto rin silang naghintay bago lumabas ang doctor. "Hindi na sya unconscious at alam mo bang gising na rin sya. Anong ginawa mo?" tanong ng doctor kay Tem.

"Wala po akong ginawa kinausap ko lang." kinakabahan na sagot ni Tem.

"Dahil sayo kung bakit okay na ang daddy ni Minami. Maraming salamat ginawa mong madali ang trabaho namin." ngiting sabe ng doctor saka umalis kaya lalong kinabahan si Tem.

"Ayaw mo ng pumasok sa loob?" tanong ni Minami na hindi maiwasan tumawa kay Tem.

"Paano kung kausapin nya ako tungkol sa mga sinabe ko. Hindi ko naman sinasadya na sabihin yun edi ba totoo naman na inaasar at inaaway mo ko sinumbong ko lang naman yun." sabe ni Tem at tumawa lang ulet si Minami.

Hinawakan ni Minami ang kamay ni Tem at sabay silang pumasok sa loob. "Hi Dad." bati ni Minami dahil gising na nga ito tulad ng sabe ng doctor.

"How are you son?" tanong nito.

"Englishero pala Daddy mo hindi mo naman sinabe." bulong ni Tem.

"Marunong sya mag tagalog." sagot ni Minami.

"Sino ba yang babae na nasa likod mo parang tuko." pagsusungit ng Daddy ni Minami kaya naman lumabas na si Tem mula sa likod ni Minami.

"Hello po. Ako po pala si Tem." nahihiyang pakilala ni nya.

"Tinatanong ko ba ang pangalan mo. Bakit nagpapakilala ka sakin."

Hindi maiwasan ni Minami na tumawa dahil alam nya na hindi naman masungit ang Daddy nya. "Pasensya na po." hinging paumanhin ni Tem.

"Comehere iha." pagtawag nito at lumapit naman si Tem.

"Tama ba yung mga narinig ko kanina?" tanong nito.

"Opo." sagot ni Tem na hindi maiwasan matakot habang tawa naman ng tawa si Minami.

"Kung ganun inaaway ka pala ni Minami gusto mo bang banatan ko sya para sayo?" tanong nito at napangiti naman si Tem dahil hindi pala masungit ang Daddy ni Minami.

"Wag nyo na pong gawin yun kasi nagbago na po sya pero pwedeng pakisakal nalang po sya." biro ni Tem at tumawa naman si Minami maging ang Daddy nito.

Nagpasalamat si Minami kay Tem dahil ito ang dahilan kung bakit gising na ngayon ang Daddy nya. Mas lalong nyang minahal si Tem dahil sa ugali nitong hindi lang mabait magaling pang makisama.

✅ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐓𝐈𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐂𝐄 𝐏𝐋𝐀𝐘𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐓𝐎𝐘𝐎𝐓𝐀𝐌𝐀Where stories live. Discover now