CHAPTER 3

12 3 0
                                    

Nagbabasa si Allen ng mga papeles sa kanyang opisina. Kinakailangan na kasi niya itong pirmahan ng maipasa sa ibang departamento ng kanyang secretary. It's been week pamula ng may makahalikan siya sa club. That wonderful moment keeps bothering his mind. Allen tried so much to forget it, but he always fail.


That girl with expressive eyes that full of playfulness, her perfect pointed nose, and her irresistible pouting lips. Nakatatak ito sa kanyang isip at parang naka-replay button na paulit-ulit sa kanyang utak. That sweet lips of hers. He feels like tasting it again. Dang! Nababaliw na siya. Kasalanan talaga ito ng kaibigan niya. Bakit ba kasi pumayag siya sa dare ng mga mokong na iyon.


Aminin mo na lang kasi Allen na nagandahan ka sa kaniya kaya agad kang pumayag na halikan ito. Para ka ding lasing na lasing na nawala sa sarili ng makasayaw mo ito. Sigaw ng isip niya.


Ibinagsak niya ang papeles na binabasa ng makarinig siya ng malakas na katok. Hirap na nga siyang mag-focus sa trabaho ay may iistorbo pa. Hindi pa man siya nakakapagbigay permiso sa kumatok upang pumasok ay nag dire-diretso na ang kaniyang bisita at prenteng umupo sa visitors chair ng kanyang opisina.


"Really Maureen! Going inside of my office without my effin permission." Sarkastikong sabi niya dito. Ramdam niya kasing kukulitin lang naman siya nito.

"Duh! Tigilan mo nga ako Kuya Allen sa kaartehan mo." She said and glared at him.


"Ano bang kailangan mo? Im busy okay! Sa bahay mo na lang ako kulitin." Iritado niyang sabi sa kapatid. Inignora ito ni Allen at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga reports.


"Hoy! I am here para alugin lang naman yang utak mo. Binalita sa akin Ni Vana na isang Linggo ka ng lutang at napapabayaan mo na ang trabaho mo. Ang company natin!" Maureen hissed but he just continue what his doing. Alam ni Allen na mas lalong naiinis na ito sa kaniya.


"Maawa ka naman sa sekretarya mo Kuya, isang linggo nang ngarag dahil ang ibang trabaho na dapat mong asikasuhin siya ang gumagawa. At isa pa nang dahil diyan sa kalutangan mo na-delay lang naman ang deliver ng mga gamot sa MVR Hospital. Tingnan mo nga 'yang mga papeles sa iyong lamesa tambak na, at di mo pa din na pirmahan." She rant and heaved a loud sigh.


"Kuya Allen makinig ka nga sa akin! Porket magpapakasal na ang bitch, slash sinungaling, slash malandi mong ex-girlfriend at bigo ka ay hihinto na sa pag-process ang utak mo. You have a lot of responsibilities in this Pharmaceutical Kuya. Maraming umaasa na mamamayan na makakuha ng magandang kalidad at epektibong gamot." Pagpapatuloy ni Maureen na nagbigay gatla sa kanyang noo at mapahinto sa kanyang ginagawa.


"What the hell are you talking about? It's just one month passed since we broke up and she's getting married!" Galit na sabi niya dito. Ang haba-haba ng litanya sa kanya ng nakababatang kapatid ngunit yon lamang ang talagang tumatak sa ulo niya.


"Ay grabe siya! OO! Aba ay huwag ka sa akin magalit Kuya. Bakit parang kasalanan ko? Kung makapag-react ka naman parang hindi mo alam. My gosh, it's all over the news." Tugon ni Maureen at inirapan siya.


"Eh hindi ko naman talaga alam!" Madiin na tugon niya dito. Nagdilim ang paningin niya sa galit at parang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Noong tinanggihan ng dating kasintahan ang kasal na inalok niya ay lubos siyang nasaktan. Sa loob ng mahabang panahon na relasyon nila ay ito ang nakita niyang makakasama ng panghabang-buhay. Kaya hindi niya lubos na maisip at matanggap na matapos lamang ng isang buwan ay may kapalit na agad siya sa puso ng dalaga at pakakasalan pa. Talaga namang naapakan ang ego niya.


"I have a favor for you Maureen!" He stated, while wearing his coat and fixing his tie.


"What is it?" She said, and rolled her eyes.

"Since you're also a co-owner of this company. I want you to sign all those papers and give it to my secretary. Vana already knows what to do with it." He said and got his keys.. Allen is in a hurry and he wants to confirm it to himself kung totoo ang sinasabi ng kapatid.


"WHAT! NO! AYOKO! THIS IS ALL YOUR WORK AND I HAVE MINE!" Sigaw nito sa kanya. Napahilot siya sa kanyang sentido sa pagsigaw ng kapatid. Inilabas niya ang kanyang wallet at kinuha ang kanyang black card.


He placed the card in his sister's palm and said one thing he will regret later on. "You have it for one week so do my job. You can buy everything you want with that card. It has no limit." He finally said not letting his sister deny and left his office. Lakad takbo siyang lumabas ng opisina at kinausap ang sekretarya.


"Hey Vana!" Pukaw niya sa sekretarya na nakaharap sa monitor.


"Yes, Sir!" Sagot nito sa kanya ng may ngiti. Vana is petite girl, young, with pretty smile. He can say that his secretary is beautiful but she is like a friend to him. She is smart at walang ibang motibo sa kanya, kaya agad niyang tinanggap bilang sekretarya.


"Assist your Mam Maureen. She will be handling all those papers in the office. I will handle some important matters so I will leave her to you." Habilin niya kay Vana.


"Sige po Sir, makakaasa po kayo." Muling tugon nito na tinanguan niya lang at agadang umalis.

Take a ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon