Chapter One Job Search

13.6K 205 7
                                    


Deann POV
... Sobrang lakas ng ulan kanina, kaya eto basang - basa ako. Buti na lang nakalagay sa plastic envelope yung mga papers ko. Ilang copies ng CVs, birth certificate, school credentials etc. Lahat ng pwede kong dalhin dinala ko na. Para sakali mang matanggap ako sa mga job interviews na mapuntahan ko, diko na kelangan bumalik pa para sa mga requirements.

Kaya lang, magmula last week nakaka apat na job interviews nako pero lahat nauuwi lang sa "We'll call you." Wala namang tumatawag.

Hindi naman sira ang CP ko.

Ano ba yan?
"Lord, bigyan mo naman ako ng chance. Kahit di naman ako magaling, promise masipag po ako. At lalo ko po sisipagan talaga. Please Papa God, magkawork napo sana ako."
Dasal ko habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ayala Ave. Kakagaling ko lang sa isa pang interview at as usual kulelat na naman ako. At sa  sobrang panay malalaking building ang nakikita ko naliligaw nako.

Huhubels.

Kundi lang ambisyosa yung nanay ko ok na sana ako sa tindahan ni Aling Miling. Libre lahat. Lunch, meryenda, dinner. May bonus pang chismis pag nagkakasabay bumili si Aling Rosa at Aling Elsa. Pag sinuswerte pako saktong nagmemeryenda ako ng chichiryang bangus at softdrinks dun pa sila nagku kwentuhan tungkol sa nahuling kabit ni Maning na sinabunutan daw ng asawa nitong si Pina. Kaso natulak ng kabit kaya ayun nakagat daw ng aso sa pwet.

"Hay ano ba yan! Kung ano- ano nasa isip mong babae ka. Trabaho at interview ang isipin mo hindi yung chismis sa lugar nyo"
Gusto ko na talaga batukan ang sarili ko.

Kaya lang may napansin akong matandang lalaki na patawid kahit green light pa, napakaripas tuloy ako ng takbo.

"Lolo! Lolo! Lolo!!!!!!!"
Nahablot ko agad si Lolo sa braso at nadala sa gilid ng kalsada bago pa man may dumaan na mabilis n sasakyan.

"Ok lang ba kayo? Wala ba kayo kasama? Muntik napo kayo madisgrasya..." nag aalala kong tanong sa matandang lalaki. Tancha ko mga nasa 70 to 75 yrs old n siya. Nakatungkod ito at mukang medyo hirap na maglakad. At may pagka masungit ang mukha.

"Salamat iha. Niligtas mo ang buhay ko." Napa ngiting sabi nito.

"Ok lang po yun. San po ba kayo pupunta? Ihahatid ko na lang po kayo." Offer ko kahit na ang totoo makukurot na ng nanay ko ang singit ko pag di pako umuwi.

"Kuwan...gusto ko sana kumain ng burger jan sa jollibee," sabay turo sa Jollibee sa kabilang kalsada.

"Ay ganun po ba? Tara na ihahatid ko na lang kayo dun para sure akong ligtas kayo makapunta duon." Bahagya ko siyang hinila papunta sa tamang tawiran.

"Eh bakit po nag iisa kayo? Wala po ba kayong pwede makasama para kumain sa labas?" Usisa ko. Medyo nag alala ako sa matanda kasi hapung-hapo ang itsura niya, para bang buong araw na siya naglalakad. Panay talsik na din ng putik ang suot nitong pantalon at tshirt. Kahit ang mga kamay nito ay madaming dumi.

Pagdating namin sa Jollibee ay humanap kami agad ng mauupuan, mabuti na lang at walang masyadong kumakain.

Fries, burger at pineapple juice ang inorder niya. Kamot ulo na lang ako kasi wala pala siyang pambayad. Kaya ang ending nahugot ko ung tinatabi kong 200 pesos sa bra ko para maiorder ko siya. Umorder na din ako kasi gutom na din talaga ako.

"Saan po ba kayo nauwi?" tanong ko sa kanya.

"Diyan lang sa Bel-air."

Napatanga ako at napa isip. Bakla ba tong matandang to? Sa balur daw siya nakatira which is gay lingo ng "bahay".

"Hmmm, lolo san po ang balur ninyo?"

"Ha?" napuno ng kalituhan ang mukha ng matanda.

"Yung bahay nyo po saan banda?" Medyo nilakasan ko yung boses ko baka medyo bingi na yung matanda.

"Ah. Diko na din matandaan iha. Pero yung anak ko nagta trabaho jan" sabay turo sa malaking building sa tapat namin. Napatingala ako, tila inaarok ko kung gaano kataas ang building.
"Papunta nga dapat ako sa kanya, kaya lang nakita ko yung Jollibee at nagutom kaya dito na muna ako dumiretso."

Napataas ang kilay ko, " sa sobrang gutom nyo muntik nyo ng ialay ang buhay nyo kay Jollibee"
syempre sa isip ko lang yun. Baka bigla pako paluin ng tungkod niya pag nasabi ko pa yun ng malakas.

Pagkatapos namin kumain ay agad akong niyaya ni Lolo sa building kung saan nagta trabaho daw ang anak niya. Hindi ko na naintindihan yung mga kwento ni Lolo kasi naman nag-aalala nako sa oras. Mag aalas sais na, malayo pa ang uuwian ko. Baka ma stuck ako sa traffic.

Pagdating namin sa JQ Tower dumiretso agad siya sa entrance. Napahinto ako, baka kasi hindi kami papasukin ng mga guwardiya. Mukha pa namang masusungit.

"Sir Julio!" gulat na sabi ng isang guwardiya. Agad itong nagsalita sa walkie talkie niya. "Sir Mark andito sa baba si sir Julio."

"S-sir?" nagtaka na naman ako, lalo na ng makita kong halos magpanic ang mga gwardiya di magkamayaw sa pag asikaso sa matanda.

Bigla namang lumingon ang matanda at tinawag ako. Iwinagayway pa ang tungkod sa akin.

"Iha! Halika na samahan moko."

I love you, CaregiverWhere stories live. Discover now