Chapter 6 - Liking koreanovela

4.8K 103 2
                                    


Deann POV

Hindi naman pala mahirap ang trabaho ko. Dahil ang personal nurse ni Sir Julio na si Nurse Loren ang tutok sa pag aalaga talaga sa kanya. Ang ginagawa ko lang ay bantayan ang matanda, nakikipag kwentuhan. Samahan ito sa morning walk niya sa malawak nilang garden. Minsan lalo na kung busy din ang nurse niya ako na ang nag aasikaso ng pagkain nito. Nag re ready ng gamit pagtapos nito maligo at magligpit na din ng kaunti sa kwarto nito.

Masayahin si Sir Julio. Hindi mo mararamdaman na multi milyonaryo sila, lalo na pag nakasumpong ito ng pag kwento.

Napakaraming kwento nito tungkol sa asawa at anak niya. Kung minsan pa nga ay pinapa tignan niya sakin si Sir Benedict masyado daw kasi itong malikot at baka mahulog sa hagdan. Ito yung mga panahong nakasumpong ang sakit nito.

Napapangiti na lang ako, naaawa ako sa kanya dahil busy ang kanyang nag iisang anak sa negosyo nila. Pero hindi naman siya pinapabayaan. Araw araw bago umalis si Sir Benedict naglalaan muna ito ng oras para sa Daddy niya. Ganun din pagdating nito galing office. At lagi nitong sinisiguro na maayos at kunportable ang Daddy niya.

Minsan, binabasahan ko ito ng libro bilang pampatulog niya. Nang tignan ko siya nakita kong nakanganga na ang matanda. Kaya inilapag ko na ang libro sa side table ng kama niya. Nahagip ng mata ko ang TV na nasa kwarto ni Sir Julio.

Pagbukas ko ay agad kong nilagay sa Asianovela Channel. Gustong gusto ko kasi ang mga koreanovela. Hininaan ko lang iyon para di maka istorbo sa pagtulog ng matanda.

Tawa ako ng tawa sa palabas pero impit lang. Maya maya pa ay nagulat ako ng magsalita si Sir Julio.

"Lakasan mo nga ng kaunti Deann diko marinig yung sinasabi nila."

Sa sobrang gulat ko ay napatay ko ang TV.

"S-sorry po Sir Julio." Lumapit ako agad sa kanya.

"O bat pinatay mo? Nakikinuod ako eh at mukang nakakatuwa ang palabas. Aba'y kanina ka pa humahagikgik jan." Nakangiting sabi ni Sir Julio.

Agad ko namang binuhay ang TV, hindi nako nagpa kyeme pa dahil sinusubaybayan ko talaga yung palabas. Nilakasan ko na din ng kaunti para marinig nito.

Maya-maya pa ay pareho na kaming tawa ng tawa sa kalokohan ng mga bida sa koreanovela. Nagpakuha pa ng meryenda si Sir Julio sa Nurse niya, ginutom daw siya sa pagkain sa palabas.

Pare-pareho na kaming nag - enjoy sa pinapanuod namin. At di namin namalayan ang pagdating ni Sir Benedict.

"Eherm...Dad mukang nag eenjoy ka sa pinapanuod mo ah." Lumapit ito sa ama at humalik.

"G-good afternoon po Sir Benedict." Sabay naming bati ni Ate Loren, ang nurse.

"Hi."tango nito samin.

"Hijo, eh nagising ako sa hagikgik ni Deann kaya naki nuod nako. Maganda naman ang palabas." Nakangiting sagot ng matanda.

"Hmmm...ayos yan para narerelax ka Dad."

" How are you?" Tanong ng matanda sa anak.

"Im fine, but I have an important business meeting sa Hongkong."

"I see. And when are you leaving?"

"Tomorrow. The meeting's the next day so I've prepared everything for my flight tomorrow."

"You take care, ok?"

"Of course Dad." Tumingin sa amin si Sir Benedict " kayo na muna ang bahala kay Dad. Please make sure na di siya mawala uli sa paningin nyo."

"Yes Sir." Sabay kami ni Nurse Loren

"Siya nga pala Sir," sabi ni Nurse Loren "sa makalawa napo darating yung kapalit ko. Baka hindi napo tayo magpang abot pag uwi ninyo."

"Ah ganun ba? O sige, ipapa ayos ko lahat kay Conrie lahat ng compensation mo. Siya na din ang bahalang kumontak sayo."

Tumango si Nurse Loren. Saka ito bumaling sa akin.

"Deann, is it ok for you to stay here this weekend? Of course Dad needs someone he trusts to be with him."

"Yes po sir, pwede naman akong tumawag na lang muna sa nanay ko."

At natunaw na naman ang puso ko sa ngiti ni Sir Benedict. Umawit ang mga anghel, namulaklak ang mga halaman at sumabog ng confetti. Nagkaron ng rainbow sa kwarto ni sir Julio

"Uy, wala na si Sir Benedict, nakanganga ka pa jan." Siko ni nurse Loren sakin

Namula ako sa kahihiyan, lalo na dahil pinagtatawanan din ako ni Sir Julio.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Naiisip ko kasi si Sir Benedict, 3 days daw siyang mawawala dahil sa meeting niya sa ibang bansa.

Nalulungkot ang puso ko. Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. At sa kakaisip ko nalimutan kong maikling shorts at tank top lang ang suot kong pantulog. Hindi man lang ako nakapagtakip kahit tuwalya. Nang maalala ko ay agad akong pumanik papunta ng kwarto ko.

Pero diko sukat akalain na makakasalubong ko si Sir Benedict sa hagdan.

I love you, CaregiverWhere stories live. Discover now