Chapter 17 The End

5.5K 116 23
                                    


Deann POV

Hindi ko akalain na matutupad pa ang pangarap kong maikasal kay sir...este kay Benedict.

Nang malaman niyang anak niya si Bennet, hindi na niya kami iniwan. Hanggang sa pwede na kaming bumyahe. Siya na din ang namili ng pangalan nito.

Dean Bennet Qampos

Kita kong maligaya siya sa mga nalaman niya. Hindi na din naging masungit pa si Nanay kay Ben. Ayaw daw niyang ipagkait sa apo niya ang magkaroon ng tatay. Nangako naman si Ben sa Nanay ko na hindi kami pababayaan at hindi na mauulit pa ang nangyari nuon.

Nang bumalik kami sa Maynila sa mansyon na kami tumuloy ni Bennet. Sayang saya naman ang matandang don ng makita ang apo. Napayakap pa sa akin.

"Salamat Deann, nakita ko muna ang apo ko bago ako pumanaw."

"Dont say that Dad."niyakap ni Ben ang Daddy niya.

Nangiti lang ako.

"Ano pang hinihintay ninyo? Planuhin nyo na ang kasal ninyong dalawa." Sabi pa nito sa amin.

Pareho na lang kami natawa ni Ben.

Pagpanik ko ay dumiretso ako sa dati kong kwarto.

"That room is locked." Pinakita niya ang susi." Kiss me and I will give you this."

Agad ko naman siyang hinalikan.

"Wala akong pinagalaw jan. Even the bedsheet or your stuff inside the cabinet."

"Alam ko,"kibit balikat na sagot ko. Binuksan ko ang cabinet at niladlad ang mga gamit ko sa kama. Tumambad sa kanya ang mga pregnancy test kit na ginamit ko nuon.

"What?"

"Binasa mo din ba yung letter na pinabigay ko kay nurse Kim?"

"Yeess.." nagtataka siya.

"Sa pagkaka-alala ko may sinabi akong salamat sa pinakamagandang regalo mo sa akin. Pero bat wala kang clue na anak mo si Bennet?"

"I was blinded with jealousy and pain. I thought your cousin was your husband and the father of Bennet."

"Sus ang boyfriend kong seloso,"

"Boyfriend? Were engaged. So Im your fiancè."

Irap na lang ang sagot ko sa kanya.

"What's with the sullen look?" Binuhat niya ako at hiniga sa kama.

"Anong gagawin mo?" Nanlalaki mata ko dahil may gusto siyang gawin.

"Cmon Baby, its been a while since we made love." Sabi nitong namumungay pa ang mata.

"Yung anak mo,"

"He'll be fine. All their attention is on him."

"Hmmp... kahit kelan ka talaga." Hindi nako tumanggi pa. Sabik din naman akong makasama siya.

"Lets make another baby girl." Sabi pa ni Ben.

"Andami mo namang sinasabi.." hinalikan ko siya at madali kong tinanggal ang mga damit niya.

Natawa naman siya sa ikinilos ko. Saka namin tinuloy ang gusto ng mga puso namin.

--------------------------------------

Simpleng kasal lang ang idinaos namin. Kasama ng mga malalapit na kaibigan at pamilya.

Masayang-masaya naman kami dahil magmula ng dumating si Bennet sa mansyon ay bihira ng sumpungin ng sakit niya si don Julio.

Kaya naman, masyang masaya kami ni Benedict.

I love you, CaregiverWhere stories live. Discover now