Deann POV
Maraming araw pa ang lumipas at going strong pa din kami ni sir Benedict. Mas lalo naming naiintindihan ang isa't isa. Sa bawat tampuhan namin at pagbabati mas lalo naming minamahal ang isa't-isa.Patago pa din kaming magkasama tuwing nasa mansyon kami. Pero malaya naman kaming maglambingan kapag dumadalaw siya sa bahay. Dahil ultimo mga kapitbahay namin, alam na boyfriend ko siya.
Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Kuntento ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Hinihiling ko na lang sa Diyos na wag ng magbago ang lahat. Lalo na ang nararamdaman ni sir Benedict para sa akin.
Isang araw, may dumating na magandang babae sa mansyon. Humalik ito kay sir Julio. Elegante ito manamit, at parang may kaya din sa buhay.
"Hi Daddy," saka nito ikinawit ang kamay sa braso ng matanda.
"Do I know you?" Tanong ng matanda sa babae.
"Dad naman, its me Zoe. Girlfriend ni Benedict."
Napamaang ako sa sinabi niya. Naalala ko ang pangalan niya, at alam ko na din kung sino siya.
"Hi, can you get me a juice please." Utos pa nito sa akin. Nabigla man ay mabilis akong sumunod sa utos niya. May kung ano siyang awra na kinatatakutan ko.
Pagka abot ko ng juice ay tinanong niya ako kung anong oras ang uwi ni sir Benedict.
Napatingin ako sa relo ko, napansin kong nanginginig ang mga kamay ko.
"P-pauwi napo yata yun, m-mam." Sagot ko.
"Ganun ba? Uy favor naman, paki-akyat ang mga maleta ko s kwarto niya." Nginuso nito ang mga maleta niyang nasa bukana ng main door. "Thank you."
Muli na naman akong sumunod sa utos niya, pero tinulungan ako ni manang Lita. Napapayuko na lang ako, kinakagat ko ang labi ko, ayokong maiyak dahil kasunod ko si manang Lita. Baka makahalata siya.
Pagkalapag ko ng maleta sa kwarto ni sir Benedict agad akong nagpunta sa kwarto ko. Tinext ko si nurse Kim na magbabanyo lang saglit. Pero umiyak ako ng umiyak sa banyo.
"WHAT ARE YOU DOING HERE???!" Dumadagundong ang boses ni sir Benedict pagbaba ko. Napa-atras pako dahil nagulat din ako sa malakas niyang boses.
"Honey, dont get mad at me na please." Tila walang anuman para kay mam Zoe ang malakas na boses ni sir Benedict.
Hinawakan siya ni sir Benedict sa magkabilang braso.
"Dont you fucking touch me!" Saka nito tinulak ang babae. " Manong Fidel!" Malakas na tawag nito sa driver nila.
"Throw this woman out of my house. I dont need trash in here." Utos pa nito.
Dali namang lumapit si manong Fidel kay mam Zoe.
"You dont have to," pigil nito kay maning Fidel " aalis ako dito. Pero etong tandaan mo. You will never see me or your child ever again."
Nakita kong napanganga si sir Benedict.
"Yes Benny, buntis ako." Naiiyak pang pahayag nito." Dont you remember? When you were in Cebu? How you made love to me all night long?"
Napatalikod ako, umakyat ako uli sa kwarto ko. Nagtext na lang uli ako kay nurse Kim na sumama ang pakiramdam ko.
Wala nakong alam sa naging eksena nila sa baba. Dahil para akong nahilo sa mga narinig ko. Iyak na lang ako ng iyak sa banyo.
Kinagabihan, hindi na din ako sumabay na kumain sa kanila. Pero pinagdala ako ni nurse Kim ng hapunan.
"Masama pa ba pakiramdam mo? Tanong nito.
"Oo eh, nahihilo ako."
"Hindi mo ba natake yung eksena kanina?"
YOU ARE READING
I love you, Caregiver
RomansaA story about a simple girl who fell in love with her ceo boss. She saved his Dad and she got a job. But what will happen when she fell in love with her boss? *** Please bear with me, I am new to writing. As this is my veeery first time topublish...