Chapter 5 - Stay in

5K 99 0
                                    


Deann POV

Lunes.

Pinasundo ako ni Sir Benedict sa driver nila. Nakakatuwa, feeling priority ako. Kanda haba tuloy ang mga leeg ng mga kapitbahay kong semi at over chismosa.

Para na namang armalite ang bibig ng nanay ko. Napakadaming bilin, akala mo naman sa ibang bansa ang punta ko. Parang naiiyak pa siya.

Napa ikot tuloy ang mata ko sa sobrang OA ng nanay ko.

"Ma naman. Sa Makati lang ako, 2 oras na biyahe lang makaka uwi nako. Sige na Mama, aalis na kami. Babay na, I love you."

Hinalikan ko sa pisngi nanay ko, sa totoo lang ngayon lang kami magkakahiwalay ng nanay ko.

Magmula ng iwan kami ng tatay ko, kami na lang dalawa ng nanay ko ang magkasama sa buhay. Hindi na din nag asawa pa nanay ko sa takot na baka pagmalupitan lang kami ng mapangasawa niya o di kaya ay iwan lang din tulad ng ginawa ng tatay ko.

Nagpaalam lang ito na magta trabaho sa Maynila pero hindi na bumalik. 10 years old ako nung iniwan niya kami. Kaya magmula nuon, nawalan din ako ng tiwala sa ibang lalaki.

Masyadong nalunod ang isip ko sa nakaraan kaya nagulat ako ng pumasok kami sa isang exclusive subdivision.

"May ganito pala sa Makati, akala ko panay building lang." usal ko sa sarili ko.

Malalaki ang mga bahay dito. May malalaking gate at bakod pa nga ang iba.

"Wow, sobrang yaman siguro ng mga nakatira dito." sabi ko na naman sa sarili ko.

Di na yata nakatiis si manong driver at sumagot na,
" Dito nakatira yung ibang pulitiko. May mga artista din nakatira dito yung mayayaman."

"Ibig mo bang sabihin manong mayaman si Sir Benedict?" usisa ko.

Natawa ito at... " Dimo ba alam? Sila ang may ari ng Banco de Manila at ng SRB Corporation. Mayaman ang mga Qampos. Simple lang sila at hindi mapagmataas pero napakayaman nila. Sila ang may ari ng JQ Tower. May ibang building din sila sa Quezon City at Pasig City.

Napanganga na lang ako sa mga sinabi ni manong driver sakin. At nanliit ako, sa decription niya parang nasa langit sila at ako naman nasa lupa.

Kinilabutan ako sa naisip ko, pinagpapantasyahan ko ba si Sir Benedict?

Diko naman maikakaila na crush ko na siya nung unang kita ko palang. Pero hanggang dun na lang siguro yun. Malabo pa sa mata ng Daddy niya na magkagusto sakin si Sir Benedict.

Mas lalo pakong nanliit ng pumasok kami sa isang malaking gate. Isang malawak na hardin muna ang dinaanan namin saka kami huminto sa garahe.

May sumalubong sa akin na matandang babae na naka unipormeng dilaw.

"Magandang umaga Ineng." bati nito sakin. " Ako si Manang Lita, ako ang mayordoma dito sa mansion de Qampos. Nasabi na ni Benedict sa akin ang tungkol sayo. At pina ready na niya ang kwarto na malapit sa kwarto ni Don Julio."

"Magandang umaga po, Manang Lita. Ako po si Deborah Ann. Deann n lang po itawag nyo sakin."

"Kilala mo na si Manong Fidel ang driver dito at aking asawa." nagkatanguan kami ni manong fidel.

Agad kong kinuha ang mga gamit ko na inabot ni manong Fidel at sumunod kay manang Lita. Dumaan kami sa likod ng mansyon. Kung saan nanduon ang isang malaking kusina. Pumasok kami sa screen door at pumasok naman kami sa isa pang kusina na mas maganda at sosyal tignan. Ginto ang lahat ng hawakan ng cabinet na kulay puti. Kahit ang gripo kulay ginto din habang ang tiles naman ay puting marmol na may liit liit na disenyo ng ginto at gray na nakalagay sa parang malaking lamesa na nasa gitna ng kusina. May mga stool naman sa kabilang bahagi ng lamesang yun.

Namangha ako sa sobrang ganda ng kusina.

Sinundan ko si manang papunta sa hagdan sa gilid ng kusina.

"Gusto ni Benedict malapit ka sa kwarto ng Daddy niya para madali mong mapuntahan ito anumang oras.

Tumango lang ako.

I love you, CaregiverWhere stories live. Discover now