10
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa nanay kong naka nganga na habang mahimbing ang tulog.
Pasado alas dyes na sa relo namin, hindi pako makatulog dahil hinihintay ko si sir Benedict. May sanib yata kaya kahit gabi na nagpumilit na bumyahe papunta dito sa amin.
Pero aaminin ko,iba ang sayang nararamdaman ko. Sobra ang kilig para akong mamamatay. Napahawak pako sa dibdib ko ng maalala ko yung eksena sa kwarto ni sir Benedict.
Papunta nako sa kwarto ko nun ng marinig ko yung bumagsak na baso sa kwarto ni sir Benedict. Kaya napahangos ako, pagbukas niya agad ko naman nakita yung dugo kaya binalot ako ng pag-aalala.
Pero hindi ko akalain na yun na ang gabing pinaka hihintay ko. Ang matikman ang halik ng lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Dahil unang halik hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, iba-iba ang emosyon na naramdaman ko ng gabing iyon. Masaya na natatakot ako,kasi marahas ang halik ni sir Benedict. Parang galit na nagmamadali. Basta, diko ma-explain. Nasaktan ako sa unang halik niya, pakiramdam ko kasing laki ng muka ko yung mga labi ko pagkatapos niya ako halikan.
Pero ng muli niya akong halikan, mas mahinahon na. At mas masarap. Kusa na ding sumagot ang labi ko sa mga halik niya. Napahawak pako sa balikat niya. Hanggang sa naramdaman kong pahigpit ng pahigpit ang yakap niya. Dikit na dikit na din ang mga katawan namin. Nang maramdaman kong mula sa batok ko lumipat ang isang kamay ni sir Benedict loob ng suot kong blouse ay pinigil ko na siya. Lahat ng timpi hinanap ko sa sarli ko, dahil may part sa akin na gusto na lang magpatuloy, bahala na kung saan mapunta ang halikan namin. Pero yung katinuan ko ginising ako sa katotohanan na hindi dapat. Unang halik ko palang dun na ba agad ang ending?
Halata namang, disappointed si sir Benedict ng pigilan ko siya, pero hindi naman siya nagpumilit. At laking pasalamat ko, napakarupok ko pa naman.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng mag-vibrate ang celphone ko. Nasa labasan na daw namin si sir Benedict. Kaya maingat akong lumabas ng kwarto namin ng nanay ko. At pinuntahan siya.
Paglabas ko, nakita ko siyang nakasandal sa tabi ng kotse niya. Nakasimpleng t-shirt na puti lang ito shorts at tsinelas. Napaka simple, pero elegante pa din.
"Sir Benedict, pasensya napo hindi kita mayayaya sa bahay, tulog na kasi nanay ko. Saka baka paghinalaan pako."
"Hmm, sige next time na lang ako magpapakilala sa nanay mo,"
Napatingin ako sa sagot niya sa akin. Mabuti na lang at gabi na kaya d na masyadong kita ang pamumula ng pisngi ko.
"Ayos lang ba sa loob na lang tayo ng kotse mag-usap?" Tanong nito.
Alangan man ako, tumango na lang ako. Ayoko din sa labas kami mag usap dahil baka may makakita sa amin na tsismosa naming kapitbahay, isumbong pako sa nanay ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ni sir Benedict. Pagsakay niya ng kotse agad niya akong niyakap at hinalikan na naman. Grabe naman katakawan nito sa halik, naisip ko. Pero wala naman akong reklamo. Gusto ko din naman ang mga halik niya. At kaya pala sa likod kami sumakay at hindi sa harapan.
"Sir, kala ko b may ibibigay ka lang?"
"Ah, oo nga." Inabot niya yung paperbag na nasa upuan katabi ng driver seat. Agad niyang nilabas ang maliit na kahon. Hindi ko man masyadong maaninag dahil madilim alam kong napakaganda nun. Isinuot niya sa akin ang kwintas. Saka niya ako muling hinalikan bigla.
"Salamat sir."
"Sir?!" Natatawang tanong nito. "Nakarami ka na ng halik sa akin, sir pa din ang tawag mo sa akin?"
"Ha? Eh nakaka-ilang kasi na tawagin kang Benedict lang."nakayukong sagot ko.
"Hmmm, sabagay pakiramdam ko si Dad ang tumatawag sa akin." Sang-ayon nito. "How are you?" Pag-iiba nito ng usapan. "Masakit pa ba ang labi mo sa halik ko kagabi?"
YOU ARE READING
I love you, Caregiver
RomanceA story about a simple girl who fell in love with her ceo boss. She saved his Dad and she got a job. But what will happen when she fell in love with her boss? *** Please bear with me, I am new to writing. As this is my veeery first time topublish...