Chapter 5

8.7K 12 2
                                    

Charles Michael’s POV

“ okay Guys, break muna “

Sabi ng Concert Director sa amin, nag re rehearsal kasi kami sa darating na Concert ko.

“ ang galing mo Charles, walang duda dahil sa galing mo sikat na sikat ka na talaga “

Sabi sa akin ni Kuya Jino yung Voice Coaches ko

“ Thank you Kuya Jino “

Umupo muna ako then biglang nag ring yung phone ko.

[ Sabrina’s Calling….. ]

“ Babe… na mimiss na kita ehh.. “

“ Sabrina, may rehearsal pa ako, ano ba? “

“ I know, namimiss na kita ehh kaya nga papunta na ako diyan.. Wait for me babe “

“ huh? Ano ba?!! Wag kang pumunta di---“

“ see you babe “

Nakakainis talaga tong si Sabrina

Pumunta muna ako ng Restroom. Pagkalabas ko nakita ko na si Sabrina na tinitingnan yung Poster ko para sa Concert. Lumapit ako sa kanya.

“ Charles Michael Arcega, The Teen King of Music, Live! At The Music Center II Colliseum “

Binasa niya yung nasa Poster tapos humarap siya sa akin. Cinongrats niya ako tapos yinakap.

“sige, Sabrina… may rehearsal pa ako huh “ tapos iniwan ko na lang siya

---------------------------------------------

Pagkatapos ng rehearsal namin ay lumapit sa akin si Sabrina.

“ Babe, let’s go! “

“ Saan naman tayo pupunta? “  naiinis kong sabi

“ Kakain tayo “

Tapos hinawakan niya ako sa kamay at nagsimulang maglakad then dinala niya ako sa may kotse niya

“ Teka, gagamitin natin yang kotse mo, dala ko rin ang sasakyan ko “ naiirita kong sabi

“ babe, nandyan naman ang driver mo.. Siya na ang bahala dun “

Tapos pinagbuksan niya na ako ng pinto. Pumasok na ako tapos tiningnan ko siya ng masama. Pagpasok niya sa kotse ay linapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

“ babe--- “  dinampi niya yung lips niya sa pisngi ko tapos hinihila pa niya ang coat ko

“ Sabrina, ano ba?!! “ tumungo ako ng tingin at humarap sa window ng kotse

Bumalik siya sa kinauupuan niya at hinawakan ang manibela

“ Charles, bakit ka ba ganyan!? Huh? “ tapos humarap siya sa akin

Pero hindi ko siya pinapansin

“Ano ba, may nagawa ba akong masama huh! Please sagutin mo ako! “ naiiyak niyang sabi

Humarap ako sa kanya

“ Saab, wala kang ginagawang masama… “

“ ehh, wala pala! Bakit ganyan mo ako itrato? Mahal mo pa ba ako?“ pasigaw niyang sabi

Hindi ko na talaga siya mahal, dahil hindi na siya ang dating Sabrina na bestfriend ko at minahal ko noon. Ibang iba na siya simula noong naging kami. Pero hindi ko talaga  dapat siyang hiwalayan.

Hinawakan ko na lang siya sa kamay at tinitigan ko siya

“ Im Sorry Saab “  then hinalikan ko siya sa lips, kahit man labag sa kalooban ko

The 18 year old WidowWhere stories live. Discover now