Concert day
Narito kami ni Jhanell bestfriend ko, sa may Venue ng concert ni Ezekiel.
Nakahanda na ang lahat marami na ring tao na nakaupo. 10 minutes na lang magsisimula na ang Concert ni Ezekiel.
25 minutes later… Bakit kaya hindi pa nagsisimula? Tiningnan ko ang mga audience nayayamot na sila.
“ Jhanell, bakit hindi pa nagsisimula ? “
Kabado kong tanong kay Jhanell
“ Filipino Time, Caroline intindihin mo na “
Sabi niya sabay subo nung potato chips
Siguro nga, pero kinukutuban ako ng masama ehh. Hindi ko alam, bakit kaya?
10 minutes pa ang nakalipas pero wala pang Ezekiel ang lumalabas.
May biglang lumapit sa akin na babae na may headset with micro. Mic.
“ You are Caroline? Girlfriend of Ezekiel right? “
Hindi pa alam nila na asawa ko na si Ezekiel kaya tinanong niya kung girlfriend ako ni Ezekiel. Teka bakit niya kaya natanong?
“ yes, Bakit, sino sila?”
Sabi ko
“ Ako ang Music Director sa concert na to, May I ask if nasaan naba si Ezekiel hindi namin siya ma contact ..Dapat kanina pa magsisimula ang concert ehh wala pa siya “
Sabi nong Director.
“ sige po, tatawagan ko siya “
Parang sasabog ang puso ko sa kaba.
“ sige Caroline… tawagan mo na siya, sabihin mong magmadali na siya!! “
Pasigaw niyang sabi at umalis na siya. Nagagalit na ang director sa kanya asan na kaya yon?
“ Jhanell, dito ka muna punta lang akong Comfort Room, tatawagan ko si Ezekiel “
Tumayo na ako
“ sige… “
Hindi pa ako nakakarating ng Comfort room para matawagan si Ezekiel ng biglang nag ring ang phone ko. Siguro si Ezekiel na to.
Tiningnan ko ang phone ko. Si Ezekiel nga. Tumakbo na ako papuntang Comfort room dahil maingay dito sa na pwepwestuhan ko.Pagdating ko sa CR, agad kong sinagot ang tawag.
“ HELLO!! miss, kung gusto mong makita itong si Ezekiel na to,puntahan mo siya dito ”
Hindi si Ezekiel, ibang boses ng lalaki ang naririnig ko.
“ Anong ginawa niyo sa kanya huh!!! Huhu, asan kayo ? “
Umiiyak na ako, baka anong gawin nila kay Ezekiel ko.
“ Caroline………. Tulungan mo ako!! “
Boses ni Ezekiel yun.
“ oh.. miss tulungan mo daw siya kaya pumunta ka na dito sa The Music Center.. Kundi……………………… “
Tot tot tot~
Naputol na yung tawag.
Tumakbo na ako papuntang Music Center, marami ang tao kaya nahihirapan akong makatakbo. Dahil halos nawawala na ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari ay tinulak ko na ang mga taong nadadaanan ko para makaraan ako. Hindi ko na inintindi ang pinag sasabi nila.
“ hoy.. miss!! Wala tong ugali !! “
Sabi pa noong isa, hindi ko na sila papatulan. Mas importante na makapunta ako agad kay Ezekiel.
Pagkatapos kung makaalis sa Venue ay agad akong tumakbo papunta kay Ezekiel. Grabe na talaga ang puso ko parang sasabog na.
“ huhuhu, Ezekiel hintayin mo ako please! “
Wala na akong pakialam kahit naiwan ko na ang sandals ko.Umiiyak na ako habang tumatakbo ng bigla akong nakabundol ng isang lalaki.
Natumba ako at natumba rinsiya. Agad akong tumayo kahit may sugat ako sa tuhod.
“ ano ka ba naman! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! “ sinabi ko yun sa kanya habang humahagolgol ako
“ sorry miss, hindi kasi ako nakakakita “ tapos kinakapa niya yung tungkod niya.
Tinulungan ko na siya para makatayo at ibinigay ko sa kanya ang tungkod.
“ mag iingat ka!!! “
Sabi ko.
At agad akong tumakbo papunta kay Ezekiel.Makalipas ang 20 minutes narating ko rin.
Madilim sa Music Center. Naaaninag ko lang ang isang flashlight siguro nandoon sila. Wala na akong sinayang na oras agad akong pumunta sa loob. Pagbukas ko ng pinto hindi ko inaasahan, nakapikit at nakaupo si Ezekiel sa upuan at may mga tali ang katawan niya, duguan siya.
Bigla akong tumakbo sa kanya.
“ Ezekiel… ano ba ang nangyari sayo! Huhu, gumising ka!! “
Awang awa ako sa kalagayan niya.
Bigla siyang dumilat
“ eze… wag mo akong iwan, uwi na tayo.. wag kang bibitaw huhuhu “
Sabi ko habang inaalis ko ang pagkatali niya sa upuan.
“ mahal na mahal kita Caroline! “
Sabi niya tapos may mga dugong lumalabas sa bibig niya.
“ Ezekiel, mahal na mahal rin kita.. lumaban ka!! Wag muna ngayon huhuhu “
Yinakap ko siya.
“ hindi ko na ka--- “
Bigla siyang sumuka ng dugo
“ kaya mo yan Eze.. huhuhu “
Hinalikan niya ako sa labi kahit duguan siya.
“ pa—paalam, I love y—“
Bigla na siyang pumikit
“ hindi… hindi Ezekiel!!!!!!!! “
Yinuyogyog ko siya..
“ eze!! “
Then wala na siya :( Dito nagsimula ang karbaryo sa buhay ko.
~~~END OF FLASHBACK~~~
Dahil sa mga pangyayari na yon nag change ako ng image na dati na sobrang ikli ng buhok ko ay pinahaba ko na siya ngayon at kung dati ay ni minsan hindi ako naglalagay ng make up, ngayon halos hindi ako lumalabas ng bahay pag wala akong make up. Naging iba na rin ang taste ko sa pag susuot nang mga damit na kung dati ay panay ang suot ko ng mga mahahabang sleeves ay ngayon palagi na akong naka sleeveless. Maraming naging epekto sa akin noong nawala si Ezekiel sa buhay ko.Ginawa ko rin to para hindi rin nila ako intrigahin at pag usapan dahil dito hindina ako nakikilala ng mga fangirl
