Reign Caroline Tan's POV
Nasa Library kami ngayon ni Nica.
" Carol, bat ganyan itsura mo? Ano bang pinagagawa mo kagabi at parang antok na antok ka jan? " sabi sa akin ni Nica
" Ehh, may tinapos kasi akong dalawang poem then tinapos ko na rin yung ki no compose kong kanta "
" para saan naman yun? " tanong niya
" basta... " Sabi ko na lang, syempre alangan naman na sabihin ko sa kanya na para kay Ezekiel yung ginawa kong poem at kanta ehh di mapapahamak pa ako nito.
" ito naman, tinatanong ehh " inis niyang sabi sa akin " issshhhh... ewan ko sayo, tingnan mo na nga yang sarili mo para ka nang zombies " sabi pa niya
" Nica, gumawa ka lang dyan nang kung ano anong blah blah yung hindi ka ma bobored " sabi ko
" Ano? Ano bang pinagsasabi mo? "
" mag iiglip lang ako sandali, puyat na puyat pa rin kasi ako ehh "
" Shaah.. sige na nga 30 minutes lang, may klase pa tayo "
" ^_____^ thank you friend, I love you!! "
" oh, sige matulog ka na " Hiniga ko na yung ulo ko sa desk.
---
" AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!! " bigla akong nagising sa ingay nayun, pato yan wala pa ngang 20 minutes yung tulog ko T.T
Pagharap ko ng tingin, wala na si Nica asan na kaya yung aswang nayun di man lang ako ginising or nagpa alam. Tiningnan ko ang paligid, wala ng tao sa library, wait may ano ba? Hala! Baka may sunog? Lindol? May Dinosaur or may World War III? Nag papanic na ako kaya inayos ko agad yung mga gamit ko Nagpapanic na ako kaya lumabas na ako ng library.Pagkalabas ko ay tumakbo ako agad sa may corridor.
" tulong!! Tulongan niyo po ako huhuhu " naiiyak na ako habang tumatakbo pero napaisip ako kung sakali man akong mamatay.. yes sa wakas makakasama ko na si Ezekiel my love >.<
" Miss, anong nangyayari sayo? " sabi nung isang babae na may hawak na camera na nakatambay sa may corridor
" huh.. Wa-wala bang su-sunog or anno lilin—dol?? " nauutal kong sabi
Pagkasabi ko nun ay tumawa siya ng tumawa halos mangiyak ngiyak na nga siya sa kakatawa.
" Haha, ang O.A mo, nasisiraan ka na ata hahaha "
Insane!! Tawa pa siya ng tawa, bakit kasi di pa niya ako dinederetso.. kainis
" bakit kasi!! " pasigaw kong sabi sa kanya
Napatigil siya sa kakatawa tapos pinunasan niya na yung mga mata niyang naluluha at huminga siya ng malalim.
"Girl, walang sunog, walang lindol walang so whatever.. ano bang pinagsasabi mo kasi? " pag siseryoso niya
Pahiya ako, kaloka! Ba't kasi ang O.A
" So... anong meron at halos walang katao tao dito? " sabi ko
" Girl!!! Andito kasi si Charles Michael Arcega!!! Ghaad hindi nga ako makapaniwala "
Charles Michael Arcega?? Sino yun?
" huh,sino yun? hindi ko kasi siya kilala ehh " sabi ko na halos ikinagulat niya
"Hindi mo kilala si Charles Michael Arcega?! Anak naman ng anay ohh' hindi nga?!! " sabi niya. Hindi ko nga kilala ehh, sino ba kasi yun, ngayon ko lang narinig yang pangalan nayan.
" Sino ba kasi yun " tanong ko sa kanya
" Siya lang naman ang sumisikat at ang pinaka handsome na entertainer,dancer at singer ngayun noh "