Chapter 7

192 2 0
                                    

Darren Klein Smith’s POV

Inaalis na ng doctor yung bandage na nakapulopot sa pagitan ng mga mata ko.

“You may now open your eyes “

Pagkasabi sa akin ng ganun ay unti unti kong minulat ang mga mata ko.

“ Anak, nakikita mo naba ang mommy? Nakakakita ka naba? “ 

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Linapitan niya ako at yinakap.

“ ijo, mabuti at nakakita ka na, si daddy toh “ tapos yumakap rin siya sa akin

“ Doc, kamsahamnida “ ( Thank you very much ) sabi ni mommy

“ Anieyo,( welcome ) But he need to rest for a while and if he is start to recover I will going discharged him soon “ sabi pa ni Doc

Pagkatapos ay lumabas na yung doctor. Pinahiran ni Mommy yung mga luha ko, naiiyak kasi ako sa sobrang kasiyahaan ang feeling ko ngayon parang binuhay ulit ako.

“ I am so happy for you anak, masaya ako kasi hindi na kita makikita na nahihirapan “ sabi pa ni mommy na halos naiiyak na

May biglang kumatok sa pintuan.

“ Tita, Tito!! “ nagagalak na sabi nung babae na familiar ang boses

“ Nariyan ka na pala ija, “ tapos lumapit si Mommy para buksan ang pinto

Sa pinto lumabas ang isang magandang babae. Tapos nginitian niya ako.

“ Tita, successful po?!! “  sabi niya kay mommy

“ Oo ,ija nakakakita na siya “ tapos yinakap niya si Mommy

Linapitan niya ako

“Bha, si Pamo toh, ang bestfriend mo “ naiiyak niyang sabi sa akin

“ Pamo,ikaw ba yan? “ natutuwa akong makita si Czarina.

“ Oo, Bha!!  “ tapos yinakap niya ako.

“ natutuwa ako at nakakakita ka na sa wakas “ sabi niya habang iyak siya ng iyak sa likuran ko, basang basa na nga ng luha yung damit ko

“ Ako rin, Pamo! “ pagkasabi kung ganun ay umalis siya sa pagkayakap sa akin

“ Bah!! Di ba nakakakita ka na?! bakit Pamo pa rin tawag mo sa akin huh, di ba ako maganda “  naiinis niyang sabi

“ Ang pangit mo pala kasi ehh!! Kaya in short Pamo pa rin! “ biro ko

“ Kainis ka talaga Bah!! “ sabi niya, tapos sina mommy natutuwa sa pinagagawa namin.

“ Ehh, ikaw bakit Bah ka pa rin Bah, obvious naman na hindi na ako mataba ehh, behlat “ sabi ko, tapos tinarayan niya ako

“ Tumigil na kayo.. hanggang ngayon asaran ng asaran pa rin kayo! “ sabi ni Dad na natutuwa

After 3 weeks ay na discharged na ako. Kumakain kami ngayon sa Hotel na tinutuluyan namin

“ Tita, diba next week  na po yung flight niyo to Philippines? “ sabi niya

“ Eung, next week na “ sabi ni mommy

“ Bakit Czarina, ma mimiss mo si Darren noh “ sabi ni Dad,isssh si daddy talaga>.<

“ Oppa!!! “ inis na sabi niya

“ bakit di mo ba ako ma mimiss Pamo? Eh kanina nga kung makayakap ka sa akin?! “  inaasar ko siya, sadyang ganito talaga kami palagi

“ Aigoo!! I hate you!!! “ sabi niyang naaasar. Tapos tawanan sina Mommy

“ Czarina,  di ba sabi the more you hate the more you love “

Natahimik  si Czarina sa sinabi ni Dad. Napatingin ako sa mukha niyang nag blu blush, nung makita niya ako na nakatingin sa kanya ay yumuko siya.

“ oh, bakit natahimik? “ sabi ni Dad

“ Kayo ahh.. Don’t tell me na sineryoso niyo yung sabi ni Hon, ehh yung tinutukoy namin ay about sa love na namamagitan sainyo as Bestfriend “ sabi ni mommy. Tama naman si Mommy bakit ba siya namumula?

------

“ Nakakainis, kailangan ko pa kasing matapos ang isang sem! Kaya hindi ako makakasama sa inyo para umuwi sa pilipinas!! “ sabi ni Czarina

Nandito pala kaming dalawa sa labas ng bahay na tinutulayan niya, nakaupo kami habang tinitingnan ang mga stars.

“ Nakikita mo ba yung star na yon? “ sabi ko sa kanya

“ Oo bakit? “

“ Kasi yang star na yan ay pag aari ko “

“ ahh.. ano? “

“ Kasi ikaw ang magsisilbing star na yan, na  kahit malayo man ako sa yo makikita pa rin kita sa tuwing nalulungkot ako, kaya pag aari ko ang bituin na yan, kaya dapat humanap ka rin ng isa pang star na magsisilbing ako “  sabi ko

Pagkatapos kong sabihin yun ay hindi na siya naka imik.

“ oh.. bakit? “ sabi ko, bigla kasi siyang namula, hindi ko alam na parang binibigyan niya ng ibang meaning ang sinabi ko.

“ ehh… Eh paano kung umulan diba walang star?! “ sabi niya

“ Uhmm, isipin mo na lang na gaya ng langit,na iiyak ka dahil nalululungkot ka kasi wala ako sa tabi mo pero pag tumila na ang ulan ay lalabas na rin ang star na parang sinasabing narito lang ako para sayo “

seryoso kung sabi  dahil kahit papaano ay mamimiss ko siya as my bestfriend pag umuwi na kami ng pilipinas.Tinitigan niya ako.

“ Darren…. “ sabi niya

“ Ba—bakit “ tapos napalunok ako, parang may iba kasi sa kanya ngayon.

“ I think I fa--- “

“ Ya!! Chingu!!! ( Hey!! Friend !!)” hindi niya na natapos yung sinabi niya kasi bigla siyang tinawag ng kaibigan niyang koreana

“ Wae?!! “ sabi niya

“ Tinatawag ka na ata ng kaibigan mo, oh sige, alis na ako bukas na kasi ang flight namin “ sabi ko sa kanya

“ But wait!! “ sabi niya

“ Mianhamnida (sorry) but I need to go “ sabi ko tapos tumalikod na ako sa kanya.

Bukas na ng umaga ang Flight namin mamimiss ko ang korea

The 18 year old WidowWhere stories live. Discover now