“ Caroline…. Caroline!! “
May bumatok sa akin. Nagulat ako at natauhan
“ bakit ka umiiyak at kanina pa kita kinakausap ehh tulala ka lang diyan.. Bakit may masama ba akong nasabi, nakakapagtaka ka naman “
Sabi ni Danicia
“ huh… wa—wala, “
Sabi ko
“ anong wala ehh habang nag kwekwento ako tungkol kay Ezekiel Cruz umiiyak ka na “
Sabi pa niya
“ kasi… kasi naman idol ko yun, naiyak ako syempre wala na yung Idol ko, Siguro naman diba pati ikaw naiyak sa nangyari kay Ezekiel… “
Sabi ko
“ syempre naman “
Nalungkot yung mukha niya
RRRIINNNGGGGGGG
Nag Bell na.
“ okay! Class dismissed! “
Sabi ng Prof namin.
“ anong next subject mo Caroline? “
Tanong sa akin ni Danicia habang nililigpit ko ang mga gamit ko sa armchair.
“ well, may vacant akong two hours then next ko yung Music 2 “
Sabi ko then tumayo na ako.
“ so.. makakasama pala kita sa Music “
Napangiti siya
“ yeah.. See yah na lang later “
Sabi ko
“ bye, Caroline “
Lumabas na ako ng room.
Two hours pa naman ang vacant ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Hindi ko inaasahan napadpad ako sa The Music Center.
Bakit ba naman dito pa, nag pla flashback tuloy yung mga magaganda at trahedyang nangyari sa amin ni Ezekiel dito.
Pumasok ako sa loob.
It’s been five months ago, pero napakasariwa pa ng mga nangyari dito kay Ezekiel.
Wala pa rin binago ang lugar na to. Narito pa rin ang gintong mikropono, kung saan nagsimula ang lahat. Itong gintong mikropono ang nagtagpo sa aming dalawa. Dito kami pinagtagpo ng tadhana at di ko rin inaasahan na dito rin matatapos ang pagmamahalan namin.
~~~ FLASHBACK~~~
“ jhanell, nakikita mo ba yung gintong microphone na yon tingnan naman natin ohh “
Lumapit kami, hahawakan ko na sana ang gintong microphone. Pero hindi ang microphone ang nahawakan ko kundi isang kamay, kamay ng lalaki, bigla kong inalis ang kamay ko syempre naiilang ako.
Tiningnan ko kung kanino yung kamay na yon. Nagulat ako, si Ezekiel Cruz yung sikat na performer sa Arts College sa school namin.
“ Sorry Miss “
Sabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang kumikislap ang mga mata ko nung makita ko ang napaka aliwalas niyang mukha.
“ hoy! Caroline, sorry daw bakit natutulala ka dyan “
Sabi sa akin ni Jhanell
“ huh.. oo.. “
Sabi ko