Chapter 4

9.4K 11 0
                                    

May lalaking nag abot sa akin ng panyo

“ Miss, Okay ka lang? “

Dahil nag flaflashback nanaman ang mga nangyari sa amin ni Ezekiel ay hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko.

“ huh… “

“ sabi ko okay ka lang ba? Kanina ka pa umiiyak habang nakatitig dyan sa microphone, oh kunin mo natong panyo basang basa na kasi yang mukha mo “ tapos pilit niya pa ring inaabot ang panyo sa akin

“ umm.. Oo, ayos lang ako “

Pagkasabi ko nun kinuha ko na yung panyo, nakakahiya naman kasi siya na yung nagmamagandang loob.

“ Talaga? Halos nga humagolgol ka na sa kakaiyak tapos sasabihin mong ayos ka lang, may iniisip ka ba miss? “

“ ako? May iniisip wala noh, haha wala “

Sabi ko habang pinipilit kong ngumiti

“ isshh.. stop pretending miss, nakikita ko sa mga mata mo and napaka obvious ehh, may malalim kang iniisip “ sabi niya

“ huh…. “

“ hayhay ano ba yan miss?...ewan, sabi ko ngumiti ka na lang dyan“

Sabi niya na naiirita na

“ ehh – “ tapos ngumiti ako ng papilit

“ ayan maganda ka na man pala ehh !!! “

“ ^_______^ “ reaksyon ko

“ ohh.. ano bang ginagawa mo? “ sabi ko, bigla niya kasing hinahaplos haplos yung buhok ko

“ Ano pa ba?? Edi inaayos yang buhok mo, ang gulo! “ pagkasabi niyang ganun, inalis na niya yung kamay niya sa buhok ko.

“ ganun ba >…< “

Tiningnan ko kung anong oras na pag tingin ko sa watch ko OH MY GOD!!!  Mag e 11 na pala! Bat sobrang bilis ng oras Lagot!

“ miss, ano palang panga----? “

“Alis na ako huh.. may klase pa kasi ako “

Tapos tumakbo na ako papaalis ng The Music Center baka malate nanaman ako.

Pagdating ko. Nakita ko si Danicia sa may labas ng Canteen. Pumunta agad ako sa kanya.

“ oh.. Caroline, bat hingal na hingal ka diyan ? “

Sabi niya sa akin sabay sip ng iced tea

“ kasi naman eleven na! ma le late na tayo sa next subject natin “

Tapos hinablot ko yung kamay niya at hinila ko siya para tumakbo.

“ O.a ka te’h ? “ ano bang pinagsasabi nito tapos humarap ako sa kanya

“ Excuse me, Danicia! Late na tayo!!o.a ,o.a ka diyan “

Sabi ko

“ O.A ka, wala tayong Music 2 sinabihan na ako ni Clodetta “

“ Clodetta, Sino yun? “

“ Yung Skipper sa Section natin, wala raw yung prof natin, nag attend ng ano… ng ewan ko ba dun, basta “

“ huh…ganun ba,okay “

“ okay ka diyan, alisin mo na yung kamay mong nakapilipit sa akin baka mabalian mo pa ako ehh.. “

“ fine!“

Tapos tinitigan niya ako

“ Teka… umiyak ka nanaman ng baha noh?  “

The 18 year old WidowWhere stories live. Discover now