Chapter 15

4 0 0
                                    



It's my day off at nandito ako sa balkonahe nagkakape. Since hindi ko nagawa ang plano ko sanang magpasama sa simbahan kay Vlien, ito ako ngayon nakatunganga. Mabuti nalang at maganda ang tanawing nakikita ko kahit papano ay gumaganda ang araw ko.

Hangang ngayon hindi paarin mawaglit sa isip ko ang sinabi ni mom. What if kainin ko nga 'yung sinabi ko tungkol kay Vlien. I do find him attractive pero parang may border na hindi ko matuloy-tuloy na magkagusto sa kanya. Siguro hindi ko matanggap na magugustuhan ko sya 'cause his out of my league. His totally different from those men I've been attracted to.

Bored kong iwinawasiwas ang stick na hawak ko while I was walking around sa farm namin. Wala akong magawa kaya magtitingin nalang ako sa mga ginagawa ng mga trabahante dito. I was looking for Vlien pero 'di ko sya mahanap. Akala ko ba hindi nya day off?

Iniling-iling ko ang ulo ko ng malala na di nya naman day off pero 'di ko sya mahanap ngayon. Baka nagpapahinga? But it is still early in the morning?

Lumapit nalang ako sa puno ng bayabas at sinungkit ang nakita kong hinug na. Nakakuha ako ng dalawa pero gusto ko pangkunin 'yung nasa itaas na malaki. Sinuri ko ang puno kung kaya ko bang akyatin. Hindi naman gaanong mataas at maraming mga sanga. So, I decided to risk my life for the sake of this big and yummy guava. Jk.

Dahan-dahan kong inakyat ang puno. Wala namang kung anong mga insektong nangangagat which is good. Hindi lang 'yung nakita kong bayabas ang nakuha ko dahil marami pa sa loob. Ipinasok ko ang mga ito sa bulsa ng jacket ko at namitas pa.

Busy ako sa pamimitas ng marami nang may marinig akong tawanan sa hindi kalayuan kaya nilingon ko ito. And only to see it was Vlien and a petite girl nanaka suot ng saya. Mukha masayang-masaya sila dahil sa paghahagikhikan nila at hinahaluan pa ng hampas ng babae sa balikat si Vlien. Happy yarn? Ay hindi.

Biglang nag-init ang ulo ko dahil sa nakita ko. Kanina pa kita hinahanap at kasama mo lang pala yang manang na babaeng yan? At mukhang hindi pa nila ako mapapansin dahil hindi manlang nila nagawang lumingon kahit halos malapit na sila sa kinaroroonan ko.

"Vlien!" I shouted in an angry tone

Mukhang nagulat sila dahil mabilis silang lumingon saakin na nagmukha ng unggoy sa ibabaw ng bayabas. kapit na kapit ako doon at sumasagabal pa sa mukha ko ang mga sanga ng puno.

"Ay ma'am, 'bat kayo nandyan?"

Ma-ma'am? Kahapon ka pa ha? Parang lately you address me as ma'am? Hmm, did anything happen?

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap but you are nowhere to be found."

Nilingon nya 'yung kasama nya.

"Ah, sinamahan ko lang pong kumuha ng meryenda si Cristal."

So Cristal is the name. Mukha ngang babasagin. Sarap basagin 'yung mukha.

" Sa bahay?" Parang wala namang sinabi sina manang na magluluto sila for meryenda.

"Ah hindi po, sa kanila. Sya po ang nagluto. Magaling syang magluto ng pangmeryeda."

Pagmamayabang nyang sabi. It sounds kasi and I really hate it for no reason.

I look at the girl. She was smiling at me but I don't see the genuine inon it. Hindi ako ngumiti sa kanya sa halip ay tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Address me again of ma'am and po. Ipapalunok ko sayo 'to ng buo." Ipinakita ko ang hawak kong malaking bayabas. Kumunot ang noo nya.

"Diba "'yun naman dapat?" pagtataka nya

Because I don't like it!

"Do I look like an older woman? At mas matanda ka pa saakin."

"Eh boss naman po kita. Kay-"

"Even though!"

Nagulat sila sa pagsigaw ko. Pati ako nagulat din pero syempre I act like I mean it.

Inirapan ko silang dalawa at bumaba ng dahan-dahan mula sa puno. Maraming sagabal kaya nahihirapan ako. Tinulungan ako ni Vlien kahit masama ang tingin ko sa kanya. Hindi ko magawa-gawang umalis dahil kumakapit sa jacket ko ang iilang mga sanga ng puno. Nasakalagitnaan ng paghahawi si Vlien ng sumigaw si Cristal. Napalingon kaming dalawa sa kanya at nakasalampak na sya sa lupa. Hawak nya parin ang basket nyang dala-dala at panay ang kamot sa dalawa nya paa.

Agad naman syang dinaluhan ni Vlien at iniwan ako habang ang mga sanga ay nakasabit parin sa jacket ko.

What the heck! He chooses that girl na kinagat lang naman ng langgam while me halos di na makaalis dito. I hate this freaking tree!

Who told you to climb that tree? Bulong saakin ng isip ko. Kaya mas lalo akong nag-apoy sa galit.

And I hate that freaking woman. Ang OA, eh kagat lang naman ng langgam!

Hindi ako nagdalawang isip na ibato sa kanila ang hawak kong bayabas. Bahala na kung sino ang tamaan pero sapol iyon sa likod ni Vlien at rinig ko pa ang tunog ng pagtama nito. Agad syang lumingon saakin at mas lalo ko lang syang pinanlisikan ng mga mata ko. Masakit din ang tingin nya saakin, as if I care.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at ganun din sya. Tinalon ko nalang bigla ang puno dahil mababa nalang din ito mula sa lupa.

"Ahhh!" Sigaw ko ng kumapit ang sanga sa leeg ko papunta sa pisngi ko. Napaluhod ako sa lupa ng makababa na ako at napapikit dahil ramdam ko ang hapdi lalo na sa may bandang leeg ko. Hinawakan ko ito bigla ng may naunang kamay ang humawak sa leeg ko. Sasakalin ba ako?

Iminulat ko ang mga mata ko only to see it was Vlien. Nakaluhod din ito sa harapan ko at sinuri ang sugat, for sure sa leeg ko. Pero dahil nga sa naiinis ako sa kanya ay hinawi ko ang kamay nya at tumayo na.

Hindi sya nagtaka sa inasta ko pero magkasalubong ang kilay nyang nakatingin saakin. Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon. Hindi ko na binigyan pa ng tingin si Cristal at baka mairapan ko lang sya. Mabilis ang bawat paghakbang ko pero may agad na humawak sa braso ko at alam kong si Vlien iyon. Hindi ako lumingon pero tumigil ako sa paglalakad.

"kailangang gamutin natin ang sugat mo."

Bumuntong hiniga muna ako bago nagsalita.

"No thanks. I can manage. I'm a doctor after all."

Hinatak ko ang braso ko mula sa kanya at nagsimula ng maglakad ulit.

Habang patagal ng patagal ay humahapdi ang sa may bandang leeg ko. Binilisan ko pa lalo ang aking lakad para makarating ng mabilis sa bahay. Hindi manlang ako hinablo ng Vlien na iyon. Really a walking red flag. He chooses the babasagin over me na halos magbigti na sa punong iyon. If I really know na 'yun ang mangyayari, hindi na ako umakyat pa sa punong iyon.

Narating ko din agad ang bahay ng hindi ko namamalayan.

" khaye da-"

"I said I can!"

<3 <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poblacion Solevedes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon