Chapter 23
weird
Sa sobrang galit ni Lola sa akin ay nakalimutan niya ang lahat ng mga tinuro niya sa akin mismo. Like how I should be calm and collected all the time. Seeing her shouting at me like this makes me feel like I'm not talking my Abuela... but to a different person.
"Manang mana ka sa pinagmanahan..." may halong pait na sabi niya. "You could've prevented it from happening by staying away like you used to do to all of your suitors before! What made him different from the rest, Noella?!"
Napapikit ako ng mariin. Nahihiya ako sa mga nakakarinig. Lalo na sa Don. Umuugong sa buong ward ang boses ng Abuela ko. Alam ko na nasa likod lang ng pasilyo ang mga kaibigan ko at rinig na rinig nila ang nangyayari.
"Hindi naman nila maiiwasan iyon kung iyong ang itinakdang mangyari."
"Itinakda?" Abuela scoffed and turned to the Don furiously. "Hindi itinakda, Agustin! Isinumpang mangyari para magkasakitan na naman ang dalawang pamilyang 'to!"
"Gracianna-"
"Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko makuha ang prinsipyo niyo tungkol sa kamatayan," may halong pait sa tinig ni Abuela. "Hindi niyo kailangang ipaglaban ang pag-ibig na walang kasuguraduhan kung totoo ba o hindi. Hindi ko alam kung ano ba tawag sa ginagawa niyong iyan, Aguilar. Katapangan pa rin ba o katangahan? Dahil kung ako ang huhusga ay masasabi kong isang malaking katangahan ang lahat."
"Katangahan lang ba sayo ang ginawa ng kapatid ko? Ng anak kong si Estella? Katangahan ba ang ginawa ni Javier?"
Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Ate nang mabanggit ang pangalan na iyon.
"Bakit ba napaka-kunsintidor mo?" tanong ni Abuela pabalik. "Don't perceive fearlessness to be the same as foolishness, Aguilar. Nagkakasakitan lang tayo dahil sa lecheng sumpa!"
"Totoo ang naramdaman nila, Gracianna," giit niya.
"Hindi ako naniniwala." iling ni Abuela matapos ay hinawakan ako sa pulsuhan at kinaladkad paalis roon.
Nagmakaawa akong bumalik, gustong gusto kong nasa gilid ni Deo hanggang sa gumising siya pero hindi niya ako pinayagan.
Sa halip ay isang sampal nanaman ang iginawad sa akin nang makarating sa gilid ng sasakyan.
"Kailan pa?" tanong niya.
"L-La, kailangan kong bumalik roon," halos lumuhod ako sa harap niya,
Umiwas siya ng tingin at binalingan ang driver namin.
"Ihanda mo ang kotse, Rudy," mataman na utos nito. "Uuna kami ni Graciella ng uwi."
Sapo-sapo ko ang pisngi na nasampal niya. Sobrang kirot na at pakiramdam ko ay nagasgas rin ito dahil sa kuko niya.
"Sa tingin mo ba ay mahal mo talaga ang Hiñago na iyon?" she scoffed. "Mahal mo lang iyon dahil isinumpa kayong dalawa! Sobrang bilis ng pangyayari hindi ba? Sa tingin mo totoo ang lahat? Hindi! Hindi mo siya tunay na mahal! That is just because of the curse!"
"La-"
"You're better than this, Graciella. I taught you not to be a slave to your emotions. Not to be a slave of your heart. Anong nangyari? Where did it all go wrong?" she spat. "Gumising ka sa kabaliwang iyan!"
Iyong ang sinabi niya bago ako nakulong sa kwarto ko.
I tried hard not to take it all in. Mahirap paniwalaan ang sinasabi ni Abuela. How could it possibly be? I know what I feel. I certainly know that what I feel is different from what I felt over the last years for my suitors. Time is not relevant. It's not about how fast or slow. Alam kong nagmamahal ako. At hindi ito dahil sa kung anong sumpa lang. Hindi ako mababaw.
BINABASA MO ANG
Cursed Kiss (Curse #1)
RomansI have always been obedient. Morals, manners, etiquette, class, and intelligence. I've done it. I abided on it like it's a law. But you came, starting with a kiss. All of that didn't matter anymore. Then, there is this curse between us. A long hist...
