Chapter 14
cursed
The relationship status of our families is quite a blur. My mother said that it's a complicated thing too. Mula nang lumipat ako rito sa Pilipinas nang mamatay si Lolo, hindi na binuksan pa ang topic ng dalawang pamilya. And the curiousity didn't bother me too... lalo na't pinayagan naman ako na makipag-kaibigan kay Tarrie.
I didn't bother me because I was so absorbed still of my grandfather's death. He was my favorite. Wala akong pakialam sa mga nangyayari dito sa Pilipinas.
Nakikipagkamay si Abuela kay Don Hiñago nang papauwi na sana kami. It's Sunday, and as Christians, it is a custom to do handshakes as a greeting.
Kaming pamilya ni Abuela ay nasa likod niya lang. Sa mga mata ko ay wala namang mali, wala namang senyales ng pagkadisgusto sa dalawang panig.
Habang naguusap sila ay nasa likod rin ni Don Hiñago ang mga apo niya at katabi niya si Satari.
Deo winked at me subtly. Bigla akong kinabahan sa pag-aalalang baka makita ni Papa, but he just suppressed his smile and turned a bit. Gusto niya na ba talagang makilala si Papa nang maaga? Ang kulit.
"Nga pala, nasaan na si Nacy?" tanong ng Don kay Papa matapos nilang magkamustahan ni Abuela.
"She's handling company matters in Luzon, and she will probably fly to Spain soon." sagot ni Papa. "She's busy..."
"Ah, ganoon ba?" ang pagbaba ng balikat ni Don Hiñago ang una kong napansin.
"Bibisita rin iyon sa inyo..." Abuela said. "I'll tell her. Who knows? She loves surprise visits."
Bakit gustong-gusto ni Don Hiñago na bumisita si Ate sa kanila? That was my question in my head the entire time I was sitting in the car. Don Hiñago was so eager to be visited by my sister, and why is that?
My thoughts were halted suddenly when my phone popped up a message.
"Himala," Rahim scoffed while driving. "Anong nakain mo at hindi ka nagrereply?"
Nasa kotse kami, si Lian ay tulog sa likod. Dad is driving the other car, with my Mom and Abuela in it.
Napa-irap ako at tinago sa bag ang cellphone "Mamaya na."
"Tampo agad?" tanong niya.
"Give me peace, Rahim."
He smirked. "Nagtanong sa akin si Papa kanina."
Agad akong napalingon sa kanya. I felt the lump on my throat as I watch his evil grin. "A-anong sinabi mo sa kanya?"
"Sinumbong kita." He just shrugged. "Malamang..."
"S-sinabi mo ba kung sino siya?"
"Sinabi ko apo siya ni Don Hiñago."
"Bakit mo sinabi?!" tanong ko. I swear I wanna choke my brother right now.
"Paanong hindi ako aamin?" he matched how stitch my brows are. "At saka, alam niya na bago niya ako tinanong. Bakit ba gusto mo 'yang itago ah? Bakit ba big deal sa'yo?"
"Ayaw ni Papa na mapalapit ako." I admitted, small voice.
"Then stay away from him. Sa lahat pa ng lalaki sa mundo bakit kailangan pa na Hiñago?" tanong niya rin na parang naiirita. "Kay Damian Antonio nga, hindi ka naman nagkagusto ah? Anong pinagkaiba niya? Parehas lang naman sila na maitim."
"Bakit? Ano bang meron doon?" tanong ko. Ano naman kung parehas ng complexion si Damian Antonio at Deo? I find it so attractive!
Itinikom niya ang bibig at matagal bago nakasagot. "Kasi kaibigan mo si Satari hindi magandang tingnan na gusto mo yung pinsan niya."
BINABASA MO ANG
Cursed Kiss (Curse #1)
Storie d'amoreI have always been obedient. Morals, manners, etiquette, class, and intelligence. I've done it. I abided on it like it's a law. But you came, starting with a kiss. All of that didn't matter anymore. Then, there is this curse between us. A long hist...
