Chapter 01

43 3 0
                                    


"Can't you just fucking wait?"



Naiiritang sabi ko kay Amber dahil napaka ingay nya sa phone ko. Tumawag sya sa akin dahil ako nalang daw ang inantay nila para makapasok sa resort na nirent nila para sa birthday party nya. Binibilisan ko na nga ang pag mamaneho kay Cookie eh. Pangalan ng kotse ko.



"I told you na 7 o'clock in the morning yung call time. But it's fucking nine!" medyo naiinis na sabi nya sa akin. Kahit hindi na ako tumingin sa screen ng phone ko ay alam kong naiinis narin sya.



"I'm sorry, okay? I didn't know that i have work pa pala. You have no mercy huh? Wala pa kaya akong tulog, excuse me!" irap ko sa kanya habang nakatuon parin ang mga mata sa kalsada. Hindi ko alam kung nakita nya yung pag irap ko dahil saglit syang natahimik.



And also, it's true na wala pa akong tulog dahil kakauwi lang namin galing Cebu. We have a meeting sa isang importanteng investors sa business ng boss ko. At dahil ako ang personal secretary nya ay pati ako ay isinama nya dun. And for fuck sake, kaninang madaling araw lang nag land yung airplane na sinasakyan namin. Wala pa akong idlip or what dahil direstso na agad ako sa resort para sa birthday party kuno nya.



Sabihin ko man na sumunod nalang ako ay hindi sya pumayag at nag tampo pa nga. Bestfriend ko si Amber simula nung nag college ako at hanggang ngayon. Mas nadagdagan nalang ata closeness namin dalawa ng maging boyfriend nya yung pinsan ko, si William.



"Mas nauna yung birthday ko sa schedule mo kaysa sa meeting kinemerut mo talandi! Bilisan mo, antayin ka namin dito sa lobby. Wala parin naman yung go signal namin kaya makaka abot ka pa."



Hindi na ako nag salita pa dahil tama naman sya. Last last week pa lang ay sinabi na nya sa akin na may pa party sya sa birthday nya. Kaso nga lang ang hindi ko lang alam ay yung may meeting pala kami sa Cebu.



Nagpatuloy nalang ako sa pag mamaneho dahil inaantok na talaga ako. Hindi rin kasi ako naka idlip dahil inayos ko pa yung agreement na pinirmahan nung investor.



Ilang minuto lang din ay nakita ko narin yung entrance nung resort at dali dali kong dinial ang number ng bestfriend kong si Amber. Sinabi naman nya na nasa lobby pa sila at kapag daw pumasok ako sa entrance ay makikita ko naman daw agad sila. Kaya naman pinark ko lang yung sasakyan ko at kinuha yung maliit ko n maleta at naglakad na papasok.



At tama nga si Amber dahil ng makapasok ako ay agad ko silang nakita na naka upo sa sofa. Lumapit sa akin ang pinsan kong si William at kinuha nya yung maleta na hawak ko.



"Traffic?" tanong nya kaya umiling ako bilang sagot at bumeso naman sa kanya.



"Well, badtrip na yung bestfriend mo." naka ngiting sabi nya sa akin bago kami lumapit sa naka upo na si Amber.

Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon