Chapter 04

13 2 0
                                    


Lahat ng nasa table ay nagulat sa nangyari, maski ako ay nagulat. TIla nawala yung kalasingan na tinataglay ko kanina. Fuck! Napa ubo ako ng tumingin sa gawi ko si Trevor habang nakakunot ang noo saka nag iwas ng tingin. Shock! Ang wild ni Jennica, i didn't expect that she can do that.



Narinig ko pang sinabi ni Jennica na hindi nya sadya at maski sya ay nagulat. Walang imik ang lahat sa amin ng maupo na si Jennica sa upuan nya at tumabi na muli sa tabi namin ni Mar si Trevor na tahimik lang.



Hindi ko matignan si Jennica at Trevor dahil hindi ko alam kung bakit. Saka pakielam ko ba sa kanila hindi ba? Pero dazai, nagulat talaga ako as in. Well, nakakakiss naman ako pero hindi ganon na public. Oh my god!



"Ako na mag basbas ng Cuervo." Sabi ko kay Amber na hawak ang bote ng alak. Tumayo ako at lumapit kay Amber na pati sya ay nagulat din.



"Let's go, birthday girl." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman sya sa akin para sabihin na tigisa kami ng bote.



"Let's do this girl." Sabi ni Amber at pinag cross na namin ang braso namin sa isa't isa at saka inumpisahan ibuhos yung Cuervo sa bibig naming dalawa.



Nang matapos na kami ni Amber ay para kaming timang na sumayaw sa pinapatugtog kanina. Naki join narin sa sayaw namin sila Mar at Jacob. Tawanan lang kami ng tawanan ng makaramdam ako na masusuka ako.



Sinabi ko kila Mar yun at dali dali tumakbo sa room ko para doon na sumuka. May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Mas kailangan ng atensyon ng tiyan ko kaysa sa tumawag sa akin.



Dumiretso agad ako sa comfort room ng kwarto ko at doon sumuka ng sumuka. Hindi ko na nga nasara pa yung pintuan dahil nag mamadali na ako. Nasa pangatlong flush na ako sa bowl ng may humagod sa likuran ko at inipon yung buhok ko papunta sa likuran ko.



"I told you, know how to say no."



Hindi na ako tumingin pa sa kanya dahil sa boses palang ay kilala ko na kung sino sya. Sa sobrang lalim ng boses nya ay malulunod kana sa kanya. It's Vaughn Trevor.



"You're done?" napadilat yung mata ko ng mag salita sya. Urgh fuck.



Tumango ako kaya inalalayan na nya akong tumayo papunta sa sink para linisin at mag mumog ng bibig. Hindi ko din namalayan na nakatali na pala yung buhok ko. Lumevel ako sa sink at sya na ang nag mumog sa sakin at sya narin ang nag hugas sa mukha ko. Habang ako ay nakapikit lang at nahihilo parin.



Nang matapos nya akong linisan ay narinig ko nalang na may kumaluskos at sunod ko nalang na naramdaman ay may malambot na tela na dumadampi sa mukha ko. Napangiti ako dahil sa ginawa nya.

Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon