Chapter 14

14 1 0
                                    

Tulala akong nakasakay sa loob ng taxi habang iniisip kung sino yung sumagot ng tawag ko sa phone ni Trevor. Yun ba yung kapatid nila ni Penelope na si Phoebe? Pero hindi. Malakas ang kutob kong hindi yun si Phoebe. Dahil sa pgkakaalam ko nasa States na ngayon si Phoebe para mag aral.


Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa taxi at nakaligo. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa kama ko at nakatingin sa kisame ng apartment ko. Iniisip parin yung nangyari kanina. May meeting pa ba si Trevor? At yung babae ba na yun kung ka meeting nya? Pero dapat nag message na kaagad sa akin si Trevor kung hindi nya ako masusundo hindi ba?


Naputol lang ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun sa side table ko at tinignan kung sino yung tumatawag. Agad akong kinabahan ng makita ang pangalan na sinave ko kay Trevor.


He's calling...


Hindi ko nasagot ang tawag nya dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba yun o hindi. Hanggang sa lumitaw ulit yung pangalan na sinave ko sa kanya. Pikit mata kong sinagot yung tawag nya at tinapat sa tenga ko.


"Love! I'm sorry.. There's a emergency kasi kaya hindi na ako nakapag message sayo." rinig kong sabi nya sa kabilang linya ng masagot ko na yung tawag nya.


"Emergency?" takang tanong ko.


"Yes, love. Tinawagan kasi ako ni mommy kanina at may dinner daw kami. Kasama namin yung mga kapatid nyang umuwi galing Canada. Kaya ayun, where are you?" sunod sunod na tanong nya.


So, nasa bahay sya nila kanina? Sino yung sumagot ng tawag ko? Gusto kong itanong sa kanya pero pinigilan ko lang yung sarili ko. Dahil baka lumalagpas na ako sa guhit kung hanggang saan lang dapat ako mangielam.


"Apartment." tipid na sagot ko habang nakatingin na sa kisame, na tulala.


"Okay. Buti naman. I'm so sorry. Maya maya lang din punta na ako dyan sa apartment mo."


"Why?" tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan.


"I'm going to sleep beside you." okay.


Hindi ako sumagot dahil iniisip ko parin yung sumagot ng tawag ko. Sinabi ba sa kanya nung girl na tumawag ako kaya tumawag sya sa akin? At sino yun? Hindi si Penelope yun dahil hindi ganun ang boses ng kaibigan ko. Napapikit nalang ako sa pag oover think ko.


"Hello, love?"


"Uhm.."


"Are you.. Mad?" tanong nya kaya napadilat ako at umiling. Kahit hindi naman nya ako nakikita.


"No." sagot ko naman.


"I can feel it, love. I'm sorry.." lumambing ang boses nya kaya naman napapikit at muli akong umiling bago sumagot.


"No, that's fine. It's an emergency."


"Have you eat--" pinutol ko na ang sasabihin nya dahil gusto ko ng matulog.


"I'm going to sleep. Goodnight."


And I ended the call.


I decided to send a message to Penelope asking if nasa bahay nya sila now. But to my surprise she said,


From: Babe Penelope

No, babe. I have a date, right? I'm with Tom. :)


To: Babe Penelope

But, Trevor called me na may dinner daw kayo. Andon daw yung siblings ng mom's mo??


Please, Penelope wag mo kong saktan sa irerply mo sa akin. Please, babe.


Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon