Chapter 09

23 2 0
                                    


"Oh really? I mean, paano kayo nagkakilala ng kapatid ko?"


Kung hindi lang kasama nila Amber si Jennica ay talagang pag iisahin ko yung table namin nila Olivia at Amber. Para narin makilala nadin ng lubusan nila Olivia ang bestfriend ko, though may kaunti na silang backgound dahil kinukwento ko sa kanila si Amber. Pero kung ako kay Jennica, siguro ang gamit na skin care nya? Liha. Sa sobrang kapal girl, hindi ko kinakaya.



"The owner?"


"Trev?"


Naramdaman kong napatingin si Trevor sa nag salita at nakita ko na biglang nag aliwalas yung mukha ni Jennica na ngayon ay nakatayo na at handa ng lapitan si Trevor. Nag iwas ako ng tingin dahil naiinis na naman ako sa babaeng yan. Nakita ko rin kung paano nagulat si Troy at kuya William. Pero si Amber ay hindi. Well, dahil kinukuwento ko naman sa kanya sa chat namin yung about kay Trevor.


"Jen?" rinig kong sabi ni Trevor kaya inalis ko yung kamay nya sa bewang ko at nilapitan sila kuya William na nagtatakang nakatingin sa akin.


"Let me explain. But not now.." bulong ko sa kanila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Troy.


Nakita ko naman na nasa harapan na ni Trevor si Jennica at hinahawakan na ang braso nya. Napairap naman ako dahil agad agad girl?


"Bakit kasama mo sya?" mahinang sabi ni Troy na sakto lang para marinig ko.


"He's my friend's brother. Penelope?" sagot ko naman at unti unting napa tango si Troy. Habang si kuya William naman ay kausap si Amber. Sinasabi na siguro o kinukwento na ng bestfriend ko.


"What a small world.." natatawang sabi ni Troy habang inabutan narin nya ako ng can beer doon at sya narin mismo ang nag bukas noon.


"Yeah. Pero bakit ba kasi kasama nyo pa yang si Jennica." hindi ko na naitago sa boses ko ang inis dahil first of all. Hindi ko sya kaibigan, okay? Mag kaiba ang kakilala sa kaibigan!


"I don't know. Why did you ask your bestfriend? Akala ko nga kami lang tatlo eh." sabi nya kaya sa inis ko ay ininom ko na yung beer na binigay sa akin ni Troy. Dahilan para makita ko na naman si Jennica at Troy.


"Can we share a table, Trev?"


Hindi ko alam kung ano yung sinasabi ni Jennica pero napukaw ng atensyon ko yung boses nya. Urgh! Bakit ba sya nag bebaby talk? Hindi naman sya ganun mag salita kapag kami ang kausap nya? Urgh!


"Ahh.. I don't... um know if.. If that's okay?" medyo alanganin na sagot ni Trevor kay Jennica na ngayon ay nag make sad face. Ampota!


"Why, Trev? Para hindi narin pabalik balik dito si Raya. And also i want to meet your friends."

Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon