Chapter 02

25 3 0
                                    


"Hi, miss."



Dahil sa boses ni Jennica ay napatayo yung ulo ko na dapat pala ay hindi ko nalang ginawa. Dahil nasa harapan namin yung lalaki na akala ko ay staff lang pero owner pala nung resort na ito.



Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung ako ba ang binabati nya or what. Pero agad kong napansin ang matatalim na tingin ni Jennica sa akin. Agad kumunot yung noo ko dahil problema ba nito sa akin?



"Can we just go by now, Sir?" magalang na sabi ni Michael doon sa owner ng resort. What is his name again? Alam kong binanggit nya yun kanina. Hindi ko lang matandaan, urgh.



"Yes sir."



"Mark!" tinawag nya yung isang lalaki na sa tingin ko ay yung totoo talang staff ng resort. Agad naman lumapit ito.



"Please, assist them to their villa."



Agad naman tumango yung lalaki na nag ngangalang Mark. Nagpaalam lang sya saglit para kunin yung sasakyan daw namin papunta sa villa na nireserve para sa birthday party ni Amber.



Kukunin ko na sana yung maleta ko ng yung owner na ng resort yung kumuha noon kaya hindi ko maiwasang tumingin sa kanya na nag tataka.



"We will carry your things Sir and Ma'am until we reach your villa." Nakangiting sabi nya sa akin at tumingin saglit sa iba pa namin kasama.



Gusto ko sanang mag react pero hinayaan ko nalang dahil masakit na yung ulo ko at yung binti ko. Naputol na naman yung dapat idlip ko. Inangat ko lang yung wrist ko at tinignan kung anong oras na. Nakita ko na mag 10:30 na. Napapikit naman ako dahil 30 hours na akong gising.



Napahawak ako sa braso ni Troy at isindal yung ulo doon dahil nahihilo na ako. Umiikot na ang paningin ko at napipikit na ang mga mata ko talaga.



"I'm sleepy, Troy.." mahinang bulong ko habang nakayuko at isinandal yung ulo ko sa braso nya kung saan ako nakahawak.



Habang nakapikit ay ramdam na ramdam ko ang pag ikot ng paningin ko. Natahimik sila Amber kaya naman pinilit kong mag angat ng tingin at idilat yung mga mata ko habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Troy.



"Natahimik kayo?" takang tanong ko at dahil nakatingin silang lahat sa akin. Baka may itinanong sila tapos hindi ko narinig kaya nag aantay sila ng sagot.



"My staff is here, miss."


Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon