Chapter 11

11 2 0
                                    



"What do you want!?"



Naiinis na sabi ko sa kanya habang nasa harapan ko sya. Nakakulong na naman ako sa mga braso nya at wala narin akong aatrasan dahil pader na yung sinasandalan ko. Itinutulak ko sya pero mas malakas sya kaya parang kinakalabit ko lang sya nung tinutulak ko sya palayo sa akin.


"I have an important meeting to attend, for fuck sake!"


Medyo napalakas ang hampas ko at tumama din sa mukha nya yung kamay ko. Gusto ko sanang mag sorry ng marealize ko na nahampas ko rin yung mukha nya pero pinigilan ko ang sarili ko. If it's the way para lumayo at paalisin ako ni Trevor, gagawin ko. But, I'm wrong kasi hindi sya natinag doon.


Matatalim na tingin ang pinupukol ko sa kanya pero parang wala lang sa kanya yun. Nagulat ako ng bigla nyang isinandal yung noo nya sa kaliwang balikat ko at bumuntong hininga doon. Kagat kagat ang labi ko ng tumingin sa harapan ko. Ramdam na ramdam ko rin kung gaano kabilis ang pag tibok ng puso ko. Parang lalabas na sya doon sa sobrang bilis.



"P-please.." napatayo ako ng tuwid ng marinig ko ang boses nya.



Umiiyak ba sya?



"Please, okay lang sakin na mag sungit ka, wag lang yung ganito. I'm sorry.." rinig kong sabi pa nya.


Hinawakn ko yung braso nya para paharapin sya sa akin pero hindi sya pumayag. Umiiyak ba talaga sya? I mean, halata naman. Pero gusto ko lang isure kung totoo yung narinig ko. Tinigil ko narin dahil ayaw nya talagang pakita yung mukha nya sakin. Kaya naman pagod kong binagsak yung dalawa kong kamay sa gilid ko at hinayaan nalang na nakasandal sa balikat ko yung noo nya.


"Please, let's talk. I miss you.."


Napalunok ako ng marinig ko ang sinabi nya. Mahina pero rinig na rinig ng dibdib ko yun. Kaya naman sobra sapbra na naman sa pag tibok ulit. Gusto ko syang yakapin, but I stopped myself from doing that. I promised to myself na lalayuan ko na si Trevor at iiwasan.


Mahirap kapag sobra akong nahulog sa kanya. At kung ako lang yung hulog.



"Please, love." Fuck!



Hindi ko alam pero ang sarap pakinggan ng pagkakasabi nyang love sa akin. Nabasa ko iyon kagabi nung nag text sya sakin. Hindi ko pinansin dahil ayokong palakihin. Ayokong umasa.


Nang pakiramdam ko na medyo lumuwag at nag off guard na si Trevor ay saka ko sya tinulak na mahina lang at lumabas sa pagkakakulong nya sa akin.


"I have to go." walang emosyong sabi ko sa kanya at tinalukuran na sya.


Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon