Chapter 08

19 2 0
                                    


"I'm sorry, babe."


Lahat ng pwede kong gawin kay Penelope ay nagawa ko na sa isipan ko. Dahil pagkakuha na pag kakuha namin nung mga nabili kong gamit ay nag sabi sya na may importante syang gagawin at lalakarin ngayon. Kahit alam ko na wala naman talaga.


Pano ko nalaman?


Kitang kita ko sa mukha nya yung pang aasar at may nalalaman pa syang kindat sa akin. Urgh!


"I'm serious, babe." sabi pa nya kaya mas lalo kong tinaliman yung tingin ko sa kanya.


Hindi sa ayaw ko kasama si Trevor. Pero may kakaiba na akong nararamdaman eh. Hindi ko alam kung kailan sumulpot yun pero habang nasa sasakyan nya ako kanina. Napag isip ko na hindi tama yung ginagawa kong bigla nalang ikikiss si Trevor. I don't know if gusto ba nya na ikiss ko sya. Wala naman kasi syang reaksyon o di kaya ay inaasar nya lang ako.


Sa ngayon, hindi ko pa kayang aminin kung ano yung nararamdaman ko. Dahil maski ako ay hindi pa sigurado doon.


Naputol nalang ang pag iisip ko ng may lapastangan na palad ang dumaan sa mukha ko. Napalingon ako sa gumawa noon at nakita ko lang si Trevor na nakatingin na pala sa akin habang masama parin ang tingin ko sa kapatid nya. Itinaas nya lang yung isang kilay nya kaya napabuntong hininga ako at ibinalik ang tingin kay Penelope.


"Do i have a choice? Tsk!" sabi ko sabay irap sa kaibigan ko.


Nakita ko naman ang ngiting tagumpay ni Penelope at nahuli ko pa ang pasimpleng siko nya kay Trevor. Babatukan ko na sana kaya ang ay pingilan ko yung sarili ko.


Nang makita namin na naka labas na sa exit si Penelope ay nakaramdam naman ako ng bigat mula sa balikat ko. Pigil hininga akong tumingin sa ibang direksyon. Fuck! Eto na naman yung nararamdaman ko sa tiyan ko. At bilis ng tibok ng puso ko.


"May titignan ka pa ba?" i heard him say.


Tumango naman ako dahil balak ko narin bumili ng mga storage box dito. At yung maliit na refrigerator na kasya para sa akin. Tulad ng sabi ko noon pa, matagal ko nang napag ipunan yung bibilhin kong gamit sa magiging bago kong apartment.


"Titingin ako ng ref. Mas mura kasi dito kaysa sa mall eh. Baka di kasya yung budget ko kapag sa mall ako bumili." seryosong sabi ko sa kanya at kinuha yung kamay nyang naka akbay sa akin at inihila iyon sa section ng mga appliances.


Nag ikot lang kami ng nag ikot habang ako busy at tinitignan yung presyo nung mga refrigarator dito sa store. Sya na ngayon ang nakahawak sa kamay ko dahil pa minsan minsan ay bumibitaw ako.


"If you're going to buy appliances, make sure they will last at least 5 or 10 years. It depends on its price.."


Napalingon ako kay Trevor na ngayon ay naka upo at naka pamulsa ang mga kamay sa bulsa ng suot nyang shorts. Antok ang mga mata nyang tumingin sa akin.


"Some of the items here? I doubt that they will last at least 5 years."


Love Hurt MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon