TGWAE 11

79 16 32
                                    

Chapter 11| Lose it
~×~×~×~

A/N: (___×××××___) - means flashbacks

|TAYJA PRISH|

"Nandito na tayo,"

Napatingin ako sa harapan at nakitang nasa may entrance na kami ng sementeryo.

"Saan banda?" Asver asked while I was still looking ahead of us. My brain temporarily shut down but seconds later, my senses came back.

"Park mo na lang d'yan sa may gilid," turo ko sa kaniya at iniiwas ang tingin sa harapan.

Bumagsak ang tingin ko sa shoulder bag na kandong ko. Naalala kong inilagay ko sa loob ang mga papel na pinagsusulatan ko. Inayos ko na iyon mula umpisa hanggang sa parte kung saan ako natigil. I planned to make him read it besides, it was only different words combined to form an unrealistic story. If he can read the lines in between, then better.

I no longer had to explain my side.

It's up to him whether he'll speak his mind or he'll decide to not involve himself in it. Just like what Taira was doing to Lash. She was pushing him to be out of her business which Lash could never do. Ang sa akin naman, hahayaan ko si Asver na mamili.

I'm giving him chances to choose whatever it is that he'll choose.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Asver habang nakaupo sa may damuhan kaharap ang isang lapida.

'TAPRISHA JADE CORDON'

"How was she as a mother?"

Umangat ng kusa ang kaliwa kong kilay dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react sa narinig.

"As a mother?" tanong ko habang nakatingin sa bawat letra na nakaukit sa lapida.

I looked for something in my heart while repeating her name inside my head but I couldn't find any. It was empty. Is it bad to feel nothing? Kung sa bagay, hindi ko naman siya nakasama magmula nang ibigay nila o niya ako sa ampunan.

"Yes. Did you enjoy the time with her before she left you?"

Hindi ko na talaga alam kung ano ang isasagot sa kaniya. How would I answer him if, in the first place, I never spend time with her aside from growing inside her womb for nine months?

"I don't know,"

"You don't know?"

"Ulit-ulit lang?" pairap kong sambit na ikinatawa niya lang.

"Hmm, should I guess?"

"Feel free,"

"Your mother died as soon as she give birth to you," he said, unsure.

"Nope," I answered, popping the 'p' in the end without looking at him.

Niyakap ko ang aking dalawang tuhod na nakatiklop palapit sa aking dibdib at ipinatong ang baba sa aking mga braso.

"Sagutin mo na lang kaya, 'no?"

"Ayaw ko nga,"

"Damot,"

Natahimik kaming dalawa at pinapakiramdaman ang banayad na hangin na humahampas sa aming balat. This feels surreal. Tuwing bibisita kasi ako rito, palagi akong nakakaramdam ng pangungulila kahit hindi ko naman nakasama ang nanay ko. Gano'n din naman ngayon pero ang kaibahan ay mas ramdam ko na hindi ako nag-iisa. Siguro kasi may kasama ako?

Or, was it because I'm with Asver? I don't know.

"May ipapabasa ako sa 'yo," sabi ko na lang at binuksan ang bag na katabi ko. Kinuha ko ang mga pinagsama kong mga papel bago inilahad sa kaniya.

The Girl With An Eyepatch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon