EPILOGUE

144 15 28
                                    

Chapter 18|The Epilogue
~×~×~×~

|TAYJA PRISH|

"Hi!"

Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kaniya. Naupo ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakahiga at nakapikit.

Natutulog.

Kararating ko lang sa bahay nila at pinapasok sa kuwarto niya. I thought he was in his condo. Natulog pala siya sa kanila.

Mahigpit akong kumapit sa kumot, naghahanap nang masusuportahan dahil pakiramdam ko, matutumba na lang ako sa sahig kahit nakaupo naman ako sa gilid ng kama. I feel like I would lose every strength that I have in my body at any moment now.

"Hindi na kita ginising at baka pagod ka talaga. You need to rest so, I'll just be here, waiting for you to wake up," I mumbled as I blankly stared at the transparent glass window in front of me. Nasa gitna ang kama ni Asver. Nasa isang gilid naman ang mini-sala niya bago ang bookshelf malapit sa may pintuan.

Umayos ako nang upo at muling tiningnan ang nakatuping papel sa aking kamay. Tita Rash gave it to me when I arrived earlier. I think that was an hour ago.

Nakipagkuwentuhan pa kasi ako bago niya ako pinaakyat. Hindi ko nga alam kung papaano pa ako nakaakyat, eh.

All I know was that I lost something precious, again.

Tinitigan ko ang papel sa aking kamay. Pamilyar siya hindi dahil sa kulay nito na kulay puti, kung hindi dahil sa sulat kamay na nakalagay sa gitnang bahagi nito.

Sulat kamay . . . ko.

"How the hell could you even have this piece of paper, Asver?" nanghihina kong tanong.

I wrote this letter the day before I had an attack. Sa sobrang pag-iisip ko, naisulat ko lahat nang gusto kong sabihin kung sakali mang hindi ko nakayanan ang araw na iyon. Para sa kaniya. Nakalimutan ko ngang may sinulat pala ako kung hindi ito ibinigay ni Tita sa akin.

Now, I remember I had this letter in my room. Kaya paanong nasa kaniya ito?

Had he read it?

"Nabasa mo na," bulalas ko nang makitang may isinulat siya sa likod ng letter. Nanginginig pa ang kamay kong hinigpitan ang hawak sa pirasong papel.

'I love you too, Love.'

"What a joke you had there, Asver. Natawa ako. Sobra," sambit ko na hindi ko alam kung nanggigigil ba ako o nasasaktan.

Then a lone tear escaped from my right eye. Inis kong pinahid ang luha ko bago nilamukos ang papel at tumulala sa hangin. Inaalala kung paano ba nahantong ang lahat sa ganito.

___

"Tita!"

"Sweetheart," matamlay nitong bati sa akin na ipinagtaka ko pero hindi na ako nag-usisa pa at inilibot ang tingin sa buong sala.

Hinahanap si Asver.

"He's not here- sweetheart," my brows twitched because of confusion. Iba rin ang boses niya ngayon. Para itong namamaos. Iyong galing sa sakit o pag-iyak.

"Ah, ano po Tita. Hindi naman sa gano'n," bawi ko sa nagawa. Hindi ko naman talaga hinahanap si Asver. Nagkusa lang ang ulo ko na ilibot ang paningin sa buong sala. Yea, that was just it.

"Halika. Maupo tayo," inalalayan ko siyang maglakad dahil tumatanda na rin siya.

As soon as we took a seat, the air suddenly became chilling. Lumakas din ang kabog ng puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. Nakakatakot. Baka may multo na pala dito hindi ko lang makita.

The Girl With An Eyepatch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon