TGWAE 15

69 13 15
                                    

Chapter 15|The Glimpse
~×~×~×~

|TAYJA PRISH|

I woke up from a loud ringing coming from my phone that I left in my bed yesterday.

I weakly opened my eye as my lips twitched in pain. Hindi ko na pala nagamot ang sugat sa mata ko dahil nawalan na ako nang malay. Kaya ngayon ramdam ko na ang matinding hapdi. Hindi ko nga alam kung bakit naghahanap pa ako nang sakit sa katawan kung ganito lang din naman pagkatapos.

I'd just suffer from it afterward.

Baliw na nga talaga ako.

Huminga ako nang malalim at bumangon kahit parang mahuhulog na lang ang ulo ko sa sahig dahil sa sakit at bigat. I gently wash my face, avoiding getting my left eye further damaged. Baka mamaya nito nakahandusay na pala ako sa sahig dahil may naapektuhang ugat na konektado sa utak ko.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. I wanted pain but I don't want to suffer from it. I sighed and walked inside my room and fixed myself.

Katatapos ko lang isuot ang dark gray kong eyepatch nang marinig ang sunod-sunod na katok sa may pintuan nang apartment ko. My brows furrowed not until I remembered, that there was only one person who knew my place.

Rustver Crosvien.

"Bakit?" tanong ko pagkabukas nang pinto. Hindi pa ako nakakahuma nang maramdaman ang pagyakap nito sa 'kin.

"Thank God you're safe," halos bulong nitong sambit na ipinagtaka ko.

"Bakit? May papatay ba sa akin?" I mindlessly asked him which caused him to choke me, kiddingly.

"Ikaw yata papatay sa 'kin, eh."

"Shut up. Bakit hindi ka sumasagot ng tawag? Kagabi pa kita tinatawagan,"

Pinanood ko siyang pabagsak na umupo sa isang single sofa sa maliit kong sala dito sa apartment. I looked at him for a second and averted my gaze to his disheveled hair. Mukhang stressed na talaga siya magmula pa kagabi. Hindi ko alam kung bakit may saya akong naramdaman.

Was it because he genuinely cares for me?

Well, I loved how it lifted the heaviness inside me, a little. At least, I know I was still capable of feeling emotions rather than emptiness.

"I was asleep for the whole time I didn't notice you called. Hindi ko pa natitingnan ang phone ko. You see, I woke up because of your knocks," kibit balikat kong sagot sa kaniya at naglakad papunta sa kusina.

Hindi ako nakakain kagabi at gutom na gutom na ako.

"Tsk. Then I worried for nothing," rinig kong bulong niya.

I smiled a bit. Well Asver, you did worry about something.

"Thank you for worrying," sabi ko sa kaniya sa malakas na boses.

'Your call saved me from being drowned by the voices inside my head.'

"I'm always worried about you, Prish. You deserve to be taken care of," halos mapaso ako sa basong hawak ko na may mainit na kape dahil do'n. Parang gusto kong bawiin ang naisip ko, mapapaso pa yata ako nang wala sa oras.  

Pero may parte sa aking tinatanong kung deserve niyang masaktan. I shook my head and went on my business in the kitchen.

"Wala ka bang training ngayon?" tumingin ako sa may maliit na calendar sheet sa may center table. Sabado nga pala ngayon at wala siyang gagawin. Pero malay mo may itinerary siya ngayon buong maghapon.

"We'll go somewhere. Dalian mo na d'yan," I rolled my eyes at him and enjoy my coffee.

Ramdam ko pa rin ang hapdi sa mata ko pero hindi ko na lang pinapakita sa kaniya. I'm lowkey twitching my lips whenever it stung. Masakit kasi parang nadadamay din mga ugat ko sa ulo. Parang pinagsisihan ko pang nawalan ako nang pake kahapon.

The Girl With An Eyepatch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon