1 ( Guy )

3 0 0
                                    

Simula

Madalas mo bang naiisip kung ano ang anyo ng isang pamamaalam?
O ang pakiramdam ng  pagtatagpo ng ilog at karagatan?

Nais ko lang malaman ang katotohanan ng tunay na pakiramdam. Yaong hindi gawa-gawa ng pusong nagpapanggap na sugatan.

" Guy! "

Lumingon ako sa tawag ng aking pangalan. Isang taong hindi ko nais na makalimutan ang aking nasilayan. Sa kanyang ngiti ay nakikita ko ang liwanag ng pag-asa.

" Lumen, ano't natagalan ka? " Binigyan ko ito ng yakap na ginantihan niya.

" Eh nautasan pa ako ng ina, marami kasing ginagawa ngayon sa palengke "

" Ganun ba? Sana sinabi mo at nang natulungan kita " Saad ko na ikinasama ng tingin niya.

" Alam mo naman na hindi ka maaaring gumawa ng ikasasama ng kalusugan mo diba? " Isang galit na tono ang ginamit nito.

Napangiti ako. Ano nga bang magagawa ng tapang? Kaya ba nitong alisin ang bumabarang kirot sa puso?
Inakbayan ko si Lumen at ginulo ang buhok nito kasabay ng aking ngiti.

" Gusto ko lang naman tumulong, saka batid ko naman na hindi mo planong ipaalam sa akin ang nakakapagod mong gawain "

Tumingin siya sa akin at tumango. Hindi ko batid kung masaya ba ito o malungkot basta naglakad lang ito patungo sa dalampasigan. Nang makarating sa malaking bato na nakasanayan na naming puntahan tuwing hapon ay lumingon siya sa akin katulad ng mandalas niyang Gawain bago humarap sa dagat.

Ngumiti ako sa tanawin. Ito ang Isa sa mga ala-ala na nakapinta na sa aking puso. Ala-alang pabaon ng panahon.

" Paano nga ba ang pakiramdan ng along humahampas sa dalampasigan? " Kaagad na tanong ni Lumen nang makaupo ako sa tabi niya.

" Hindi ko alam. Nais kong isipin na ito ay payapa ngunit sa aking nakikita ay minsan nang rumagasa ang heganting alon at nilulunod ang malilit na buhangin tangay pabalik sa karagantan"

Ano nga ba? Wala akong alam...

AntìoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon