7 ( Guy )

1 0 0
                                    

Pamagat

Kung ating mararapatin kaya ba nating pigilin ang luhang dumadaloy sa ating mga mata? Siguro nga, ngunit ang pighati ay hindi mapapawi.

Batid ko ang sakit na kanilang nararamdaman. Dahil iyon din ang kasalukuyan kong pinagdadaanan.

Hindi ibigsabihin na ako ay mamamaalam hindi na ako nasasaktan. Ang katotohanang hindi masakit ang mawala. Kundi ang sakit ng mang-iwan nang hindi mo ginusto kailanman.

" At kahit pa
Ang mundo ay mag-iba...

Ako'y laging nandirito
Di man ako para sayo

Puso'y di magbabago.... "

Dinig ko ang mahinang pagkata ng aking ina. Ang impit na tinig ng pagdadalamhati. Ang lungkot sa mga mata ng aking ama. Na nais pawiin ng aking nanghihinang ngiti. Ngunit hindi magawa ng sarili.

" Hiling sa tala
Sa aking huling oras

Sa mga araw na makikita
Ligaya sa iyong mga mata

Masilayan sa huling paghinga
Bago lisanin ang mundong kayganda "
Aking sinambit ay lumingon sila.

" Guy, patawad kung wala kaming magawa ng iyong ina. Alam ng Diyos kung gaano namin nais na makapiling ka. Patawad Anak ko. Mahina ang iyong ama. Hindi man lang niya kayang diskubrehin ang iyong karamdaman. Patawad anak ko " Saad ng aking ama.

Kung kaya ko lang pawiin ang luha sa kanyang mga mata. Kung may kakayahan lamang akong kuhanin ang sakit na kanilang nadarama.

" Ama, hindi mo kasalanan kung hindi mawari at batid ng mga doktor ang aking karamdaman. Hindi mo kasalanan kung walang lunas ang sakit ko. Wala kayong kasalanan "

" Ano ba ang ginawa ko para magkaganito ka? Anong kasalanan ko at pinaparusahan tayo ng mundo? Minsan nais Kong itanong. Nasaan ang Diyos sa mundong ito " ang lumuluhang Sambit ng aking ina na waring sinisisi ang maylikha.

" Ina, pangako tayo muli ay magkikita. Ngunit sa ngayon ay nais ko lamang magkaroon ng magagandang ala-ala. Pabaon sa paglisan ng aking kaluluwa "

" Pangako anak ko, magagandang ala-ala sa iyo ay pabaon ng nagmamahal na mga puso "

" Salamat " ngiti ng mata ay ginawad ko sa kanila.

Sa kwentong aking sinimulan. Akala ko ay isa itong walang hanggan. Na ito ay katulad ng librong may walang katapusan. Katulad ng bituin sa kalawakan. Ngunit ngayon ay wari bang Isa itong letrang nakasulat sa buhangin. Na kapag nadaanan ng alon ay nabubura.

" Ang mga makata nga naman. Kung ang habangbuhay ay para sa mga immortal bakit hindi nalang niya gawing pantasya ang isinusulat na tula at gawing masaya? " Anang akong ina.

" Para tayong karakter ng Isang libro na pinamagatan ng kalungkutan " dagdag ng aking ama.

" Ama, ina, kung nais ko mang pamagatan ang kwentong aking sinimulan. Ito ay Walang hanggang paalam ".....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AntìoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon