Tungo ng paglisan
Hindi ko lubos maintindihan ang isipan ng tao. Gayong maayos naman ang kanilang payapang buhay sa probinsya. bakit kailangan pang umalis?
Waring hindi kuntento sa buhay na kapiling ang kapayapaan. Mga taong nais makipagsapalaran sa lugar na tinatawag na kapalaran. Ang swerte ay himala at ang malas ay nagkalat madalas.
Tinatanong ko ang ina kung bakit kailangan ko pang lisanin ang lugar na tinatawag ko nang kalayaan. Ang lugar kung saan ko natagpuan ang kapatid ko nang maituturing. Ang lugar ng kapayapaan hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kung hindi ay sa puso't isipan.
Ang sagot niya ay ganito.
" Lahat ng bagay sa mundo ay lilisan anak ko. Ito ay nagbabago katulad ng punong matayog na kahit pilitin man nating panatiliin ay magbabago pa rin"
Ngayon ay naisip ko. Ito rin ba ang ibigsabihin ng pag-alis namin sa tahanan ko?
Hindi ko ginustong lisanin ang lugar na ito. Nais kong manatili. Nais kong makita ang ngiti ng kaibigan, ang maramdaman ang simoy ng hangin, ang makita ang papalubog na araw sa batong nakatayo paharap sa karagatang aming nakikita.
Ngunit ang tangi ko na lang magagawa ay ang baonin ang kanyang mga ala-ala.
" Ina, saan ba ang tungo ng buwan kung ito ay hindi nagpapakita? "
Sa tanong Kong iyon ay ngumiti siya.
" Bakit? Saan ka nga ba pupunta kapag lilisanin mo ang lugar na ito? "
" Hindi ko alam. Alam Kong walang nakakaalam "
Ang titig ng aking ina at haplos ni ama ay nakapagtataka.
" Guy, anak ko. Kung naisin mo nang lumisan ipangako mong sa bituin ang tungo mo nang sa gayon ay masisilayan ka pang muli ilang dekada man ang lilipas " Saad nang aking ama na ngayon ay kayakap ang lumuluha kong ina.
" Ilang taon nga ba ang Isang dekada? " Taka kong tanong Kay ama.
" Sampo, anak ko " sagot niya habang ginugulo ang buhok ko.
" Kung gayon ay Isang dekada pa lamang ang aking buhay " napapaisip na Saad ko.
Ngunit basehan ba ang dekada upang matutohan mo ang mga bagay-bagay sa mundo? Hindi ko alam.
" Huwag mo nang isipin yun Guy, sige na at magkikita pa Kayo ng kaibigan mo "
Ngumiti ako sa kanila at yumakap bago ako lumabas ng bahay. Bago ako tuluyang umalis ay muli ko silang nilingon at ngumiti pagkatpos ay tumakbo na papalayo...
![](https://img.wattpad.com/cover/313565593-288-k877420.jpg)
BINABASA MO ANG
Antìo
Short StoryKatulad ng araw at buwan ang isa't-isa ay hindi na muling masisilayan.....