4 ( Lumen )

0 0 0
                                    

Kurido ng makata

Ang hampas ng alon sa dagat at ang simoy ng panghapong hangin ang naramdaman ko habang nakaupo sa malaking bato kaharap ang malawak na karagatan.

Lumingon ako sa presensya ni Guy. Ngumiti ako rito na ginantihan naman niya. Isang ngiti na hindi ko batid kung masaya, payapa o sadyang nalulumbay.

Magmula nang malaman namin ang kalagayan niya ay ganito na ang ngiti niya. Hindi ko lubos akalain na marami kaming matututinan sa buhay namin sa murang edad. Waring  namamalagi lamang kami sa katawan ng labinlimang  taong gulang na bata.

" Bakit? " Nagtataka nitong tanong habang nakatitig sa akin.

" Mas maputla ka ngayon ah! May nangyari ba? " Tanong ko.

Pansin ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya wari bang larawan na unti-unting kumupas. O hindi Kaya ay tugtug ng instrumento na papalayo.

" Wala naman " pag-iwas nito ng tingin pauntang karagatan.

Alam ko. Batid kong naranasan na naman nito ang sintomas na sinasabi sa kanya. Alam ko rin kung hanggang kailan na lamang kami magkasama.

Ngunit masama ba ang umasa? Ang hilingin sa mga tala na patigilin ang oras? Ang hingin na ibalik ang nakaraan katulad ng kwento sa librong nagbalik sa nakaraan?

" Lumen, nabasa mo na ba ang isang nobela na naisulat ng isang makata? "

Lumingon ako sa kanya habang siya ay nanatili ang mga mata kung saan nagtatagpo ang langit at karagatan.

" Hindi pa, ano ba ang wakas ng estorya? " Tanong ko.

" Bakit wakas? Hindi ba maaaring Simula muna? "

" Pare-parehas lang naman ang Simula ng estorya eh!  Ngunit may pag-asa pa sa wakas ng estorya "

" Lumen, ang isinulat ng makata ay Isang kurido. Oo at ang wakas ay masaya ngunit nasisiguro mo bang ang sinasabing bahangbuhay sa Kanta ay hindi natatapo? " Anito.

" Nais ko mang hilingin ang habangbuhay batid Kong walang bagay na ganun " sagot ko.

Sana ay katulad ng kurido na yari ng makata magiging masaya din ang pagtatapos ng kurido naming gawa ng mundo.

Ang pag-ubo ni Guy ang nagpalingon sa akin tungo sa kanya. Hinagod ko ang likod niya habang patuloy ang pag-ubo nito.

" Lumen.... " Bulong niya.

Sinundan ko ng tingin ang kamay niya na nakaharap sa amin. Nababalot ito ng dugo.

" Guy.... " Batid ko na ang daloy ng aming estorya ay katulad ng sawing kurido ng Isang makata.

Ngunit hiling ko lang sa makatang nagsulat ng aming kwento ay habaan ang araw na makasama ko siya...

AntìoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon