5 ( Guy )

0 0 0
                                    

Liham

Gaano nga ba kasakit ang pamamaalam?

Katulad ba ito ng sugat ng nakaraan o ang magmamarkang kasalukuyan?

" Anak, magpahinga ka na ulit " alo ng aking ina sa akin.

Dalawang araw na ang nakalilipas nang mangyari iyon. Hindi ko pa magawang makalabas dahil sa panghihina. Naisin ko man ay bawal.

" Kakagising ko lang naman ina. Nais kong pagmasdan ang tanawin sa labas " binigyan ko ng munting ngiti ang aking ina.

Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ang aking noo " sige, bubuksan ko lang bintana " marahan nitong saad. Sinundan ko ng tingin ang aking ina. Muli ay napangiti ako.

" Siya nga pala, bibisita si Lumen dito, hintayin mo na lamang siya. May gagawin lang ako sa labas " Saad nito.

" Sige po "

Paano bang ang paglalakbay ay nagbibigay sa Tao ng sakit. Kung ang sabi nila ay maligaya ang paglalakbay sa mundong ito. Bakit karamihan ay lumuluha ng kapaitan?

Yaong maligaya,
Pighati ang nadarama,

Yaong nasasaktan,
Pilit na lumalaban,

Itong paglalakbay,
Katapusan ang laging tinataglay.

Ano nga ba ang pakiramdam na manatiling buhay sa pagdaan ng panahon? Yaong imortal na hindi namamatay.

Ang sarap humiling sa mga tala na sana ay mawala ang salitang  paalam. Ngunit ang hiling na imposible ay tunay ngang hindi mangyayari.

Ang simoy ng hangin,
Kapayapaan ang tanging hiling.

Sa agos ng ilog,
Ang puso ay waring nahuhulog.

Yaring alab ng apoy,
Dinggin aking panaghoy.

Kailan nga ba natin masasabing tapos na ang kwento? Ito ba ay sa pagbigkas ng wakas? Paano ang kasunod nito?

" Guy? " Nilingon ko ang boses ng taong kilala ko.

" Lumen " tawag ko. Kahit nanghihina ay pilit akong ngumiti.

Kalungkutan ay taglay,
Ningning ng mga mata ay matamlay.

Sa ngiting alay,
Mga salita ang aking gabay.

Mahal ko ito ay para sa iyo,
Pabaon ang ala-ala ng ikaw at ako.

"

Kumusta na? Nag-alala ako sa'yo " Kita ko ang kaginhawaan sa kanyang anyo.

" Ayos lang ako kaibigan, huwag ka nang mag-alala at magiging maayos din ang lahat " saad ko sa isang ngiti.

" Gaano nga ba kamakatotohanan ang isang salita? Dahil ito ba ay pinangako ay magiging totoo ito? " Bigla nitong tanong.

Muli akong ngumiti. Alam ko ang nais niyang ipahiwatig. Hindi ko Ito masisisi sapagkat ako mandin ay nawawalan na ng pag-asa. Batid namin ang wakas ng estorya.

" Alam ko malapit na, Guy. Ngunit masama bang humiling sa buwan ng kaunting pag-asa? "

" Lumen, ang hiling ay maituturing kong himala "

Sa   buwan at tala,
Ang hilingin ay isang himala.

Ang liwanag ng araw,
Masilayan ay tanglaw.

Itong liham ng pamamaalam,
Sana ay manatili sa iyong kaalaman...

AntìoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon