2 ( Lumen )

1 1 0
                                    

Misteryo

Paano mo nga ba malalaman ang tunay na nararamdaman ng Isang tao? Kapag ba ito ay ngumingiti ay tunay itong maligaya? O kung ito ay luluha lungkot nadadama?

Maihahalintulad nga ba natin ang ating nadarama sa mga bagay na ating nakikita? Matutumbasan nga ba natin ang damdamin ng isang tao?

Habang tanaw ang karagatan ay mas lalong nadadagdagan ang aking mga katanungan. Gusto kong marinig ang mga sagot ni Guy. Nais kong alamin ang kanyang damdamin.

Ngunit katulad ng estorya sa librong nababasa, hanggang doon na lamang sa kanilang ipinapakita ang ating mga nalalaman. Katulad ng kwento ng alamat kung saan ang mga misteryo ay nakatago.

Si Guy, isang taong nais kong protektahan. Ngunit ang kanyang nararamdaman ay misteryo na waring hindi malalaman kahit kailan.

" Naisip ko lang, kapag ba masaya ka yun na talaga ang totoo mong pakiramdam? " Napalingon si sa aking tanong. Isang tingin na wari ay hindi niya naintindihan ang laman.

" Siguro.... " Anito

" Siguro! Isang katagang hindi ka sigurado " wika ko.

" Lumen, lahat ng pangyayari sa ating buhay ay walang kasiguraduhan " ngumiti ito habang nakatingin sa karagatan.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinunod ang tingin ng aking kaibigan. Papalubog na ang araw kung saan ang langit at karagatan ay nagtatagpo.

" Oo nga naman. Ngunit hindi ka ba nagtataka sa nakaraan? Kung ang buhay ay walang kasiguraduhan. Paano pa kaya ang paglisan? Saan nga ba nagtatapos ang buhay ng mga taong lumipas na? "

Lumingon siya sa akin at gayon din ako.

" Kaya nga tinatawag na misteryo dahil hindi natin Alam ang kwento. Walang kasiguraduhan kasi hindi natin alam kung saan ang tungo mga lumisan "

Ang sagot niya ang nagpapasiklab ng aking pagtataka. Saan nga ba sila nagtungo? Kung ang mga buhangin ay sa karagatan at ang tubig ay naging ulap sa himpapawid, hindi ba at maglalaho din naman sila kagaya ng mga bagay sa ating buhay? Ngunit bakit?

" Lumen, tara na at gumagabi na. Hahanapin ka na ng iyong ama at ina " tawag ni Guy sa akin.

Nilahad niya ang kanyang kamay na kaagad ko namang tinanggap.

Muli kong sinulyapan ang huling sinag ng liwanag.

Saan ba ang tungo nito pagsapit ng dilim? At kung ito ay magbabalik at ang dilim ay lumisan, saan ba nagtatago ang gabi ng kalungkutan?...

AntìoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon