Part 1: Shoplifter

220 12 1
                                    

Background music is playing...

Sumpa ko,
Saksi ang buwan at mga bituin, nariyan ako
Sumpa ko kailan man ay 'di ka iiwan,
Nariyan ako

I swear
Like the shadow that's by your side
I'll be there
For better or worse
'Til death do us part
I'll love you with every beat of my heart

IMEE'S POV

Narito ako ngayon sa pag-aari naming department store kasama ang pinsan kong si Cecil. Ang dapat naming gawin ay mamasyal at kumustahin ang progress ng department store na ito ngunit heto kami ngayon sa harapan ng manghuhula na sa tingin ko'y nababaliw na dahil sa kung ano-anong kanyang pinagsasasabi.

"AHHH maswerte ka iha, ayon dito sa aking bolang kristal makikilala mo ang isang lalaking gwapo, AHAHA! Siya ang magmamahal sa'yo ng tapat AHAHAHA!" sa pagsasalita niya ay nagkatinginan kami ng pinsan ko. 'Di kaya nababaliw na'to?

"Ah kailan? kailan ho niya makikilala?" pang uusisa ni Cecil. At nagtanong pa siyang talaga ha

"Ngayong... araw na ito!!" ngiting-ngiting sambit ng babaeng manghuhula.

Hindi ko na matake ang kaganapang ito kaya't agad ko nang inaya si Cecil lumabas.

"Pwede ba, hindi ako naniniwala sa mga hula-hula na yan 'no" mabilis na pagsasalita ko na sinabayan ko ng mabilis na paglalakad dahil hindi parin ako maka get-over sa pinagsasasabi ng manghuhula na 'yon.

"Ay ako naniniwala ako dahil hindi pa pumapaltos yan" pagkampi ni Cecil doon sa manghuhula at mabilis akong sinundan.

-

TOMMY'S POV

Dati akong isang miyembro ng militar ngunit ako ay nag bitiw na dito sapagkat sa araw-araw na ako'y papasok ay napupuno ng pangamba ang nanay ko dahil sa ito ang siyang naging dahilan sa pagkamatay ng tatay ko. Sapagkat kapag pinasok mo ang trabahong ito ay ang laging mong pagpipilian ay buhay mo o buhay ng ibang tao. Ayaw ko naman siyang pag-alalahin pa dahil nga sa may sakit ito sa puso.

At ngayon ay kasalukuyan akong naka duty sa aking pinagta-trabahuhang department store, mataman akong nagbabantay sapagkat ito ang unang araw ko sa trabaho at ayaw kong gumawa ng dahilan para ako'y masisante agad sapagkat kailangan ko ang kikitain ko dito lalo't higit ay kailangan ito para sa medikasyon ng nanay ko.

Sa may di kalayuan ay may nakita akong babae na palinga-linga at talagang kahina-hinala ang galaw nito. Ang mga mata ko ay nakabantay sa kanya sapagkat kung may gagawin itong hindi kanais-nais ay wala akong magiging katulong dahil ako lang ang nakabantay sa parteng ito.

At agad akong naging alisto ng kumuha ito ng alahas na puro perlas ang disenyo na sa istema ko'y nagkakahalaga ng higit kumulang na apat na daang libo.

Nang ibulsa niya ito ay naglakad na siya papalayo at agad ko itong hinabol. Medyo maraming tao kaya hindi pa siya masyadong nakakalayo kaya't nasusundan ko pa ito.

"Excuse me, excuse me, Miss! miss sandali lang!" pagtawag ko sa babae

Nang ako'y kanyang marinig ay nilingon niya ako ngunit agad rin siyang bumaling paharap at sinisimulan ng maglakad ng mabilis.

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon