Part 7: Kung Isa Itong Panaginip

50 7 1
                                    

Narito ngayon sila Imee sa may salas at nagkakasiyahan sila ngayon kasama sina Aling Rina, Mang Kaloy, Alfred, at mga kaibigan nito.

Naaalala Ka by Rey Valera

"Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka?"

Nakangiting kumakanta si Imee habang nakatingin sa mga mata ni Tommy na kanina pang nakatutok ang paningin sa kanya.

Ang alam ng lahat ay hindi siya kumakanta ngunit lingid sa kanilang kaalaman na iilan lamang ang kinakantahan ng babae.

Ang kaniyang boses ay namana niya sa kanyang mamá na si Doña Meldiana. Nang huli siyang kumanta ng ganito na talagang nanggagaling sa puso ay noong kasama niya pa ang kaniyang ina.

"Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba"

Habang kinakanta niya ang liriko ng kanta ay dahan-dahan niyang inabot kay Tommy ang kaniyang kamay upang ito'y patayuin.

Nang tanggapin iyon ni Tommy ay agad nilagay ni Imee ang mga kamay nito sa kaniyang bewang at inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ng lalaki habang sa kabilang kamay naman ay hawak niya ang mikropono at dahan-dahan silang sumasayaw at sinasabayan ang mabagal na kumpas ng musika.

-

"Anong ibig sabihin nito?!" nagagalit na sigaw ni Don Vicente nang siya ay makapasok sa opisina ni Mark Valdez hawak ang papeles.

Agad namang napatingin sa gulat ang lalaki na nakaupo sa swivel chair nang marinig ang Don.

"Hindi ba matagal na akong bayad dito? bakit sinisingil parin ako? ha? bakit?!" nagngingitngit sa galit sa sabi ng Don at padabog na inilapag ang papeles na hawak sa lamesa. Agad namang nataranta ang lalaki at binuksan ang laman ng papeles.

"B-baka nagkakamali lang sila Don Vicente, matagal ko nang nabayaran ito" kinakabahang tugon niya.

"Huwag mo nang bilugin pa ang ulo ko Valdez, saan mo dinala ang walong milyong piso na pambayad sa pedidong 'yan?!" galit na sigaw nito habang hinahampas ang kamay sa ibabaw ng papeles.

"Maniwala kayo sa akin Don Vicente, wala akong kinalaman dito" pagtanggi ni Mark habang pilit na itinatago ang kaba.

"Tandaan mo ito, pag aking napatunayan na may kinalaman ka sa anumalyang 'yan- mabubulok ka sa kulungan" seryoso at galit na banta ng Don at saka ito naglakad papalabas sa opisina.

-

"Papaano ko ibabalik eh nalustay ko na lahat ng pera! Kaya ko nga pinipilit na mapaibig si Imee para mapagtakpan ko lahat ng atraso ko sa kumpanya. Ngayong nabuko na ako ng matanda, kailangan ko nang isugal ang huling baraha ko. Ayaw kong makulong. Iligpit natin si Don Vicente." seryosong sabi niya sa harap ng kaniyang mga tauhan.

-

"Pwede na ho muna kayong umidlip, gigisingin ko na lang kayo pagdating sa hacienda" sabi ng lalaki sa Don habang ito'y magmamaneho.

Madilim at medyo walang dumadaan sa kalsada na kanilang tinatahahak kaya't mainam na umidlip muna ang Don dahil malayo-layo pa naman sila.

"Mabuti pa nga" pagsang-ayon ng Don at ipinilig nito ang kanyang ulo

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon