Part 9: Mister Ko (Finale)

97 8 1
                                    

"Boss nasisiguro kong nasa loob sila ng bodega" sabi ng tauhan ni Mark pagkatapos nitong examinahin ang bodega, pagkasabi ng tauhan niya ay agad namang lumabas si Mark sa kotse kasama ang mahigit sa sampong lalaki na may hawak na baril.

"Ikutan niyo! doon kayo sa kabila" utos ni Mark sa mga lalaki at agad naman siyang sinunod ng mga ito.

"Dito tayo" sabi niya sa dalawang lalaki na nasa likuran niya at agad silang naglakad papasok sa malaking bodega.

-

"Ang kapal..." naiiling na sabi ni Imee habang nakaupo at hindi makapaniwalang tinitingnan si Tommy na hanggang ngayong magtatanghali na ay tulog pa rin.

Sa inis niya ay kinuha niya ang pamaypay na karton at padabog na hinagis ito kay Tommy at nang hindi ito kumibo ay tumaas ang kilay ng babae.

"walang dating? pambihira talaga..." gigil na bulong ni Imee, at nang tingnan niya muli ang relo ay napagdesisyunan na niyang lumabas.

"Final na 'to, aalis na talaga ako" sabi ng babae at akmang hahakbang na ito ay muli siyang napalingon sa lalaki at agad siyang gumawa ng ingay gamit ang matunog na sapatos niyang suot, naglulundag siya at kung anu-ano pa ang ginawa.

Nang mainis na lalo siya ay tumalon siya sa mga bakal na nasa pagitan nila, maingay ang sapatos nito ngunit wala paring dating kay Tommy. Nang manawa siya ay gigil siyang tumingin kay Tommy at nagsalita.

"ANG KAPAAAAAL talaga ng mukha mo!" gigil nitong sambit at saka winasiwas ang kamay sa ere at padabog na naglakad na palabas.

At nang maramdaman ni Tommy na umalis ang babae ay dahan-dahan nitong iminulat ang mata niya at sinundan ng tingin si Imee.

Nang mabuksan ni Imee ang pinto ng bodega ay muli pa itong lumingon sa loob.

"Bahala ka sa buhay mo! Matulog ka maghapon magdamag!" nakapamewang nitong sabi "ang sarap mong i-exile sa Hawaii" gigil pa nitong bulong at saka tuluyang naglakad.

"Ang yabang— AHHHHHH JUSKO, TAKBO IMEE! NAKOOO TOMMY!" sigaw ng babae habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo at agad na bumalik muli sa loob ng bodega nang makita si Mark at mga tauhan nito na may mga dalang baril sa labas

"Jusmiyo santisima!" sigaw pa nito nang paputukan siya ng baril ni Mark

Nang makapasok siya ay agad na sumalubong sa kaniya ang bisig ni Tommy at napayakap pa siya sa lalaki dahil sa takot.

"Tommy! may baril, binabaril nila tayo! AHHHHH" sigaw pa ni Imee at agad naman siyang hinila ni Tommy malapit sa tangke upang ilagan ang baril ni Mark.

Nang maayos niyang isinandal si Imee ay agad siyang bumalik at pinagbabaril ang dalawang tauhan ni Mark malapit sa pinto.

Ang iba namang tauhan na nasa labas ay sinenyasan ni Mark na pumasok dahil nalagasan na sila ng dalawa.

Nang lumabas sila likod ng tangke ay may nasalubong silang isang lalaki at nang paputukan sila nito ng baril ay agad hinila ni Tommy si Imee papunta sa isa pang pinto.

At akmang hahakbang na sila palapit ay bigla itong bumukas at tumambad sa harap nila ang dalawang lalaki na may hawak na baril. At nang papaputukan na sila nito ng baril ay agad niyang hinila si Imee payuko at pumunta sila sa may malaking tangke.

"AHHHHH! TOMMY!" natatarantang sigaw ni Imee nang paputukan na naman sila ng mga lalaki.

Nang may masalubong silang isang lalaki ay agad na binaril ito ni Tommy at hila-hila si Imee habang pinapaputukan ng baril ang dalawang lalaking nasa kabilang pinto

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon