Part 3: Feel ko daw?

96 7 2
                                    

IMEE'S POV

Nang makarating kami sa parking lot ay agad na bumaba si Tommy at pinagbuksan ako ng pinto. Ayan ganyan nga!

Nang makababa ako at magtama ang paningin namin ay agad ko itong tinarayan. Akala niya makakalimutan ko yung ginawa niya sa'kin? HAH NEVER!

Nang makapunta ako sa trunk ng kotse ay sinenyasan ko si Tommy na lumapit sa'kin.

"Buksan mo 'to" seryoso ngunit mataray kong utos at agad naman itong sumunod- dapat lang!

"Aba dami nito ah" nakangiting pagtukoy niya sa mga box na naroroon

"Sige buhatin mo na!" paguutos ko. Aba eh, alangan namang ako ang magbuhat? para saan pa't naging bodyguard ko siya?

"Aba teka teka. Bodyguard ang papel ko dito ah, hindi utusan. BODYGUARD." sabi niya mismo sa mukha ko. Talagang bastos!

"Ah ganon? so nagrereklamo ka? Oh edi mag resign ka" mataray kong sabi

"Hmm ikaw naman hindi na mabiro! Ang ganda mo pala pag nagagalit ka" sabi niya sabay tapik sa braso ko na parang mag tropa lang kami

"Mukha ka namang pitugo kapag nang-aasar ka, hala sige buhatin mo na yan!" mataray kong tugon. Aba hindi niya ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya 'no!

"Your wish is my command" nakangiting sabi niya at sinakbit ko naman ang bag ko sa balikat niya, yumuko siya at agad niyang kinuha ang mga box at nang wala siyang mapaglapagan ay tumingin ito sa'kin at nagsalita.

"Pwedeng paki hawakan mo muna"

"Aba eh bakit ako?" mataray at nakapamewang kong sabi

"Eh papaano ko makukuha yung isa kung hawak ko 'to?" sabagay may point naman siya kaya walang choice ang lola niyo at kinuha na ang box na pinahahawak niya. At ang bastos na 'to ay may pinatong pang isang box at ngayon ay natatakluban na ang mukha ko! Diosmiyo mahabagin!

"Tayo na" nakangiting sabi niya- at ang tanging dala lang niya ay ang attache case ko!

Nanggigigil na'ko pigilan niyo ako!

"Ano?! Ano 'to?!" mataray kong sabi

"Hehe nagbibiro lang po" nakangiti pang sabi niya at agad ko namang padabog na ipinasa sa kanya ang dalawang box

"Buhatin mo! Dali! dami mong alam.." mataray na sabi ko at padabog na sinarado ang pinto ng trunk

-

"Huwag na huwag mo akong bobolahin at bibiruin ha! at baka sa susunod ay hindi ako makapagtimpi sa'yo at baka may magawa pa ako, hala sige ipasok mo. Ilapag mo diyan!" pagdadaldal ko at saka binuksan ang pintuan ng office ko para makapasok siya

"Hoy Cecil tumawag ka ng messenger at ipadala mo yan sa office ni Mrs. Dela Vega ha! ngayon din!" pag uutos ko kay Cecil at mukhang hindi nito napakinggan ang sinasabi ko dahil nakatingin ito kay Tommy. Ano bang meron sa lalaking 'to at ganyan siya makatingin!

"Cecil, narinig mo ako?!"

"Ohh yes Imee!"

"Good!" pasigaw kong sabi at naglakad ako papunta kay Tommy upang hilahin sa kaniya ang bag at attache case ko at medyo nataranta ito

"Buti naman at natataranta ka" mataray kong sabi at pumasok na sa mismong office ko

Nang makapasok ako ay inilapag ko ang mga gamit ko sa table at nang lumingon ako paharap ay nakita ko si Tommy na nakasunod saakin.

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon