Part 5: Inlove?

67 9 1
                                    

IMEE'S POV

"Matagal-tagal narin tayong hindi nakakapunta dito Imee, kaya't naisip ko sanang dito ganapin ang kaarawan ng iyong Mamá" nakangiting sabi ng daddy. Narito kami ngayon kasama si Cecil sa aming dating bahay at ngayon ay nagdi-dinner kami. Napangiti at napailing nalang ako sa sinabi ng papá.

"Daddy, nagiging sentimental ka yata" natatawang sabi ko sa kanya

"Hindi mo mai-aalis sa'kin yan anak, dahil ang bahay na ito ay ang una naming naipundar ng iyong mamá noong kami'y parehas pa lamang nagtatrabaho." pag re-reminisce niya

"Ngayon ay panatag na ang loob ko na mapapatakbo mo na ng ayos ang ating negosyo. Kaya naman naisip ko na dito na lamang ako mamalagi, hindi narin naman ako pabata" seryosong sabi ng papá

THIRD PERSON'S POV

"Pare baka nagugutom na kayo, pumasok na muna kayo sa loob at ako na muna ang magbabantay dito" nakangiting sabi ni Tommy sa isang sekyu na nasa labas ng mansyon. Lingid sa kaalaman niya na ang isang sekyu malapit sa kanila ay wala ng malay ngayon dahil pinatumba na ito.

"Talagang maganda ang lugar na ito ano? napaka payapa pa" naka ngiting sabi pa ni Tommy sa lalaki. Ngunit bago pa lamang siya tumingin sa lalaki ay may humampas na sa kanya ng baril dahilan para mawalan siya ng malay ganon rin ang lalaking sekyu na kasama niya.

Sa kabilang dako naman ay maghahain sana ang isang katulong ng tapatan siya ng baril ng isang lalaki dahilan para siya ay mapasigaw at mabitawan ang pagkain na sana'y ihahain niya sa Don at nahimatay ito dahil sa takot. Agad namang hinampas ng armadong lalaki ang kanyang baril sa isang sekyu na sana'y susugod sa kanya.

Nang lumabas ito patungo sa likod ng mansyon ay nakita niya roon si Don Vicente Ferrer, ang pamagkin nito na si Cecil , at ang nag-iisang anak ng Don at kanilang target na si Imee Ferrer.

Walang oras na pinalampas ang lalaki at agad itong lumapit at hinawakan ang nag-iisang anak ng Don sa leeg at pilit itong itinayo. Sa tagpong 'yon ay agad nagulat ang Don kaya agad itong tumayo at pilit na inaagaw ang kaniyang anak ngunit ng akma siyang lalapit ay may humampas na kanya ng baril mula sa likuran.

Ang pinsan naman ni Imee na si Cecil ay hawak ng isang lalaki, pilit itong nag pupumiglas ngunit siya ay sinampal at sinuntok ng lalaki sa tiyan dahilan para mamilipit ito sa sakit at hindi na makatayo pa.

Sa kabilang banda ay babagong nagigising pa lamang si Tommy hawak hawak ang kanyang batok dahil sa sakit ng paghampas sa kanya ng baril.

Nang marinig niyang sumisigaw si Imee ay nagulantang siya, nang muling sumigaw si Imee ay tinatawag na ang kanyang pangalan at humihingi ng tulong kaya't kahit may iniinda pang sakit ay pilit itong tumayo. Mas naging mabilis pa ito nang makita niyang pilit na kinakaladkad si Imee palabas ng mga armadong lalaki.

Siya ay mabilis na sumunod at nagtatago sa mga poste na kanyang nadaraanan. Nang maabutan niya ang isang lalaking nahuhuli ay hinampas niya agad ito sa batok at pinagsusuntok sa tiyan at binali ang kamay na siyang humahawak sa baril at saka ito ihinampas sa lalaki dahilan para mapahandusay ito.

Nang mapalingon sa kaniya ang lalaking may hawak kay Imee ay agad niya itong pinatamaan ng baril at doon ay agad nabitawan ng lalaki ang babae na kanyang hawak.

Agad niyang hinawakan sa kamay si Imee paalis at habang sila ay tumatakbo ay may isang lalaki na nagpapaputok sa kanila ng baril. Pilit namang binibilisan ni Tommy ang kanyang takbo upang hindi tamaan ang babaeng kanyang pinaka-iniingatan.

Nang makarating sila sa loob ng mansyon ay may sumalubong sa kanilang isa pang lalaki kaya't mabilis niyang tinulak si Imee papasok sa isang mesa na natatakluban ng mga gamit. Agad niyang ginantihan ng bala ang lalaking muntik ng makapatay sa kanila.

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon