Part 8: Magkano Ba Talaga 'Yang Pag-ibig Mo?

43 7 1
                                    

"AHHHH!" sigaw ni Imee habang pinagbababaril ng lalaki ang bintana sa bandang likod niya. Nang gitgitin siya ng itim na sasakyan ay agad niyang pinihit ang manibela upang tabigin ito. Sa likod naman ng sasakyan ay isang lalaki ang humahakbang papalapit sa likod ng bus kung saan basag na ang bintana at madali na itong makakapasok.

Nang marinig ni Imee ang ingay ng pagsalampak ng lalaki sa likod ay agad itong napasigaw

"TOMMY SA LIKOD!" sigaw ng babae at saka biglang ipinihit ang sasakyan dahilan ng pagkahulog ng baril na hawak ng lalaki dahil sa pagkabigla. Nang makita naman 'yon agad ni Tommy ay sumugod agad ito at pinagsusuntok, bagamat mukhang sanggano ang lalaki ay wala naman palang alam sa pisikal na pakikipaglaban ang lalaki kaya madali itong napagsusuntok ni Tommy.

"Tommy mag-ingat ka!" pasigaw na bilin ni Imee habang pabalik-balik na nililingon ang daan at ang lalaki

Bagaman napupuruhan na ni Tommy ng lalaki ay bigla naman siyang nasuntok nito sa mukha at sa nangyaring 'yon ay agad na sinipa ni Tommy ang ibabang parte ng katawan ng lalaki dahilan upang manghina ito

"Ano bang problema mo! tingnan mo ang kotse ko nagasgasan na, hindi ka kasi nag-iingat!" sigaw ng lalaki habang nakaharang sa kalsada dahil sa nabangga ang kotse niya

"Anong ako?! tingnan mo nga ang ginawa mo?!" pagtatanggol ng isang lalaki sa sarili

Nang iniliko naman ni Imee ang bus ay nakasunod parin sa kanila ang itim na sasakyan at ang puting sasakyan kung saan lulan si Valdez, habang sa loob naman ay matinding pinupuruhan ni Tommy ang lalaki. Nang madampot ng lalaki ang baril ay agad naman itong pinigilan ni Tommy dahilan ng pag-aagawan nila at tinamaan pa ng bala ang bintana na siyang ikinataranta ni Imee

Nang matamaan naman ang babang bahagi ng kinauupuan ni Imee ay agad napayuko ang babae at agad ring ibinalik ang paningin sa dalawang lalaki at nakataas ang kilay niyang sinigawan ang mga ito

"Hoy! bakit ako ang tinatamaan niyo?! mga walanghiya kayo!" sigaw ni Imee at nang ibalik niya ang paningin sa daan ay may nakaharang na dalawang sasakyan at dalawang lalaki na mukhang nagkabanggaan pa, sa gulat ng babae ay agad itong napasigaw at hindi alam kung anong uunahin dahil sa pagkataranta

"AY JUSKO! HOY! MAGSITABI KAYO D'YAN! TABI TABI!" sigaw ni Imee sa loob ng bus at mine-mwestra pa ang mga kamay na para namang makikita siya at maririnig ng dalawang lalaki na abala sa pakikipagtalo sa isa't-isa

"TUMABI KAYO D'YAN! TABI!" sigaw ni Imee at nang maalaman niya na ang gagawin ay agad niyang pinihit paliko ang manibela bago pa niya masagasaan ang dalawang lalaki. Dahil sa sobrang desperadong masundan agad ng driver ni Mark ang bus na minamaneho ni Imee ay biglang namali ang pihit nito sa manibela at nagdire-diretso at sumalpok sa isang maliit na tindahan.

Sa loob naman ng bus ay biglang sinapak ni Tommy ang mukha ng lalaki saka ito sinuntok sa tyan at inipit nito ang kamay ng lalaki sa bakal na bintana dahilan para mabitawan ng lalaki ang hawak na baril. Nang mabitawan ito ng lalaki ay agad na pinagsusuntok ni Tommy ang lalaki sa tiyan, sa mukha at sa iba't ibang parte ng katawan nito. At sa huli ay kumapit si Tommy sa magkabilang bakal na nasa magkabila niyang gilid at tyaka nito binuhat ang sarili at buong pwersang sinipa ang lalaki dahilan ng pagkahulog nito sa likod ng bus.

"AHHHHHH" sigaw ni Imee nang may masalubong siyang truck at saka niya pikit matang pinihit ang manibela upang agad itabi ang bus at unti-unti niyang minulat ang mata ng maramdamang hindi siya nabangga, samantalang ang sumusunod naman sa kanilang itim na sasakyan ay biglang nagtuloy-tuloy sa may matataas na damo at agad napalabas ang nagmamaneho nito nang bigla nitong mabitawan ang manibela dahil sa pagkabigla sa papasalubong na truck.

Sabi Ko Na Mahal Mo Rin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon