Forevermore 4

279 16 2
                                    

Chapter 4


"D! Bat mo naman pinagalitan si Kath?" Tanong ko sa bestfriend ko. Nakita kasi namin kaninang umiiyak si Kath pagbaba ng kwarto nila.

"Zharm naman, tinatama ko lang yung mali ng kaibigan mo. Matatanda na kasi tayo, kailangan na nating mag-mature. Hindi na tayo mga highschool na pwede pa ring mag-asal spoiled brat. Eh si Kath hanggang pagtanda ata madadala na niya yung pagiging brat niya eh." Wow. Si Daniel ba talaga yung kausap ko? Nalason na ba ni Miles ang utak ng lalaking toh?

"Naririnig mo ba yang sarili mo Daniel?! My god. Sa totoo lang, hindi ko ineexpect na sabihin mo yan. At sa lahat ng pwedeng magsabi ikaw pa?! Ikaw pa talaga? Nalason ka na ata nung "LONG LOST FRIEND" mo bestfriend ko!" I said sarcastically.

"Zharm intindihin mo naman ako."

"Daniel intindihin mo naman si Kath! Napakamanhid mo naman! Di ka ba talaga marunong makiramdam?! Nagseselos si Kath kay Miles! At imbes na bigyan mo siya ng assurance na wala siyang dapat pagselosan anong ginagawa mo? Mas kinakampihan mo pa yung Miles na yun! Lalo mo lang pinaparamdam kay Kath na may kahati siya sayo! Ewan ko kung tanga ka lang o nagbubulag-bulagan ka. May gusto sayo si Miles for pete's sake! Paki-iwasan naman para di nasasaktan si Kath, yung MAPAPANGASAWA MO! Ipapaalala ko lang sayo, ikakasal ka na, baka nakakalinutan mo mister." Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Ayoko lang kasi na nasasaktan yung mga kaibigan ko. Napakamanhid naman kasi netong lalaking toh. Katanga-tanga talaga. Ewan ko ba. Jusko, matauhan ka sana Padilla.

"Miles POV

Hay, ang sarap talagang mabuhay. Ang sarap panuorin na unti-unting nagkakasamaan ng loob si Daniel at Kath. Nakakatuwa silang pagmasdan habang nag-aaway. Nakakaaliw talaga tong si Kath. Haha. Akala ba niya magpapatalo ako sakanya? Ofcourse not! Ako ang unang nakakilala kay Daniel, ako ang dapat kasama ni Daniel ngayon, hindi siya. Ako ang dapat mahalin ni Daniel, hindi siya. At ako ang dapat mapangasawa ni Daniel, hindi si Kath! Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ang pinakamamahal ko. Matagal na kong may pagtingin kay Daniel, kaya nga nagtravel ako sa iba't-ibang lugar para magpaganda, para magustuhan ni Daniel. Nawala lang ako saglit, naagaw na agad? At sa lahat ng tao si Kathryn pa?! Lahat nalang inaagaw niya sakin. Magmula nung bata pa kami lahat nasa kanya na. Laruan, damit, sapatos, atensyon, yaman, talino, ganda. Pero ngayon hindi na ko papayag. Hindi na ko papayag na pati si Daniel mapunta pa sakanya. Dahil akin si Daniel, akin siya.

Daniel's POV

Parang nagising ako bigla sa mga sinabi ni Zharm sa akin. Parang may kumirot sa puso ko. Parang bigla akong nasaktan. Sa tingin ko tama yung bestfriend ko. Masyado na yata akong nagiging harsh kay Kath these past few days. Mali ako. Kasalanan ko toh eh, yung side lang lagi ni Miles ang pinapakinggan ko, ang pinapaniwalaan ko. Ang tanga ko. Minsan nang nawala si Kath sa akin, at hindi ko na hahayaan na mangyari ulit yun.

"Reyna ko." Tawag ko sakanya.

"Nagpaalam na ang barkada. Babalik na lang daw sila ulit bukas." Sabi ko sakanya pero di pa rin niya ko iniimik.

"I'm sorry, reyna ko." Sabi ko sakanya sabay yakap.

"Sorry for what?" Mataray niyang tanong sakin kasabay ng pagtanggal niya sa mga kamay ko na nakayakap sakanya.

"Sorry for being stupid. Sorry kung mas kinakampihan ko si Miles. Sorry kung nagselos ka. Sorry kung naparamdam ko sayo na may kahati ka sakin. Hindi na mauulit yun. Iiwasan ko na siya. Swear to god babe ikaw lang. Ikaw lang ang babaeng gusto ko. Ikaw lang ang babaeng mahal ko. At ikaw lang ang babaeng gusto kong iharap sa altar at makasama habang buhay. Minsan na tayong nagkalayo noon, at hindi ko kakayanin pag nangyari pa ulit yun. Hindi kita kayang mawala Kath. Mahal na mahal kita. I'm so sorry." Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Shhhh. Tama na. Okay na yun. Wag na tayong mag-away, nasasaktan ako eh. Basta lahit anong mangyari walang bibitaw ha? Iloveyoutoo honey." And finally! Niyakap niya na ko pabalik. Hindi ko na talaga kayang mamuhay ng wala siya. Thank you lord, we are so blessed.

Forevermore (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon