"Friends With Benefits" new story. Pakisuportahan po mga-kaforever. Hihi. Thanks. Loveyou!
Chapter 5
Tulad nga ng sinabi ni Daniel unti-unti na niyang iniwasan si Miles. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung nag-away kami.
"Bat di mo na lang kasi palayasin?" Tanong sakin ni Julia. "Kung pwede lang eh." Sagot ko. "Bat naman hindi pwede?" Dagdag naman ni Zharm. "Hindi ko naman bahay toh eh. Bahay toh ni mama. Hayaan niyo na naghahanap naman na siya ng condo remember?" Ani ko.
Napakunot ang noo nila Zharm at Julia. "Naghahanap ng condo? Parang hindi naman." Dagdag ni Julia. Ewan ko ba sa Miles na yun. Anyways, si Julia at Zharm lang ang kasama ko ngayon kasi.. naapprove na yung visa nila Yen at Kiray papuntang america, kaaalis lang nila lastweek syempre kasabay nila mga jowa nila. Haha!
"Nako kung bahay ko lang toh matagal ko ng pinalayas yang Miles na yan." Naiinis na sabi ni Zharm. "I agree Zharm!" Singgit ni Tita Vice na kauuwi lang galing mall.
"Hi tita!" Bati naming tatlo. "Hello darlings." Nakangiti ring bati samin ni tita. "Hay si Miles nanaman ba pinaguusapan niyo?" Tanong samin ni tita. Tumango naman kaming tatlo.
"Hay nako hayaan niyo na nga yung bruhang yun. Wag niyo ng pagaksayahan ng oras, nakakalaspag beauty lang yun." Baliw talaga si tita forevs. Haha! Sabagay tama nga naman si tita. Wala naman kaming mapapala sa Miles na yun.
Nagkukwentuhan lang kami nila tita nang marinig namin ang tinig ni Daniel. "Reyna ko?" Tawag niya sakin. "Yes baby boy?" Singgit naman ni tita. Hay nako. "Whatever tita. Yes honey?" Nginitian ako ni Daniel at niyakap. "Nako! Nako! Mga pabebe!" Komento ni tita. Inggitera talaga!
Kauuwi lang nila Daniel, bumili kasi sila ng pizza para samin. Kasama niya si Diego at Enrique. "Napagod ako reyna ko." Nakapout niyang sabi. Hihi. Cutie. "Asus. Iloveyou honey." Paglalambing ko sakanya. "Nako! Nawala na agad pagod ko. Iloveyoutoo." Pambobola ni Daniel. Hay nako para nanaman kaming mga teenagers.
"Sus. Mga pabebe. Maghihiwalay din kayo niyan. Walang forever!" Ewan ko ba. Si tita ata talaga yung kontrabida sa lovestory namin ni Daniel. Haha. Lagi siyang kontra samin eh. Kontrabida ever. "Why so bitter tita?" Tanong ko sakanya. Inirapan naman ako. Haha. Bitter talaga.
"Paanong di magiging bitter eh lahat kayo magjojowa, ako lang single dito. Tapos naglalandian pa kayo sa harap ko? Duh." Hahaha. Sabagay may tama siya. Siya lang walang partner samin hahahaha.
Nagkukwentuhan kami at kumakain ng pizza na binili nila Daniel nang marinig namin ang tinig ni Miles. "Kumakain pala kayo?" Pambungad niya samin. "Bakit? Mukha ba kaming naliligo? Duh." Sagot ni tita sakanya.
Hindi na lang ito pinansin ni Miles. "Hindi niyo man lang ba ko yayayaing kumain?" Nakangiting sabi ni Miles habang nakatingin kay Daniel. "Bakit may inambag ka ba? Di ka kasali." Pagtataray ni tita. Eversince ayaw talaga niya kay miles.
Tinignan naman ni Miles si Tita Vice. "Look tita, I'm trying to be nice here." Madiing sambit ni Miles. Tumayo naman si tita mula sa pagkakaupo at binigyan ng matalim na tingin si Miles. "Look Miles, I'm not trying to be nice here." Madiin ring sagot ni Tita. Omg. "Don't try to hard my dear. Kasi kahit anong gawin mo hindi ka talaga mabait. Trying hard! Pwe!" Ganti ulit ni tita. Whoa! Para kaming nanunuod ng teleserye. And with that nagwalk out si Miles.
"Ang taray tita!" Namamanghang sabi ni Julia. "Saan mo nakuha yung mga linyang yun?" Tanong naman ng namamangha ring si Zharm. "Pang best actress tita Vice!" Puri rin ni Diego. "Pang-famas!" Dagdag pa ni Enrique. "Naman!" Confident pa na sagot ni tita. Haha. Nagkatingin na lang kami ni Daniel habang nagtatawanan. Jusko. Sana naman umalis na sa bahay si Miles. Para wala ng away. Para wala ng gulo.
