𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧 𝙛 𝙤 𝙪 𝙧
Tinitigan ko ang mukha nito,partikular na sa abo nitong mata."Anong ginagawa mo dito?B-bakit mo iniwan yung kotse mo d-don?"
Hinawakan nito uli ang kamay ko at bahagyang pinisil."Ikaw.Bakit mo'ko iniwan?Eh nakita mo naman ako."
Kumibot ang labi ko."Kasi may kausap ka?Si Bethany ata yun,mukhang importante pinag-usapan niyo."
Hinilig naman ni Sean ang ulo sa balikat ko."Nainis ka ba?Sorry,pinag-usapan lang namin ni Bethany yung tungkol sa registration ng pagsali niya sa club."
"Kaya pala may paghawak ng bag noh?"
He laughed."May kinuha lang siya at di niya mahanap kaya hinawakan ko yung bag niya.Para makuha niya ng ayos.Nagseselos ang baby ko oh..."
"Saka nasayo lang naman yung interes ko noh,wala sa ibang babae."Pakshet na toh.
Inayos ko ang pagkakaupo."Che,oo na.Sabi mo eh."
"Ngeks,inis ang girlfriend ko.Bukas na kita susuyuin at ngayon ay ihahatid muna kita.Kelangan mo munang umuwi sa inyo."Sinuklay niyo ang buhok kong medyo umaalpas sa pagkakatali dahil sa hangin.
"Hindi ako inis.Slight lang."
"Oh,edi inis pa rin.Eto talaga..."
"Hay naku,dahil jan nakalimutan ko tuloy na may usapan pa kami regarding sa research paper!"
"Bukas na yan.Magpahinga ka muna ngayong gabi,may oras yang sa school."Tumango lang ako at tumingin sa labas ng tricycle na tinatahak ang daan pauwi sa amin.
"Manong dito na po."Sabi ni Sean nang marating na ng sinasakyan namin ang kanto sa amin.Bumaba na ako at naiwan siya sa loob ng tricycle.
"Ingat ka ha,I love you."Ani ko kay Sean.Ngumiti naman ang lalaki at ngumuso sa akin na parang hahalik
"Yes Ma'am,I love you too."Kumaway na ako at tinignan ang tricycle na pabalik sa pinanggalingan namin ang landas.Naglakad na ako pauwi at tinignan ang oras sa aking cp.Seven-twenty na.
Dinalian ko ang paglalakad at saka pumasok sa maliit na gate namin paloob sa bahay.Wala roon si Ate sa sofa na lagi niyang inuupuan ng ganitong oras.Sinilip ko ang kusina at naroon si Mama na nagtatahi ng mga basahan."Ma."
Agad na lumingon sa pinanggalingan ng boses ang babae.Ngumiti ito ng tipid sa akin."Ginabi ka ngayon nak ah.Nagluto na ako jan, kumain ka na."
Nilapitan ko ito at tinignan ang hindi pa natatahing mga tela.Kaunti na lang iyon, mukhang patapos na."Si Ate nasaan?Saka si Papa?"
Nagpatuloy sa pagtatahi ang ginang,"Ate mo,umalis kanina pang tanghali at hindi pa umuuwi.Absent sa school.Yung tatay mo,hindi ko alam kung kelan ang balik dito sa atin."
Hindi naman nagaa-absent si Ate sa school,lagi itong nakakafull ng school year attendance kaya nagtaka ako nang nagliban ito ng klase ngayong araw."Alam niyo ang dahilan Ma?"
Umiling lang ito at nagpatuloy lang sa pagtatahi."Hindi ko alam, ika'y kumain na muna kesa pinag-iiisip yan.Hindi mo problema yun."
Sa huli ay ngumiti ako ng tipid dito."Sige po,punta muna ako sa kwarto at magbibihis lang,tapos kakain na ako."Tumango ito.
Bumalik ako sa kusina ng nakapambahay na.Si Mama ay nasa sala na at dala ang mga natapos nang basahan."Ikaw na bahala dito Selene.Papanaog muna ako sa kwarto ko at medyo nangalay ang katawan ko sa pagtatahi ng mga basahan ah."
"Opo Ma, pahinga ka lang doon."Tumuloy na ako sa kusina at nagsandok ng kanin.Medyo napadami ang kuha ko pero alam kong kaya ko namang ubusin lahat iyon.Ang ulam na nakita ko ay nilagang baboy.Mukhang may gana si Mama na magluto ngayon ah.
BINABASA MO ANG
His Burning Desire (COMPLETED)
General FictionR-18 UNEDITED Selene and Sean was once a couple who dreams about their life, but one problem would lead to a serious result. Would they still try after years passed? STARTED: June 24,2022 ENDED: August 23,2022