CHAPTER 1

4.2K 44 9
                                    

𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧 𝙤 𝙣 𝙚

Are you okay?"


Yan ang unang salitang narinig ko sa bibig niya.


Mukha ba akong ayos?Sino ang magiging ayos kung ika'y pag-aantaying ng halos limang oras,malayo sa usapan na tatlumpung minuto lamang?


Inaya ako ni Sean magkita dito sa isang cafe pagkatapos namin magkaroon ng pagtatalo kagabi dito sa lugar kung saan andito kami ngayon.Nahuli ko siyang may kahalikang babae sa kotse niya nung pauwi na ako mula sa university na aking pinag-aaralan.Tinawagan ko siya nun ngunit di niya sinasagot kaya nang sagutin niya rin ang aking tawag nun ay nag-away talaga kami.Nakakagigil e,baka raw namamalik-mata ako.Eh kitang kita ko ang itsura ng kotse niya,kakulay ng sasakyang pinang-hahatid niya sa akin.Bobo ba siya?


"Hmm,oo okay lang ako.Kakarating ko lang rin naman."Tanging nasabi ko na lamang.Sigurado kasing siya mananalo kung sasabihin ko lahat ng nasa loob ko.


"Ahh,so late ka rin?Buti nalang nagpalate talaga ako noh?"


Napatiim-bagang ako.Gusto ko siyang sampalin.Pero wala akong lakas ng loob.


"Ganon na nga,anong pag-uusapan ngayon?Uuwi na rin kasi ako eh?"


Sinuklay nito ang maitim at madulas nitong buhok.Tinaas nito ang noo at kilay saka nangalumbaba sa mesa."Order ka,sagot ko.Pili ka na muna." Inabot nito ang menu ng cafe.


Lumunok ako,may kamahalan ang mga pagkain dito.Nakakahiya naman kung todo order ako ng mga gusto ko."Uhm kape na lang."


"Give us two black coffee,two cheesecake and pasta.Make it quick."Sabi nito sa waiter.Inantay namin ang order kaya nagkunwaring may kinukuha ako sa bag upang di mailang sa kanya.Naiinis pa rin ako.

"Selene."


Umangat ang tingin ko sa kanya."B-bakit?"


"Alam kong nakita mo ako kahapon.Yun ang pinag-awayan natin kagabi diba?"


Napakagat-labi ako."Umaamin ka ba na totoo talaga nakita ko?"


Bumuntung-hininga ito,"Hindi kahalikan,pero hinalikan niya ako.Hindi ako gumanti, promise.May problema rin kasi ako kagabi kaya di kita naasikaso at nasuyo sa away natin.Sorry Selene."Hinawakan nito ang kamay ko at bahagyang pinisil.Ang init ng palad niya tapos ang lambot,di tulad sakin na may kalyo pa.


"Bakit ka niya hinalikan?"Tumikom ang bibig ko pagkatapos ko itanong iyon.


"She's one of my past fling before we have a relationship.I don't know that she has still a feelings for me.Kakausapin niya raw ako pero dahil pagabi na ay ihahatid ko sana siya sa terminal pauwi sa kanila pero hinalikan niya ako.Im sorry dahil don nag-away tayo.Aayusin natin to today."He kissed the back of my palm.


"Totoo ba yan?"


He chuckled,"Im one hundred percent sure Sel.Wala na akong feelings don, I'm focusing on you since the day we became partners."


Okay, I'm done being angry.


"I-im sorry too.Nadala ako ng inis ko.Di ko muna inalam ang dahilan."


He smiled,"That's alright Sel.I love you.Sorry uli."


Dumating na ang order namin at sinimulan na naming ubusin iyon.Sometimes, we're laughing after looking each other while eating."Picture tayo."Sabi ko at saka kinuha ang cp ko sa bag.I am looking at the camera while he's kissing my left temple.


His Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon