CHAPTER 10

793 13 5
                                    

𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧  𝙩 𝙚 𝙣

Tumaray ang itsura ko nang makita ko ang shocked na mukha ng ate ko.Well,she should.Natutop nito ang bibig at dali-daling nilapitan ang kabaong ng aming ama.Her mouth formed an O when she saw our father inside the coffin.

"Wala ka nung nabalitaan naming patay na si Papa, kami ang umasikaso ni Mama sa punerarya at saka sa pag-aayos ng lamay,tapos ikaw?Magugulat ka lang jan?Saan ka ba nanggaling ha?!"Bulyaw ko rito.Wala akong paki kung may makarinig.Uminit ang dugo ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito nang tignan ako.The guts!Tinaasan pa ako ng kilay."I'm busy Selene with something,'wag mong dagdagan ang problema ko!"

"Mukha bang alam ko at ni Mama 'yang problema mong babae ka? Nagsasabi ka ba?"Nainis ako lalo rito.May problema rin ako pero nagkakaroon pa rin ako ng oras para sa mga importanteng bagay.

"At bakit ko kelangan ipaalam sa inyo?"Hinagod nito ang buhok."Pamilya ko kayo pero hindi lahat ng ginagawa ko ay kelangan na alam ninyo."Sinamaan ko ito ng tingin at namawang.My sister just made my blood boil!

"Yung tatay natin,napatay sa pinagtatrabahuhan niya,hindi mo alam dahil wala ka namang pakialam diba?Si Mama ang unang nakaalam, tapos inayos na kaagad namin."Napapahid ako sa noo ko.Naglakad ako papunta sa kwarto ko.Tinignan ko ang Ate ko na ngayon ay nakaupo sa sofa at nakatitig sa kabaong."Para magkasilbi ka naman,magbantay ka.Tangina ka."

"Wag mo akong pagsalitaan ng matalas dyan Selene!"Inignora ko ito at nagpatuloy sa kwarto ko.Nang sinara ko ang pinto,doon ko naramdaman ang pagod.Ala una na pala.

Kaya siguro ako inaantok.Agad akong humiga sa kama at pumikit.I'm kinda drained.I need a rest,maybe short rest for now.I fell asleep with annoyance, sadness, and fatigue from what was happening.

***

Pumasok ako kinabukasan.Si Ate ang pinagbantay ko sa lamay at kay Mama para magkasilbi naman siya.Maraming humingi ng pakikiramay sa pagkamatay ng aking ama,pati ang mga professor ko.Nasa canteen kami ngayon kasama ang dalawa kong kaibigan para bumili ng pagkain,libre raw nila.Pumayag naman ako dahil tipid na rin iyon sa pera ko.

"Alam ng fafa mo na pumasok ka?"Charlie asked me while we're on the line.

Tumango ako,"Oo, nagchat ako kanina bago ako pumasok.Pero hindi pa kami nagkikita, deretso library daw siya pagpasok,gawa ng contest niya."Balita ko na sa makalawa na ang palapit na laban nila.It was regional,so bawat probinsiya ang kakompetensiya nila.Hinayaan ko siya para makafocus siya.Nastress ako nang marinig ko kanina ang nalalapit na research defense namin, malapit na kasing matapos ang deadline na binigay sa amin ng professor.I also carrying the problem in my home.I'm still thinking about supporting Sean's contest.At ang practice ko pa sa cooking club!Inangyan.

"Awts,di ko siya masisilayan pala."Sinabunutan ko ang buhok ng bakla kaya tawa siya ng tawa.Nagtigil lang kami nang sawayin kami ni Aviona dahil malapit na kaming bumili.Charlie bought two burger and a drinks while Aviona bought coleslaw mix.Lumabas na kami ng canteen pagkatapos.

Naglakad na agad kami pabalik sa room,maraming estudyante.Merong naglalaro sa field,may naglalandian sa bench tapos binabato ng inggiterang walang love life,meron naglalakad din patungo sa kani-kanilang rooms.Nang marating namin ang room ay kaagad kaming pumasok na tatlo.

Nadaanan ko pa ang upuan ni Bethany.Nakasubsob ang ulo niya kaya diko kita ang itsura niya.I badly want to approach her but I don't want to be a disturbance,so I cancelled it and walked through my seat.

"Bhie potangina nakakaburn-out naman netong defense natin.Kasura!"Kinamot ni Charlie ang ulo at tinignan ang gawa nila,si Aviona ay nagbabasa habang kumakain.

His Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon