𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧 𝙚 𝙞 𝙜 𝙝 𝙩
I was able to go home safely even though I was carrying some thinking all the way to our home.Pumasok naman ako sa bahay,medyo tahimik ang sala.Wala ang ate ko roon sa pwesto niya kung saan na kapag nagtatanong ako ay sasagutin niya ako ng may halong pagtataray at pang-uuyam."Ma?San kayo?"Umalingawngaw sa loob ng aming tahanan ang aking boses.
"Nasa kusina ako nak."Sagot ng boses,kilala ko na agad na ang aking ina iyon.Binaba ko saglit ang bag sa sofa at dire-diretsong tumungo sa kusina.Natagpuan ko naman na nagluluto si Mama roon.Niyakap ko saglit ang likod nito at saka kumalas agad."Asan si Ate,Mama?Bat wala pa rin siya?"Takang tanong ko.Napapadalas ata ang pag-alis ng kapatid ko.
"Hindi ko alam nak,wala naman akong selpon para makontak ang Ate mo,siguro ay busy lang hane.Kumain ka muna at alam kong pagod ka."Nginuso ni Mama ang nakalapag na pandesal sa lamesa.
"Salamat Ma."Umupo ako at tinignan ang aking ina na nagluluto pa rin.Nagtimpla ako ng kape at saka pumunta sa kwarto ko upang makapagbihis.Bumalik naman ako kaagad sa kusina para masamahan si Mama at makapag-meryenda saglit.
"Peram pampusod ng buhok Mama."Ani ko sa tali na nasa kamay nito.Binigay naman ng ginang ang tali,inipit ko ang buhok ko.Umupo ako sa pwesto ko kanina at humigop ng kape.Naalala ko ang eksena sa parking lot ng university.Diko maano kung anong emergency ba ang sinasabi ni Sean.Tapos yung mukha ni Bethany,parang balisa kanina habang akay siya ng aking nobyo.Napahigop muli ako sa kape ko at kumagat ng tinapay.
"Magtatahi ba tayo ngayon Mama?"Tanong ko sa ina matapos ang ilang minuto na pagmumuni-muni.Umiling ang ginang."Hindi muna,gusto kong magpahinga muna tayo saglet sa pagtatahi."
Napatingin ako rito."B-bakit Ma?"
Pinatay nito ang stove at nagpunas ng kamay sa laylayan ng kanyang suot na daster."Nagpadala ang tatay mo ng pera, kanina ko lang nakuha.Medyo malaki yung pinadala niya, mataas ata sahod nila sa kompanya nila ngayon."
"Eh magkano po ba yung pinadala ni Papa?Saka bat di pa siya umuuwi,ilang araw na rin ah."Napakamot ako sa noo ko.
"Yun ang diko alam nak.Nagpadala lang siya eh pero nung nakitawag ako sa kumare ko, can't reach yung numero niya.Nasa tatlumpung libo rin yung pinadala niya sa atin."Kumunot ang noo ko.Masyadong malaki ang 30k para sa trabahong construction worker.Inisip ko na lang na baka may overtime sila,pwede naman yun diba?
Di na ako sumagot at tinapos na ang pag-inom ng kape,nang maubos na iyon ay nagsaing na ako ng kanin.Dinamihan ko ang takal at baka umuwi si Ate.Kinuha ko naman ang cp ko sa kwarto at tumambay sa kusina upang mabantayan ang kanin.Tinignan ko kung online si Sean.Active one hour ago ang nakastatus sa lalaki kaya nadismaya ako.Nag-scroll na lamang ako sa Facebook at nagpatugtog upang maalis ang inip sa sarili.
Nang dumating na ang alas sais ng gabi,hindi pa rin online si Sean.Tinawag na ako ni Mama upang kumain,nang makakain na ay naghugas ako ng plato at isinalansan iyon sa dishrack.Nagsepilyo ako at naghilamos ng mabilis,natapos ko ang gawain ng mag aalas-syete.
Muli kong tinignan ang aking cp pero hindi pa rin siya nag-oonline.Nag-iwan na lamang ako ng message sa kanya at sinabing kumain na siya.Papasok na ako sa kwarto nang dumating si Ate.Pansin ko ang medyo pagkakaroon niya ng laman.Malakas ba siya kumain?
"Kumain na kayo?"Tanong nito at inalis ang sapatos na suot.Hindi siya nakapang-school na damit.Para siyang gumala na ewan.
Tumango ako."Kani-kanina pa.Kumain ka na rin."Ani ko.
Umiling ito."Kumain na ako sa pinuntahan ko."
"San ka ba galing ate?"Tinaasan naman ako nito ng kilay.
BINABASA MO ANG
His Burning Desire (COMPLETED)
General FictionR-18 UNEDITED Selene and Sean was once a couple who dreams about their life, but one problem would lead to a serious result. Would they still try after years passed? STARTED: June 24,2022 ENDED: August 23,2022