𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧 𝙩 𝙝 𝙞 𝙧 𝙩 𝙚 𝙚 𝙣
I tried to reach out Sean that night.Chinat ko siya sa messenger pero hindi pa siya nagrereply.Halos madurog ko na ang cellphone sa aking palad.Pansin ni Mama ang pagkagigil ko.Nasa kusina kami ngayon at nagkakape, pagkauwi ko kasi ay nagmeryenda na agad ako.
"Ang aligaga mo ata Selene.Anong problema mo?"Tanong ni Mama habang nsgtatahi ng susuutin ko para sa event next week.Ngumuso ako rito.
"Si Sean kasi Ma di nagrereply sakin."
Mahinang tumawa ang aking ina habang tinutuloy ang pagtatahi sa makina."Kamusta na kayo nyan?"
Tinignan ko ito."A-ayos lang po."
"Iyong totoo ba anak? Ayos lang ba kayo?Hindi masamang magsabi ng totoo."Maiigi akong tinignan nito saglit,tapos muling binaling ang atensiyon sa pagtatahi.
Tinignan ko ang direksiyon ng sala kung saan nakapwesto ang kabaong ni Papa.Malapit na ang Sabado,malapit ko na ring hindi makita ang aking ama nang tuluyan."Hindi ko alam Mama.May kaunting problema lang po."
"Ang dapat dyan ay mag-usap.Hindi naman kayo magkakaintindihan kung hindi kayo nagbubukas sa isa't isa.At habang hindi niyo pa nagagawa yun,iwasan muna ang pag-iisip ng negatibo.Masama sa relasyon yun."
"Opo,mag-uusap kami.Thank you po."I sipped on my coffee and continued contacting Sean.But I didn't get anything from him.Nakadelivered ang mga chats ko, meaning that he received my messages.
Inubos ko ang aking kape at pumasok na sa kwarto ko.Nagbihis ako ng pambahay at tinali ang buhok ng ponytail.Naglagay ako ng konting baby powder sa leeg at muling lumabas sa silid.Mag-aasikaso ako ng mga napunta sa lamay.
Nagpasalamat ako sa ilang nag-abot ng abuloy kay Papa.Nilagay ko iyon sa lalagyan na nakapwesto malapit sa kabaong.Inalis ko ang ilang kalat na naiwan sa lamesa sa labas at nagwalis upang maalis ang balat ng mga candy na naroon.Nang maayos na ay nilagyan ko ng mga chichirya ang malaking bowl roon at iniwan sa labas.
"Hello po."Ani ko sa kapitbahay naming matanda na nang pumunta ito sa amin,si Aling Tess.Inalalayan ko ito papunta sa kabaong, nagpasalamat naman ang matanda sa akin.
"Kagwapo ng tatay mo ano?"Nakangiting wika nito habang nakatingin sa papa kong payapang nakapikit.
"Syempre naman po,papa ko yan eh."Kahit hindi maganda ang trato ng aking itay sakin ay sobrang mahal ko ito, pati si Mama.
"Ang aga nga lang umalis.Sayang."
Hinayaan kong magmuni-muni ang matanda sa sala.Inalok ko ito ng upuan at pinaupo.Dinalhan ko naman ng sopas at gatas ito pagkatapos.Tinawag ko saglit si Mama para may makakwentuhan ang matanda.Ako naman ay bumalik sa kwarto upang mahiga.
Binuksan ko ang electric fan at tinapat sa akin.Nag-alis ako ng bra at tumihaya sa aking kama at pinikit ang mata.Nakaidlip naman ako kaagad.
***
"Ako na ang magluluto rito."
Naghiwa ako ng luya at iba pang sangkap para sa tinola.Pinaupo ko na si Mama na tila gustong tumulong,pero gusto kong magluto kaya magpahinga na lang siya jan.Nagsisimula pa lang lumambot ang manok kaya hinanda ko na ang sayote.
"Ako na lang magsasaing pagkatapos mo diyan."Sambit ng aking ina habang pinapanood akong magbalat ng sayote.
Umiling ako "Ako na rin,magrelax ka na lang jan.Ako na bahala rito."
"Bait naman,ano kayang kelangan nito?"Tudyo nito sa akin.Tumawa ako sa sinabi nito.
"Lah tutulungan na nga,duda pa si Mama.Kakatampo."Ngumuso ako rito,pero nakangiti ang mata.Natawa rin ang ginang.
BINABASA MO ANG
His Burning Desire (COMPLETED)
Ficción GeneralR-18 UNEDITED Selene and Sean was once a couple who dreams about their life, but one problem would lead to a serious result. Would they still try after years passed? STARTED: June 24,2022 ENDED: August 23,2022