𝙘 𝙝 𝙖 𝙥 𝙩 𝙚 𝙧 𝙚 𝙡 𝙚 𝙫 𝙚 𝙣
Hindi ako pumasok kinabukasan.Hinayaan ko ang sarili ko na tumulong sa bahay dahil maiiwang mag-isa ang aking ina kapag pumasok ako.At saka,ayoko munang makasalamuha sina Sean at Bethany.Tinignan ko kung may iiwan siyang chat sa akin, pero wala naman.So,hindi niya ako hinahanap, ganon lang iyon sa akin.
Hindi pa rin umuuwi ang Ate ko,pero hindi ko na rin siya inaantay at baka maamag pa kami kung gagawin iyon.At dahil patanghali pa lang,marami ang pumunta sa lamay.Pero madalas ay sila-sila pa rin,yung mga kumpare ni Papa.Ayos na rin iyon para kahit paano'y may tao sa amin.
"Selene,di'ba meron ka pang practice jan sa luto-luto mong yan?Paano kapag di ka nakaattend diyan?Sayang iyon..."I gave her a short laugh and combed my hair using my fingers.Nasa kusina kaming dalawa at nag-aalmusal.Nalate kasi ang kain namin dahil inantay ko muna itong gumising.
"Practice lang naman yun Mama.At tsaka maiintindihan nila kung wala man ako doon dahil nga may inaasikaso ako rito."Sumubo ako ng tinapay pagkatapos.
Tumango-tango ito at magaan na ngumiti."Ah, sabagay.Ilang taon na laang at graduation ka na ano?Para kasing wala akong aasahan sa ate mo kahit na sa pribadong eskwela yan inenroll ni Walbert."
Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil ng mahina."Hayaan mo na,magwowork ako after neto.Try ko maging working student."
Bumuntung-hininga ito at tumingala sa kisame ng aming tahanan."Nak,sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin pagkatapos nito.Parang magsisimula uli ako sa umpisa.Wala na kasi akong kadamay sa problema ngayon."
"Ma naman, andito pa ako.Kunwari ako si Papa,sakin ka magsabi syempre.Damayan na ito."
Tumingin ito ng mataman sa akin,sa huli'y ngumiti ito ng magaan."Salamat Selene."
Pinagpatuloy na namin ang pagkain at nang matapos ay hinugasan ko na ang pinagkapehan naming dalawa.Umupo ako sa sofa sa aming sala at nagselpon saglit.Nagpaalam ako sa prof ko na absent ako upang tumulong dito sa amin at agad naman iyong naintindihan ng guro.Nagpatugtog naman ako at sinaksak ang earphone sa aking tenga upang mabawasan ang boredom sa katawan.
Naalala ko ang research namin,sa susunod na linggo na iyon ipepresent.Buti na lang at kabisado ko na ang mga impormasyon doon,bawas problema.Pagkatapos ay biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Mr. Colombo na pwede akong mag-apply sa kanilang restaurant.Maybe it's a step for me to get some income and lend it on our expenses.
Dahil doon ay pinuntahan ko si Mama sa kwarto nito upang sabihin ang aking plano pero narinig ko ang paghikbi nito sa loob ng kanilang silid ni Papa.Napatigil ako.Siguro hindi pa ito ang oras para sabihin sa kanya,nagbe-breakdown pa siya.Bumalik na lamang ako sa sala at naupo.
Nalungkot ako.Ang sikip sa dibdib kapag nakikita ko si Mama na naiyak.Nanghihina ako.Nanlulumong yumuko ako nang may kumatok sa pinto kahit nakabukas iyon.Tumayo ako at tinignan kung sino ang tao.
"S-sino sila?"Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.Naka suit ito at may dalang attaché case sa kanang kamay.May edad na ito base sa itsura pero di masasabing matanda na talaga.Tumikhim ang lalaki.
"I came from the company where your father worked at.I'm Atty. Alessandro Baluarte."He offer me a hand so a accepted it,I shake his hands.
"A-ko po si Selene.Selene Sanchez,anak po ng namatay."Ngumiti ako at inaya itong pumasok sa loob.Sumilip ito saglit sa kabaong ni Papa at umupo sa sofanh naroon."Tatawagin ko lang po ang Mama ko, saglit lang po."Magalang na sambit ko sa abogado.
"Take your time."
Dali-daling pumunta ako sa silid ni Mama at kumatok roon."Ma,may bisita tayo.Kelangan ka roon."Bumukas naman ang pinto at lumabas si Mama.Bakas roon ang kanyang pag-iyak.
BINABASA MO ANG
His Burning Desire (COMPLETED)
Ficción GeneralR-18 UNEDITED Selene and Sean was once a couple who dreams about their life, but one problem would lead to a serious result. Would they still try after years passed? STARTED: June 24,2022 ENDED: August 23,2022