4: My Name Is Yelen

1 0 0
                                    

Naghuhugas ako ng aking mga kamay nang makita ko ang pagpasok ng isang magandang babae na pang modelo ang lakad at tindig.

Pasimple ko siyang pinagmasdan sa salamin. She's so pretty. Napakaganda ng hubog ng kaniyang katawan. You can tell na sobrang confident niya sa kaniyang porma. Malakas ang dating niya. Na-trigger tuloy ang insecurity ko sa aking katawan. Tataba pa ba kasi ako?

Lihim akong napalunok. Isa kasi iyon sa ikinakainggit ko sa ibang mga babae. Ang iba kasi, mas maagang na-develop ang feminine features nila. Samantalang heto ako, maluwag pa rin sa akin ang mga pantalon ko. Kaya hangga't maaari ayaw ko talagang magpantalon muna.

Alam mo 'yong feeling na para kang tingting kapag nakasuot ng pantalon. Iyon mismo ang pakiramdam ko palagi.

Agad kong tinapos ang aking ginagawa. Akmang lalabas na ako nang harangin ako nung magandang babae.

"Hi, puwede bang magtanong?" nakangiting sambit niya na ikinagulat ko.

"S-Sure," sang-ayon ko kapagdako. "Magtanong ka lang..."

Umakto siya saglit na nag-iisip bago muling nagtanong. Kahit na simpleng pag-iisip niya ay sobrang elegate pa rin tignan.

"Alam mo ba kung saan ang room ng Fourth year Mars, miss?" umaasang alam ko na tanong niya sa akin.

Natigilan ako at maang na napatitig sa mukha ng babae.

Bakit iyon ang tinatanong niya? Hindi kaya siya mismo ang transferee na tinutukoy nila.

Napakurap ako. "Oo, alam ko."

Mas lumawak ang kaniyang ngiti pagkarinig sa aking sinabi.

"Talaga?" Nagliwanag lalo ang kaniyang magandang mukha.

Napatango ako. "Halika at ituturo ko sa'yo," pagmamagandang loob ko at nauna na sa paglakad palabas ng comfort room.

"Oh, thank you!" pasasalamat niya sa akin saka nagpatuloy sa pagsasalita, "My name is Yelen nga pala. I'm a new student here kasi." 

Napatangu-tango ako. Tama nga ang aking hinala. "Isla," pagpapakilala ko, "hayaan mo at ituturo ko sa'yo, Yelen."

"Sige, thank you, Isla!"

Nagulat ako nang ipulupot niya ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Anong year ka na nga pala?" she asked me.

Pinagmasdan ko ang malaking diperensiya sa pinagtabi naming kutis sa kamay.

Maraming nagsasabi na maputi raw ako kumpara sa aking mga kaklase na kagaya kong nakatira lamang din sa tabing dagat. Pero natalbugan pa rin ang confidence ko sa aking kulay sapagkat sobrang puti at kinis ng balat ni Yelen.

For the very first time, nakuwestiyon ko ang aking sarili tungkol sa kutis ng isang tao. Ano kayang sabon niya? Noon, sa akin lamang itinatanong iyon ng iba. Ngayon alam ko na ang feeling.

Lihim na naman tuloy nadagdagan ng isekyuridad ko sa aking katawan.

"Third year, ikaw ba?" pormal kong tanong pabalik sa kaniya.

"Mas matanda pa pala ako sa'yo," aniya. "Fourth year na ako, eh..."

Alam ko. Pero sa isip ko lamang iyon sapagkat wala na akong balak pahabain pa ang aming usapan.

Pinagtitinginan kami habang naglalakad. I mean, nakatingin sila kay Yelen. Tunay na agaw pansin naman kasi talaga siya.

Huminto kami sa harapan ng klasrum na hinahanap ni Yelen.

"Dito na ang klasrum mo," ani ko.

Agad namang napabitaw si Yelen sa aking braso at nginitian ako. "Maraming salamat, Isla! Alam mo, ikaw ang unang in-approach ko rito sa school..."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Do I have to feel grateful? Pinigilan kong mapangiwi.

"Gano'n ba," sinundan ko iyon ng pagak na tawa.

Napatango siya. "Pasok na ako," ani niya sa akin sabay kaway.

"Sige," maikli kong sambit.

"Thank you ulit!" Kumakaway pa rin.

Tumango ako at pasimpleng sumulyap sa loob ng klasrum. Sinadya kong hanapin si Isandro ngunit hindi ko siya mahanap.

Bagsak ang balikat na tumalikod na lamang ako. Parami nang parami na ang magagandang kaklase ni Isandro. Sabagay, halos lahat naman ng mga kaklase na babae ni Isandro ay magaganda at higit sa lahat, magaganda ang hubog ng katawan.

Nakayuko habang naglalakad sapagkat nag-iingat ako na hindi mamantiyahan ang suot kong rubber shoes. Paano'y maputik ang daan sapagkat umulan nang madaling araw.

"Isla?"

Maang akong napatingin sa bandang gilid ko para sana tignan kung sino ang tumatawag sa aking pangalan. Lubos akong nagulat pagkakita ko kay Kuya Fernon. Nanlalaki ang aking mga mata sa gulat sapagkat sa tabi niya ay ang preskong si Isandro.

Nais kong matilihan. Sobrang guwapo niya lalo ngayon at buo na agad ang araw ko. Iba talaga ang naidudulot sa akin ni Isandro.

"Hello po!" nakangiting bati ko sa kaniya.   Binalewala ko si Isandro sapagkat agad din naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

Nakangising namulsa si Kuya Fernon kapagdako. "Anong ginagawa mo rito? Hindi nga ba at sa pinakaunang building pa ang room mo?"

Alanganin akong tumango. "M-May hinatid kasi ako," nauutal kong sambit sapagkat nahuli ako ni Isandro na nakatitig sa kaniya pagbalik niya ng tingin sa amin.

Mas dumoble ang kaba sa aking dibdib nang makita ko ang paglawak ng ngisi sa mga labi ni Isandro.

"Hinatid?" kunot-noong tanong sa akin ni  Kuya Fernon.

Tumango ako. "Mauna na ako, Kuya Fernon. May klase pa po ako..." Yumuko at akmang aalis na nang may pumigil sa braso ko.

Nag-angat ako nang paningin sa may-ari ng kamay na iyon. Si Isandro. Salubong ang kaniyang kilay at buryo ang tingin na iniukol sa akin.

Grabe sa pagririgudon ang kaba sa aking dibdib.

Inginuso niya ang aking paa na ikinakunot ng aking noo. "Huh?" maang kong tanong sa kaniya.

"Iyang sintas ng rubber shoes mo natanggal," sagot niya na ikinakurap ko.

Akmang lalapit sa akin si Isandro nang mapaatras ako. Wrong move.

"A-Aray!"

Mariin akong napapikit pagkabagsak ko sa kaputikan. Nanlalaki ang mga matang inangat ko ang aking mga kamay na punong-puno ng putik ngayon.

Kabado akong nag-angat ng tingin upang makita ang dismayadong reaksyon ni Isandro sa aking katangahan.

Pero hindi niya man lang ako tinapunan ng sulyap. Naiiyak ko siyang hinabol ng tingin pagkalagpas niya sa akin at paglakad patungo sa kaniyang klasrum.

Nais ko na lamang kainin ng putik at maglaho bigla. Hindi lamang ako napahiya kundi'y nasaktan din sapagkat wala talagang pakialam sa isang katulad ko si Isandro.

Ramdam ko ang nakikiusyusong tingin ng ibangga estudyante sa amin.

"It's okay, Isla... Halika, tumayo ka muna riyan." Dinaluhan ako ni Kuya Fernon at maingat na inalalayang tumayo. Hindi niya ininda nang maputikan ko ang kaniyang kamay.

Napayuko ako. Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" seryosong sita ni Kuya Fernon sa mga malisyosong tingin sa amin.

Mas lalo tuloy akong nahiya.

"Shh!" Sinaway ako ni Kuya Fernon. "Huwag kang umiyak, Isla. It's an accident. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Ang mabuti pa, dumiretso na tayo sa comfort room at linisin mo 'yang putik sa katawan mo..."

Hindi naman ako nakaimik nang samahan niya ako patungong comfort room habang nakayuko lamang ako.

~itutuloy~

His RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon