CHAPTER NINE

1.1K 31 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗜𝗡𝗘 : #𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗡

                       (DYX POV)

KINABUKASAN...

"Yara ,pakibuksan nga ng pinto!" sigaw ko kay Yara mula sa kusina.

Nagluluto kasi ako ng agahan namin ngayon.

"Sige po!"

Sino naman kaya ang ganitong kaaga ang magdo-doorbell at dumalaw dito?

Si Dark?

Hindi ,mali. Sa Hongkong na ngayon si Dark.

Hindi rin pwedi na si Bryan.

T-teka ,hindi kaya si Chesca??

Dali-daling sinundan ko si Yara.

Kailangan masigurado ko kung sino ang bumisita.

"Aw, you're really cute little girl." nakangiting mukha ni Chesca ang bumungad sa akin habang pinipisil pa ang magkabilaang pisnge ni Yara.

"Ayay! Anshakit pwo ache." reklamo ni Yara sabay,

pisil din ng pisnge ni Chesca??

"Y-you! Bitawan mo nga a--------" napatigil ito ng mapasulyap sa tabi ko, "Bitawan mo ako baby girl ,ang sakit-sakit kasi ng pagkakapisil mo eh." nakangusong aniya kaya natawa ako ng mahina.

HAHA ,they both look cute together.

"Hihihi,oki po ate!"

"Btw, this is for you." sabay abot ng paper bag kay Yara na nahihiyang kinuha naman nito.

"Hi Babe!" nakangiting baling niya sabay lapit sa akin.

"Hey." nakangiting bati ko. Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap at siniil ng halik.

"I miss you babe!" aniya at muli akong niyakap ng magkahiwalay ang aming labi.

Palihim na napasulyap ako sa kinaroroonan ni Yara.

Malawak na nakangiti itong nakatingin sa amin habang hawak-hawak ang paperbag.

Too innocent.

Teka bakit pa ba ako nagulat sa ginawa ni Chesca eh lagi naman niya itong ginagawa?

Mahinang pinilig ko ang aking ulo bago inakay si Chesca sa loob.

"Wait me here. Chesca what do you like? Coffee or--------"

"No. No. I hate coffee you know, hindi siya good f----------"

"Pampabaho ng hininga iyon naku!" pagsingit ni Yara. Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng pagkakairita sa mukha niya.

Teka, tama ba ang nakita ko?

"What do you mean??" tanong ni Chesca pero bago pa nakasagot si Yara ay binuhat ko na siya na parang sakong bigas papunta sa loob ng kusina.

"Babe!"

"Wait me there babe!"

             (Chesca POV.)

"Ang dugyot mo talagang kumain. Nagmamadali ka ba ha?" kunot-noong tanong ni Dyx sa kaniya habang pinupunasan pa ang gilid ng labi niya.

Tsk. I hate this girl!

Ako dapat yan eh!

Ako dapat ang katabi ni Dyx.

Ako dapat ang dahilan ng pagtawa niya!

Nasa akin dapat ang lahat ng attensyon niya! Nasa akin !

Not on this stupid girl named Yara!

Argh! She's getting into my nerves!

"Ah ,babe. Pasensiya ka na ah, baliw talaga ang babaeng ito." mahinang bulong sa akin ni Dyx.

"No, it's okay babe. She's cute naman eh." nakahagikhik kong tugon kaya napangiti siya.

"Yeahh.." aniya at muling sinulyapan si Yara.

Argh!! Paano ko ba mapapalayo si Dyx sa basurang ito?!

I don't fvcking care kung pinsan siya ni Dyx or what!

She's annoying!!

"My Innocent Maid" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon