CHAPTER ELEVEN

1.1K 30 0
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗘𝗡 #𝗝𝗘𝗟𝗢𝗨𝗦

   YARA POV.

"Sinong Dark ang kasama mo?" tanong ni Sir.

Uminom muna ako ng tubig bago siya sinulyapan.

Ngek!! Bakit galit ang isang ito??

"Si Dark na kaibigan mo po,hihi." napahagikik pa ako ng maalala ang mga pinanggagawa namin kanina...

••••Flashback••••

"Manong, bakit kayo napatigil?" tanong ko kay Manomg Driver at bahagya pa siyang sinilip.

"Naku, pasensya ka na iha. Nasiraan tayo!" aniya dahilan ng pagnguso ko.

*Oh,yeah. HAHA. Okay ,coming." nabigla ako ng may magsalita sa,

tabi ko.

Napasulyap ako sa aking tagiliran. Bumungad sa akin ang naka-sideview na lalaki.

Teka?? Bakit hindi ko siya napansin kanina?? Hindi kaya ,multo siya??

O baka naman nag-adiktos? Ah basta 'yong lumalaho ka kagaya nila Sangre Amihan!

"Tao ka ba? O kalahi nila lolo Imaw?" walang pag-aalinlangan na tanong ko sa Stranger na ito.

Gulat na napalingon naman ito sa akin dahilan ng pagtama ng aming mga mata.

>_____< S-si Dark??

~ang gwapong binata na aking nakilala.

"Y-Yushien??" gulat niyang  naibulalas kaya malawak na napangiti ako.

Hanla! Kilala niya ako!! ^___^

Tinanggal niya ang suot niyang headphone at tinago ang cellphone sa bulsa niya.

"I'm sorry ,I didn't noticed you kaagad. Nakaidlip kasi ako and you know...Nakikinig ng music."

Lah bakit siya nagpapaliwanag?

"Jowa ba kita?" tanong ko na ikinamula ng mukha niya.

"H-ha?"

"Heklog! Nagpapaliwanag ka kasi."  dagdag ko pa na ikinatawa niya ng mahina.

Ganoon naman talaga sa korean drama na napanood namin ni Sir Dyx noong nakaraan ah!

--------FLASHBACK-----------

"Sir, tara magmovie mathonthon tayo!" agad kong salubong kay sir Dyx pagkapasok niya ng bahay.

Tinulungan ko naman ito sa pagtanggal ng kaniyang suit 'saka kinuha ko ang folder na hawak niya.

Nanggaling kasi siya sa kompanya nila, halata nga rin ang pagod sa kaniyang mukha eh!

"What did you say?" tanong nito na ikinanguso ko.

Medyo naiintindihan ko naman ang sinabi niya, hindi naman ganoon kabobo si Yara anoh!

"Movie mathonthon!"

"Pftt. It's movie marathon not mathonthon!" natatawang tugon niya sabay salampak sa sofa. Nakiupo rin ako sa tabi niya.

"Ganoon ba ,pareho lang 'yon tara nood tayo!"

Bahagya itong natigilan. Napaayos ng upo 'saka ako sinulyapan.

"Sige may movie ka na bang napili?" aniya na sunod-sunod kong ikinatango.

"Oum. Spongebob, ben ten, ben eleven ,ben twelve ,ben thi-------"

"Okay!Okay!" napatayo ito at hindi makapaniwalang tinapunan ako ng tingin.

"Anong klaseng movie 'yan?"

Teka naiinis ba ito?

"Klase ng mga movie sir Dyx." agaran kong tanong kaya napasampal siya sa sariling noo.

Hala ,may lagnat ba siya??

"May lagnat ka po ba?" tanong ko at napatayo.

Hinawakan ko ang kaniyang noo at sarili kong noo. Wala naman siyang lagnat pero bakit biglaan na namula.

"Na-ah. I don't have fever. Tara manood ng korean drama."

---------END of FLASHBACK---------

"Hey, you're spacing out again. HAHA." napapitlag ako ng magsakita si Mr. Vampire.

Mr. Vampire na lang dn isa sa mga itatawag ko sa kaniya, mukha kasi siyang bampira.

Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang mga maleta.

"Naglayas ka?" tanong ko.

"Nope. Kakauwi ko lang ng bansa." aniya kaya medjo nabigla ako.

Paano nangyari iyon? Parang kailan lang nakita at nakilala ko pa siya sa bahay ni Sir??

Siguro nga tama ang hinala ko na kalahi niya si Lolong Imaw pero hindi niya lang kayang sabihin dahil delikado iyon para sa kanila.

Tama ,tama. Ganoon na nga iyon!

"Wow. HA-HA-HA." tanging lumabas sa bibig ko saka muling sinilip si Manong Driver na nasa labas na.

"Manong, ayos na po ba?" tanong ko ulit.

"Pasensya na kayo iho at iha. Mukhang kailangan ko na talagang ipaayos ito." sagot niya kaya bumaba na lang ako sa taxi.

Aakmang babayaran ko na si Manong ng biglang may naunang nagbayad sa akin.

"Here manong. Dalawa kami, keep the change."

"Pero hindi niyo na kailangang magbayad kasi nasi---------"

"No,Manong. It's okay po." nakangiting pagputol kaagad ni Dark.

Ang gwapo niya talaga tapos ang bait-bait pa!! ^__^

"Naku, salamat iho!" naibulalas ni Manong...

"Yara." napasulyap ito sa akin. Nagkaroon ng maraming Question Mark sa ibabaw ng ulo ko.

"Ako na ang maghahatid sayo." dagdag pa niya.

-------------End of Flashback--------

Dyx POV.

"Ang sabi mo nakasakay lang din siya sa Taxi?" kunot-noong tanong ni Sir na ikinatango ko.

"Paano ka niya nahatid?" tanong niya uli.

"May tinawagan po kasi siya Sir tapos ayon ilang minuto lang may dumating na sasakyan. Nagpakilala pa nga ang sasakyan este driver niya yata 'yon." tugon ko.

Totoo naman eh at sa pagkakaalala ko Bryan ang name ng lalaki.

"Oh. Okay. Next time kapag ganito pwedi mo naman akong tawagan." nakairap niyang wika kaya inirapan ko rin siya.

"Duhh, paano kita tatawagan kung wala akong phone number mo."    natigilan naman ito at inilahad ang palad sa harapan ko kaya nakangiting  nag-appear ako na ikinakunot ng noo niya.

Bakit? May mali ba sa pag-appear ko? Eh paano parang nakahiga kamay niya amp! Aakmang i-appear ko na sana uli siya ng bigla niyang iniba ng direksyon ang kaniyang kamay.

O___o

"Baliw! Akin na ang phone mo."

"Ay, hihi." nag-peace sign pa ako sa kaniya bago binigay ang phone ko. Nang matapos siya kakapindot binalik niya rin sa akin ito.

"Kumain ka na diyan at matulog." saad niya.

"Btw, this is for you." binigay niya sa akin ang paper bag.

"Good night." huling sambit niya bago lumabas ng kusina.

Nang buksan ko ang paper bag bumungad sa akin ang Kulay Rosas na handbag at may prize tag pa na nakalagay.

"28.5K !!" Gag*! Napakamahal naman nito!!

"Sir!! Ayaw ko po nito bahala ka sa buhay mo!!" sigaw ko na nag-echo pa. Ipinatong ko ang handbag sa lamesa bago tumungo sa Ref.

Mas gusto ko pa ang kumain ,hmp! >___<

&quot;My Innocent Maid&quot; (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon